"Sure, uhm maghanap lang muna kami ng table"-Claire

" may nahanap na ako, dun tayo"-sabi ni Samantha sabay turo sa bakanting table.

"Dali baka maunahan pa tayo"-sabi ko.

Papunta na kami sa table ng bigla kaming naunahan.
Teka ang 3 little bitches pa yung naka upo.

" sila na naman Elkie"-Samantha.

"Uhm excuse me, kami kasi ang unang nakakita ng table na to"-sabi ko at nagulat sila pagharap samin dahil nagkita na naman ulit kami.

" unang nakakita, so sinong unang nakapwesto, eh diba kami"-sabi nung isang bata.

"Talaga, so bakit kayo nandito sa cafeteria ng High school?"-Claire

" what's wrong with it, we like it here so dito kami kakain"

"Syaka ang cheap ng mga tinda sa cafeteria namin, puro kasi sweets, pambata"

"What are you waiting for guys, umalis na kayo, wala na kayong magagawa kasi kami na ang nauna"

Kainis!!

Matapos naming makahanap ng ibang table, umupo narin kami at kumain. Tabi si Claire at Drei. Kami naman ang magkatabi ni Samantha. Hindi nagtagal ay biglang dumating si Nicks.

"Halika Nicks dito ka"-Claire. Pero hindi ito pinansin.

" Hi Nicks ang cute mo talaga sa eye glasses mo buti---"-hindi ko natuloy dahil bigla siyang nagsalita.

" Sam, ba't hindi kita ma contact? "-tanong ni Nicks sabay umupo sa bakanteng upuan.

Ano kami mga spirito na palaging nagpaparamdam ngunit hindi napapansin kasi we're invisible? Kahit kailan snobero talaga tong si Nicks.

"Ayaw ko kasing makausap ang kaaway ko pag bagong gising"-sabi ni Nicks. Sabay humarap kay Samantha.

"Ang OA naman ni Sam o, sorry na pleeeeeeeeeeease"-
Pagmamakaawa ni Nicks sabay  dinikit yung dalawang kamay.

"Okay, pero sa isang kondisyon, sundin mo yung dare ko sayo, dapat pansinin mo na lagi sina Claire at Elkie"-Samantha.

" sure, hi Elkie, hi Claire, sorry nga pala kung hindi ko kayo pinapansin ha, may kasalanan kasi kayo sakin e"-Nicks.

Ah I remember......

*FLASHBACK*

Grade-6 section 1....

"Sinong nakabasag ng vase dito?"-tanong ni teacher.

"Si Nicks po ma'am?"-sabi ni Claire

"Hindi po talaga ako ma'am, diba Elkie?"-Nicks

Alam kong hindi si Nicks, pero gusto ko lang i save si Claire.

" Elkie, sino?"-teacher

"Si..si Nicks po ma'am"-sabi ko.

" Nicks, you will pay for this okay?, tell your parents to come here"-teacher.

*END OF FLASHBACK*

"Ang tagal na nun Nicks, syaka vase lang naman yun diba?"-Claire.

Matapos naming kumain....

" Patricia let's go"-sabi ni Drei.

"Ay nakalimutan ko, samahan ko muna si Drei, may hinahanap siyang book para sa ass. nila"-Claire.

"Claire sama na rin kami ni Sam sa inyo, tatapusin ko lang yung binasa kong book doon, Bye Elkie"-Nicks.

"Bye"

So ganon, mag isa nalang talaga ako dito....

Biglang nag vibrate yung phone ko..

09*********

Hi..

Sino naman to? Tawagan ko nalang.

"Hello"

(....)

"Sino ka? Ba't hindi ka sumasagot, hello kinakausap pa ki--"

Toooot.tooot.

Maya maya'y nag ring yung phone ko.

"O Samantha napatawag ka?"

(Elkie this is Nicks, yung nag text pala sayo, ako nag bigay ng no. mo sa kanya)

"Bakit mo naman binigay? Hindi ko naman siya kilala"

(Hiningi niya kasi,(sabi ni Nicks) uhm sis don't worry cousin siya ni Nicks, mabait daw yun)

"Eh bakit niya raw hiningi yung no. ko?"

(Crush ka raw niya, since grade 9, gusto ka raw niyang i date this weekend)-sabi naman ni Nicks

"Ano agad agad talaga?"

(Oo Elkie)-Nicks

"Paki--"

Tooot.tooot.

Hindi ko man lang natanong kung ano yung name.

"THE MAN I CAN'T FORGET"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon