Cathelyn POV.
Ngayong araw meron akong book signing.
Dapat masaya ako kasi successful nako ngayon lalo na sikat na sikat ang libro ko Hindi lang sa loob ng pilipinas. meron akong Eighteen translated languages all over the world.
Pero bat ganon? Hindi ko man lang maranasan maging masaya kahit kunti sa panahong to?
I feel incomplete
*Tok tok tok*
Nabalik ako sa realidad ng may kumatok sa pinto ng office ko.
"Come in!"
"Miss Cathelyn oras napo para umalis" pag papaalala nya sakin
Tinignan ko yong oras mag aalas dos na ng hapon, mamayang alas tres book signing ko. Diko man lang namalayan ang oras haysssss.
"Okey wait, give me a minute" ngumiti sya at lumabas ng opisina.
Inhale
Mmmmmmm..
Exhale
Haaaaaaaaaa..
kaya ko to!
kinuha ko na yong bag ko at lumabas na.
***
"Miss C!!!!!!" fan number 1
"Ayan na sya!" fan number 2
"Whaaaaaa!! Miss C I'm your number one fan!!" fan number 3
"Pa picture naman idol oh" fan number 4
"Ganda nya shit!" fan number 5
"Ang galing mo gumawa ng storyJsnieneoxnwydwnsownwsstoryJsnieneoxnwydwnsownwsksjblahblahblah" and so on.
Kinawayan ko silang lahat at ngumiti.
Maganda naman kinalabasan ng book signing ang sakit lang sa kamay kasi ang dami nila shit parang di nauubos. Bago mag pirmahan ng libro ay nag karoon muna ng activities, nakipag kwentuhan sa mga fans blahblah
"Miss C! may tanong ako" Nag taas ng kamay yong lalaki.
"Owsige ano yun" nginitian ko sya.
"Sino/Ano ba ang naging inspiration mo para maisulat ang istorya" Curious na sabi nya.
Napatulala ako sa tanong nya, nag hahanap ng maisasagot
Pano nga ba? Inalala ko yung mga bagay na naging inspirasyon ko para masulat ang librong ito. Ngumiti ako ng mapait ng malala ko
Meanwhile...
"Hoyyyy!!! cat gising!" may naririnig ako mahinang boses.
Saan galing yun? parang nasa isip ko nang gagaling yong boses.
"Whaaaaaaaa!!!!!!!" napa bangon ako bigla dahil hinila ako ni kuya para mahulog ako sa kama.
Ang sakit ng balakang ko.
"Kuya ano ba!! ang aga aga nangmemeste ka alam mo na ngang natutulog yung tao eh"
Pero wait panaginip lang pala yun!!!!!!! whaaaaaaaa sayang!
"Oh nyare sa muka mo para kang nadismaya"
"Hindi parang, OO! nadismaya talaga ako kasi naman ikaw kuya eh!!! ang ganda ganda na nga ng panaginip ko ayun na nga naabot ko na pinapangarap ko kaso bigla kang dumating" pinalo palo ko sya kakainis!
"Oh! oh! tama na masakit. ikaw bunso ahhh Hindi mo man lang sinasabe na marunong ka ng mang tyansing ah may pahawak hawak kapa sa abs ng kuya mo. bunso hindi tayo talo mag kapatid tayo eh" mang aasar ni kuya. tinignan ko sya ng masama at lalong nilakasan ang pag Palo ko sa kanya.
"Kakainis ka! una sinira mo panaginip ko tapos nang iistorbo ka ng tulog hinulog mo pa ako sa kama tas ngayon pinapainit mo ulo ko. Thank you kuya sirang sira na umaga ko" Nakakainis!
"Una welcome, Pangalawa sige tulog kana ulit. managinip ka na ulit, gustong gusto mo yong panaginip mo eh oh sige tulog na wag kang gigising pepektusan kita at pangatlo kaya ako nandito kasi pinapa gising ka ni mama pumunta daw kayo sa school mo susukatan ka para sa uniform mo" ginaya nya si mommy kapag nag sasaway naka pamaywang.
Napailing na lang ako sa ginawang pang gaya ni kuya kay mama.
"Oo na.. Oo na pwede ka ng lumayas maliligo nako" tinulak ko sya palabas ng kwarto.
Agad kong hinanda susuotin ko. Kinuha ko yung denim short then t-shirt na babagay sa denim tas sneakers na white hinanda ko lahat yun sa kama.
Naligo nako agad, pagkatapos ko magbihis nagpatuyo ako ng buhok at nag tali ng messy bun hair para maganda tignan sa outfit ko.
Bumaba ako. agad akong dumirestso sa kusina kong saan nakita kong nag luluto ng almusal si mama.
"Ohh anak! Upo ka na jan at ipag hahain na kita ng almusal" umupo ako, katapat ni kuya.
Hinain na ni mama ang paborito kong sinangag tas ulam tuyo at itlog ipartner mo pa ng kape
Whoooohoho ang sarap!
"Ohh? Kumikinang na mata mo jan. akin nato ah!" Natauhan lang ako sa pagpapantasya sa pagkain ko nang kuhanin ni kuya yung ulam ko!!
"HOY!!! IBALIK MO YAN!" Nagulat si mama sa pag sigaw ko..
"Ano ba kayong dalawa!? Aatakihin ako sa puso sayo Cat, at ikaw naman josh wag kang mapang asar" napa yuko kami parehas ni kuya ng mag sermon ni mama.
"Sorry poooo.." Sabay na sabi namin ni kuya
"Bibigyan kita ng panibagong ulam wag na kayong mag away" humina ang boses ni mama at nilagyan ako ng maraming ulam sa pinggan ko kuminang bigla muka ko at kumain na ng masaya.
"Tssssssk" napa ngisi si kuya, inirapan ko lang sya at masayang kumain.
***
Kakababa lang namin ni mama sa kotse at literal na napanganga ako sa ganda ng iskwelahan na papasukan ko sa college ang ganda.
"Waw ma hindi ko inakala na ganto kaganda yung papasukan kong school"
"Naman anak! Magaling kaya nanay mo" tumango na lang ako.
"Excuse me guard nasaan po dito yung office??" Tanong ni mama.
"Uhm doon po ma'am deretso ka lang pagkatapos kaliwa pagkatapos may makikita kang puno ng narra doon deretso kapa may makikita kang building don.. Doon po nandon yung office" naka ngiting turo ng guard Kay mama.
"Salamat" magalang na sabi ni mama, ngumiti naman ako sa guard ngumiti din sya pabalik.
"Grabee ang laki pala masyado ng school nato anak mukang maliligaw tayo" naiilang sa sabi ni mama.
"Maaaa.. Sabi ni kuyang guard deretso tas kaliwa" paalala ko sa kanya.
"Oo Alam ko"
Kumaliwa na kami kaso pag kaliwa namin may nakita kaming daan pa kaliwa at kanan parehas may puno ng narra
"Ehh?? Hindi ata na bangit ni manong guard na dalawa yung puno ng narra hehehe" na iilang na sabi ni mama.
"Doon" turo ko.
"Doon tayo ma" siguradong sabi ko.
Pumunta kami doon at tama nga may building doon. Biglang tumibok ng malakas puso ko napa hinto ako sa paglalakad.
"Anak ayus ka lang ba?" Nag aalalang tumingin sakin si mama.
Hindi ako nakapag salita. Baket ganto? Baker ganto nararamdaman ko? Parang may gusto akong gawin na hindi ko maintindihan kong ano. Lalong lumakas pintig ng puso ko hanggang sa hindi na ako maka hinga.
"Anak anong nararamdaman mo? Bat ka tumigil sa pag lakad? Wuy pag salita ka"
Lumakas ang ihip ng hangin. Bigla na lang ako nahilo at nawalan ng malay.
|•3•|•3•|•3•|•3•|•3•|•3•|•3•|•3•|
(Opo alam ko ang panget ng umpisa ng storya HAHAHAHA!)
Hi guys!! I hope you like my prologue. This is the very first story I did so don't expect to much. I hope you will enjoy and support my story until the end
More Blessings To Come!!
