Awkward

96 2 0
                                    

 Sobra akong nagulat na parang nag-freeze ang buo kong katawan at ang paligid, habang sinusubukan kong aralin kung anong nararamdaman ko. Para akong computer na biglang nag-shut down at ngayon palang nag-lo-loading to windows.

       "Matagal ko na dapat sinabi sayo, pero ayokong gulatin ka."

At ngayon ko na-realize ang mga pinagsasabi nila sakin.

Flash back kay Sue noong unang gabi na natagpuan niya 'ko, sinabi niya sakin na espesyal o importanteng tao ako kay Alexander. Sinabi noon ni Alexander na malapit niya akong kaibigan. Siya lang ang kasama ko sa mansyon. May party ang birthday ko. May special treatment daw ako galing kay Alexander ayon kay Zabeth.

Si Alexander daw ang magbabayad sa kwintas galing kay Rude kung pagbabayarin parin niya ako. 

....KAMI AY DATING.................?!?!?!?!?! 

Gusto kong mag-collapse!

  Ngayong 18 na ako, dito na mag-sisimula ang nakakatakot kong buhay sa mundo ng mga mixtures. Totoo nga, at marami pa akong hindi nalalaman. Gaya nitong couples daw kami ni Alexander.

  Isa lang akong takas na bata at napadpad lang sa malaking unibersidad na ito dahil sa malakas na bagyo. Natagpuan ni Sue, at nadiskubre ang natatagong parte ng pagkatao ko, at ang kabilang parte ng mundong ito. Hindi lang pala tao ang nabubuhay sa mundo, at nakisawsaw ako sa pamumuhay nila.

  Hindi ako mixture, pero dati daw ganun ako. Special treatment ang natatanggap ko dito, pero alam kong nasa malaking panganib rin ang buhay ko.

Ano pa ang dapat kong malaman? Ano pa ang hindi ko naiintindihan? Sino ang dapat kong pagtiwalaan at sino ang hindi? Sino sa mga kasama ko araw araw ang makakatulong sakin at sino ang magdadala sakin sa mas matinding panganib?

  Dito palang ang umpisa.....

          "Nagulat parin ako....", mahina kong nasabi.

          "Alam kong magugulat ka. Pero, wag mo na masyadong isipin. Nakaraan na iyun kaya, wala kang dapat na ipag-alala.", sabi ni Alexander.

          "S-sorry...", sabi ko.

          "Don't apologize.. wala kang kasalanan.. Kailangan mo ng magpahinga. May pasok ka pa bukas, diba? Bumalik na tayo dun."

At iyun ang kauna-unahang beses na hindi kami nag-usap sa paglalakad pabalik sa mansyon.

Shocked parin ako e. At nahirapan pa nga akong matulog. Kaya naman pala nakaya niyang hintayin ako ng higit 1000 taon. Pero ang tanong, may nararamdaman parin ba siya sakin? Kahit hindi na ako si Ageha? Pero... anong gagawin ko?

Dahil sa nalaman ko, hindi ko na maisip kung paano ko siya papasayahin. Isang libong taon na paghihintay sa kasintahan nyang ngayon, ay ni-hindi maalala ang kahit ano sa nakaraan. 

Bakit hindi niya 'to inisip? Pinahirapan lang niya ang sarili niya. At ginawa niyang kumpilkado ang lahat! Siguradong magiging awkward ang lahat, at.... EWAN!

Half Unknown (Mixtures Uncovered)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora