Meanwhile, she had to wait. She sighed.

"WHAT if I just let her think we're not married anymore yet we are?" tanong ni Cholo sa mga kaibigan. Nasa kotse sila ni Burt at ito ang nagmamaneho papunta sa bahay ng judge. Sabay na natawa ang dalawang kaibigan.

"You're crazy," sabi ni Burt.

"And why would you want to do that?" tanong ni Julian.

"Nakakahiya sa judge."

Muling nagtawanan ang dalawa, napangiwi tuloy siya. Ano bang katwiran ang nasabi niya?

Kung hindi siguro siya lasing nang nagdaang gabi at tinanong siya kung gusto niyang pakasalan si Cher, "hindi" ang magiging sagot niya. Pero ngayon, ang katotohanang kasal na sila ay parang nagbibigay sa kanya ng magaan na pakiramdam. He was happy to be married to her.

Bukod pa roon, siguradong malulutas na ni Cholo ang matagal nang hiling ng kanyang ina na bigyan ito ng apo. Ang sabi kasi nito, nalulungkot ito sa Territorio na nag-iisa lang palagi roon at wala man lang maalagaang bata.

Alam niyang totoo ang sinabi ng kanyang ina. Kapag wala siya sa Territorio ay madalas na pinapasyalan lang nito ang lola ni Burt, o kung hindi man ay ang ama ni Wulfredo o kung sino mang maisipang kamag-anakan ng kanyang mga kaibigan. Ayaw kasi ng ina na mag-golf, magpa-spa, o kahit na anong activities na puwedeng gawin doon. Ang sabi nito, tama na raw na nasa Domicilio de los Hombres ito, ang pangalan ng isang bahagi ng Territorio kung saan naroon ang bahay nilang labing-isang may-ari.

Wala man sa katinuan si Cholo nang nagdaang gabi, isang bahagi niya ang nakakaalalang siya ang tumawag kay Julian at matindi ang ginawa niyang pangungulit dito na maikasal sila ni Cher.

Hindi niya alam kung bakit nagkaganoon. Kung tutuusin, parang kakikilala pa lang din niya sa dalaga. Ang tagal nilang hindi nagkita. May nakaraan man sila, sandali lang iyon, hindi pa siya seryoso.

But Cher was a different person now. And she was so beautiful. Maisip pa lang niyang tatangkain na naman nitong pikutin si Wulfredo ay nag-iinit na ang kanyang ulo. May nabuo siyang plano dahil sa naalala.

"You know what, guys? Let's go back."

"Are you sure?" sabi ni Burt. Hindi niya alam kung bakit isinama pa ito ni Julian. Malamang na nag-helicopter pa ito para makarating sa Maynila. Such a waste of gas and effort, really.

"Yeah. Let's go back."

Itinigil ni Julian ang sasakyan sa isang tabi, saka siya hinarap. "Naiisip mo naman siguro ang ibig sabihin nito, ano?"

"Siyempre."

"Ipapaalala ko lang sa 'yo, magkakaasawa ka na kapag hindi tayo tumuloy."

"Oo nga."

"Ano'ng nakain mo?" tanong ni Julian, nakangisi. "Lemme guess, excited to consummate—"

"Shut up, kid! Look, she planned to bag Wulf. And maybe if I keep her married to me, she wouldn't be able to try and do that again."

"What do you mean?" biglang nagseryoso si Julian.

Napilitan na si Cholo na sabihin dito ang mga nangyari. He felt bad telling them what Cher attempted to do but he needed to. May isang bahagi niya ang kumokontra nang husto na balikan ang huwes na nagkasal sa kanila.

"At kung sasabihin ko ito kay Cher, siguradong magagalit siya. Pipilitin niya akong gumawa ng paraan, so that she could still find ways to seduce Wulf. In other words—"

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon