~Lunes, nang tayo'y nagkakilala~
"You're marrying him whether you like it or not Lisa!" Sigaw ni dad sa akin. Pinuntahan niya pa ako sa kwarto ko para lang sermonan ako. Tinakpan ko ang tenga ko.
"NO DAD! I DON'T LOVE HIM!!! I WILL NEVER EVER LIKE HIM!" Inis kong sabi habang tinitigan siya ng masama. This is enough! I'm
"Well kid, I'm your father. You are following under my control." Ma awtoridad niyang sabi. Umiling-iling naman ako. No way! "Get dressed! Ngayon na kayo ipagkakasundo ng mapapangasawa mo!"
"No!" Sigaw ko ulit. Nakaramdam nalang ako ng malakas na sampal. Mas lalo akong napahikbi.
"Nalulugi na tayo sa negosyo. We treasured our company since 1990. Pamana ito ng mga ninuno natin. Tradisyon din ng buhay natin ang ipakasal sa napagkasunduang negosyante. At matatapos lang dahil sa kitid ng ulo mo?"
"Sana nga hindi nalang ako naging kasapi ng pamilyang ito!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Unfortunately, you have to face it. Hindi ko kasalanan kung lumaki kang matigas ang ulo." Aniya sa ma awtoridad na boses.
"Ang sama niyo!" Hagulhol kong sabi.
"Magbihis ka na Lisa!" He said and left my room.
Umiling-iling ako habang may nabubuong idea sa utak ko.
"Kung hindi ka mapipigilan, pwes ako ang pipigil." Pumunta ako sa walk-in closet ko at nag-impake ng mga damit.
Kinuha ko din ang mga perang naipon ko sa drawer. Malaki ang naipon ko and I don't need my father's money for pete's sake!
Nagsuot ako ng jeans at T-shirt tapos pinaresan ko ng bullcap. Sinaklay ko na ang backpack ko at tumalon sa bintana. Nasa second floor ako pero keri lang yan.
Kilala ko ang taong pakakasalan ko. Gwapo siya at halos perpekto sa panlabas na anyo. Habulin ng mga babae. At kilalang playboy. Nagkausap at nagkita na din kami tuwing may family dinner at sa school din. Pshhh.
I don't like his attitude! I don't like his manner. Napakarude! Bastos! Suplado! Arogante! At walang galang! Babaero pa! Basta! Nasa kaniya na ang masamang budhi.
Aanhin ang kagwapuhan kung panget naman ang kalooban? Patay ang aking kinabukasan.
Hindi ko masikmura ang sarili ko sa lalaking iyon. Panget ang ugali at babaero! Paano nalang pag mag-asawa na kami? Hindi ko ma-imagine ang buhay ko sa kaniya.
Hindi ako nasisilaw sa kagwapuhan at kayamanan niya. Duh! Magpapakamatay muna ako bago magpakasal sa kaniya. Sa iisang buwan halos 20 na babae ang pinapaikot at niloloko. At halata naman sigurong marami na siyang naikama.
I was turned off!
Nawawalan ako ng gana sa ganoong klaseng lalaki.
Napabalik ako sa reyalidad ng may limang guard na nakatayo sa gate. Pshhhh. I have no choice.
Umakyat ako sa puno at tumalon sa pader, saka din ako nakita ng isa sa mga guard namin. Maaga pa kasi kaya klarong-klaro ako. Shit!
"Tumakas ang anak ni boss." Aniya at sumigaw sa mga kasama.
Mabilis naman akong tumalon. Nakita kong papabukas ang gate at hinahabol na nila ako.
YOU ARE READING
Isang Linggong Pag-ibig
RandomThis is dedicated to my classmates😂 ito kasi ang theme song namin sa room. Na inspire lang ako kasi nagkakaroon kami ng unity tuwing kumakanta kami nito. And here it goes...
