"May mga childhood sweet hearts ba na nagkakatuluyan?" tanong sa akin ng kaibigan ko. Ewan ko ba kung bakit sa akin sila laging nanghihingi ng advice eh ako tong NBSB.
"Meron naman kung parehas kayo ng nararamdaman sa isa't- isa. Pero kadalasan kasi nagiging one sided love lang kasi yung isa tingin sa isa ay parang kapatid lang." sabi ko sa kanya.
I became their love guru every time they have problems with their love life. Minsan pa nga kahit hating gabi na magugulat na lang ako nag chat sila tas nagkkuwento na. In my side, it feels so good kasi nakakatulong ka sa isang taong may problema.
And also maganda rin na marinig yung mga story nila kasi nalalaman ko rin na may ganoon pa lang nangyayari sa tunay na buhay. Na akala ko sa libro lang.
Ang boring kasi ng buhay ko, ewan ko ba. Sabi nila maganda naman ako pero ni isang may crush sakin walang nagconfess, as in wala. Kaya panget na panget ako sa sarili ko kasi feeling ko walang nakaka appreciate. Ay ewan ba.
"Pag first love niyo ba ang isa't isa, may possibility na kayo na hanggang huli?" tanong niya ulit sakin sumunod na araw.
"Kung greatest love niyo rin ang isa't-isa, may possibility nga. Kasi for me, mas mahalaga ang greatest love kesa sa first love."
Kailan kaya darating yung araw na ako naman ang manghihingi sa kanila ng advice? Pero like what I am always telling to them and also to myself na just wait. Just trust His plan for you. Like what they said, "Great things take time." Know your priorities for now. Deal with the others later. Walang masamang maghintay kung maganda naman ang dadating.
YOU ARE READING
I didn't know I was looking for love
RomanceIs it really coincidence? Or is it fate that brought them together?
