una ( i )

5 0 0
                                        

[a/n: Thank you dahil natripan mong basahin itong story ko 😅 Hope you would enjoy xD. Vote//Comment// and Share mhuaazxh 😘 Lots of Love baees *winkzz]

Laud

Hawak ang litrato nating dalawa, ay pilit kong inaalala ang nakaraang minsa'y ginusto kong kalimutan. Ang mga panahong Andiyan ka pa, Andiyan ka upang magbigay ng lakas ng loob saakin, andiyan upang umalalay at ipakita saakin na masarap ang mabuhay. Oo, ikaw ang taong iyon.

---

Simula ng mawala ang mga taong mahahalaga saakin, nawalan na din ako ng ganang mabuhay. Tila wala ng saysay na at nandirito pa ako. Wala nang halaga at tila nawalan na ako ng patutunguhan.

Hindi ko na dama ang sarap ng salitang Pamilya. Ang gaan ng pakiramdam ng bumalik sa sariling tahanan ay naglaho na tila isang bula.
Matagal na panahon na rin simula noong araw na masaya ko talaga.

Hindi ko lubos akalain na nadito parin ako, matapos ang lahat. Matapos ang iwan nila ako.

Ilang beses ko nang tinangkang umalis. Kitilin ang sariling buhay, ngunit heto, andito at humihinga pa.

Di ko alam kung anong plano ng nasa itaas para saakin. Bakit nga ba nananatili pa ako rito? Bakit? Para saan? Para kanino? O para ba, saktan pa rin ako?

Ang daming katanungan ang bumabagabag saaking isipan, pero di ko lubos akalain, na ang sagot na hinahanap ay nasayo lang pala.

[***]

Hello In AprilWhere stories live. Discover now