Dahil sa nagbago ang desisyon ni tiyuhin, lihim na napangiting tagumpay si Rhian for an answered prayer. May magagawa pa ba si Glaiza kung maililipat siya ng assignment? On second thought, since lihim na pain nila ni Solen si Rhian para mahuli agad ang salarin, okay na matransfer siya. Yun lang. Wala nang iba. Wala na nga ba?

"Its been a long day. Ladies, I will do ahead. Tatawagan ko pa sina Billy James at Tony,"

"Sasabay na ako sa'yo. May ibibilin nga pala ako sa secretary ko pagpasok niya bukas," tumayo na rin si Mildred kasabay ni Tito Ronnie na sumakbit pa sa braso ng kasintahan. Iniwan nila sina Rhian at Glaiza.

"Thank you pumayag ka," Rhian broke the ice.

"Actually, I didn't say yes,"

"You didn't say no either,"

"Touche!" 

"Lets call it a night. Masyado nang malamig and I can see hindi ka sanay," she stood up and rub her palms sa mga braso ni Glaiza.

The lady bodyguard felt the comfortable heat. Not the kind of heat that friction gives off but a different kind of heat. Hindi niya maintindihan but everytime na magdidikit ang kahit anong parte ng kanilang katawan, when their skin touches, kakaiba ang hatid nito sa kanya. If only she can give a name to this feeling para hindi naman siya nagmumukhang clueless.

"Feeling better?" pukaw ni Rhian dahil sa pananahimik ni Glaiza. Tila nabawasan ang panginginig nito dahil sa pag-rub niya sa mga braso ni Glaiza.

"Huh?! Ye...yeah... Okay na ako. Salamat," hinawakan nito ang kamay ni Rhian para itigil na nito ang ginagawa dahil kakaiba na apekto nito sa kanyang pakiramdam but she only felt a light squeeze sa kanyang kamay. "Pumasok na tayo. Malamig na talaga,"

"Okay," she removed her hand sa pagkakahawak ni Glaiza and went inside the house together.

----------

Panay ang balikwas ni Glaiza sa higaan. She and Rhian separated a couple of hours ago sa kani-kaniyang silid, and probably Solen's subject has arrived in dreamland, riding a unicorn or playing with the sheeps in her dream, habang siya ay gising na gising pa rin. Its either namamahay siya, or the sandman is keeping her awake knowing that other woman, who's been invading her thoughts, is just on the other room opposite to hers.

Muling dumapo sa isip niya ang tagpong ikinakaskas ni Rhian ang kanyang braso. It feels so warm and delightful. She can already fall asleep sitting. Hinayaan niyang maglakbay ang kanyang isip patungo sa mga tagpo noong nasa ospital pa sila. When she's with Rhian, nawawala halos ang kanyang focus at tanging ang dalaga na lang ang nakikita o nararamdaman niya. Bakit ganun? Sa mismong boyfriend nga niya di niya iyon maramdaman.

Dahil sa hindi siya makatulog, she decided to tire herself. Nasabi sa kanya ni Solen na may mini gym si Rhian sa bahay na ito. Baka pwede makigamit siya. Pero kanino niya itatanong? For sure tulog na si Rhian at nakakahiyang gisingin ito dahil may kailangan siya. Or baka naman gising pa, or late sleeper siya. Malamang ay hindi naglalock ng pinto ito para for any emergencies, agad siyang mapupuntahan. Silipin na lang niya kung gising ito para maitanong kung saan ang gym.

----------

Naramdaman ni Rhian ang pag-uga ng kanyang kama. She opened her eyes slowly and blinked a couple of times. She rubbed her eyes and blinked some more, hindi dahil sa blurred ang kanyang paningin, kundi hindi siya makapaniwala sa nakikita. Glaiza is smiling at her. Isang matamis at magandang ngiti.

"G...glaiza? What are you doing here?" pagtataka nitong tanong.

"Sorry, nagising kita. I was just gonna ask something pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ka. You are so beautiful, Rhian," sagot nito while running her forefinger sa contour ng mukha ni Rhian.

The FanOnde histórias criam vida. Descubra agora