“Let’s not argue about this, Ninaandrea. Hop in. It is already late. It is not safe for you to walk alone,” he urged.

Imbes na sundin ay inirapan ko siya at saka nagmabilis sa paglalakad palayo sa kaniya.

Desperate, I entered a narrow and dark alley instead of taking the road I usually took, na agad ko ring pinagsisihan. Napakadilim at ni wala akong maaninag na liwanag maliban doon sa isang ilaw mula sa malamlam na poste sa may dulo.

Muli akong lumingon sa likuran ko at hindi ko na nga nakikita pa ‘yong sasakyan ni Davin. Hindi ko alam kung dapat ko ba ‘yong ipagpasalamat o pagsisihan.

Napayakap ako sa sarili at nais na lamang na iuntog ang ulo sa pinakamalapit na pader. Sa kagustuhan kong makalayo kay Davin ay napasok ko pa itong madilim na lugar na ito at mukhang ipahahamak ko pa ang sarili ko.

Isang kaluskos ang nagpanginig sa akin. At kaya siguro walang dumaraang iba rito at wala akong nakikitang kahit isang tao ay dahil mapanganib ang lugar na ito.

Napaatras ako nang may biglang lumitaw na lalaki ilang hakbang lang ang layo sa akin. Napalunok ako sa matinding takot. I could not clearly see his face but the knife he was holding was reflected by the light from the lamp post—sharp and it could definitely cut my throat in one slash.

Napahugot ako nang malalim na hininga nang may lumitaw pang isang lalaki. I panicked and quickly turned my heels around. Nanginginig na ang mga tuhod ko at gusto na lang ng mga ito na bumigay pero kailangan kong makabalik doon sa dinaanan ko kanina at makalayo sa kanila.

“Puta! Habulin mo!”

Hindi ko na maramdamam pa ang mga paa ko sa mabilis na pagtakbo. My lungs were burning, too, and my feet felt like they were going to give up any minute now.

Stupid, Ninaandrea!

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa mapigtal ang tali ng buhok ko at sumabog iyon sa mukha ko. Muli ko silang nilingon ngunit maling ginawa ko iyon dahil sa pagtingin kong muli sa dinaraanan ko ay nadapa ako sa sementong kalsada.

I crumpled to the pavement, my knees scraping against the asphalt grounds. Despite the desperate urge to scream for help, my voice betrayed me. Panic engulfed me as the guy with a knife  moved closed, seating himself beside me. With a vice-like grip on my arm, he menacingly brandished a knife at my side.

“Tangina! Pinahirapan mo pa akong habulin ka!” 

Sumubok akong tumili ngunit natakpan niya agad ang bibig ko.

“Huwag ka nang manlaban. Hindi naman kita sasaktan basta ba ibigay mo lang sa akin ‘yang bag mo,” aniya.

Nagpumiglas ako pero natigilan din agad nang mas idiin niya ‘yong pagtutok ng patalim sa akin.

But I could not give him my bag. Naririto ‘yong kaunting pera at ‘yong cellphone ko. Kapag nakuha nila ang mga ito sa akin ay hindi ko alam kung saan naman ako pupulutin.

“Davin!” I screamed and cried out his name, kahit pa walang kasiguraduhan na darating siya.

Ang bobo mo, Ninaandrea! You should’ve accepted his offer sending you home! Saan ka ngayon dinala ng pride mo, ha?

Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa matinding takot. The other guy squatted in front of me and violently grabbed my knapsack. I quickly clutched the strap and ended up engaged in a tug of war with him.

I was already calling all the gods to help me, pero nawawala rin ‘yong pag-asa sa tuwing naiisip na walang paraan para may makakita sa akin dito. Sobrang dilim at tago ng lugar na ito!

Losing Grounds [Davin & Ninaandrea]Where stories live. Discover now