37. New Beginnings

Start from the beginning
                                    

" I knew it, alam kong ikaw yan Ate, lumabas agad ako ng matanaw kitang pababa ng Taxi." niyakap niyang muli ang bunsong kapatid.

" Anglaki laki mo na, teka basa ka ng pawis, nagbasketball kana naman siguro." pero wala na sa kanya ang atensiyon ng kapatid.

" Ito na ba si Baby Maui Ate? Hala ambilis lumaki." agad namang nagtago ang anak niya sa likod ng mga hita niya.

" Anak, siya si Tito Xhan, siya ang baby brother ni Mommy pero big boy na siya ngayon." sinilip naman nito si Xhan.

" Hi..," bati sa kanya ni Xhan pero muli itong nagtago sa likod ko.

" Bakit ganon Ate? Hindi niya ba ako natatandaan, diba nandon ako nong bininyagan siya." saka ito tumawa. " Joke lang Ate, baby pa nga pala siya non." tinulungan siya ng kapatid na ipasok ang ibang gamit. Saka nito tinawag si Ate Juvy na gulat na gulat ng makita ako.

" Chloe? Hala uy!, niuli na ka." gulat marahil ito sa pagdating kaya kinausap siya ng Cebuano.

" Opo Ate Juvy, masaya po ako na nandito parin kayo." ngumiti siya dito.

" Kinsa man na siya, hala ka kyut nga
bata." tinutukoy nito si Maui na nakakapit sa laylayan ng blouse niya.

" Ito po si Maui, anak ko." agad siyang tinulungan ni Ate Juvy sa hila hila niyang trolley.

" Anak? Chloe' ikaw nga? " maging ang ina niya ay nasorpresa sa pagdating nila. " Bakit hindi ka manlang nagpasabi na uuwi kayo? Di sana nasundo kayo sa airport." niyakap siya ng ina. Madalang silang magkausap nito dahil narin sa trabaho niya at kapag nasa bahay siya nakay Maui naman lahat ng oras niya.

" Mom it's okay, gusto po namin kayong e surprise." saka ako gumilid para makita nito si Maui na nasa likod ko parin.

" Maui apo. Can you give MommyLa a hug?" tumingin sa kanya ang anak.

" It's okay Baby, si MommyLa, diba' nakakausap mo siya sa video call?" lumapit naman ito kay Mommy at yumapos.

" Maui, miss na miss kita apo, kayo ng ng Mommy mo." hinalikan siya ni Mommy sa pisngi.

" I miss you too MommyLa." napaluha na ng tuluyan si Mommy.

" Buti pa si MommyLa may hug kay Maui, si Tito Xhan wala." nakapout na reklamo ng bunso niyang kapatid.

" Hug mo din daw si Tito Xhan, Baby?" tanong sa kanya ni Mommy. Tumango naman ito at atubiling lumapit sa kapatid niya. Pero nong huli ay tuwang niyakap din nito si Xhan.

"Nasan nga po pala ang kambal Mom?" nakapagtatakang wala ang makulit na si Isha at kahit si Ian..

" Nasa Macau si Ian, para sa isang business conference, siya ang pinadala ng Daddy mo." nakalimutan n'yang nagtatrabaho narin ang mga kapatid niya.

" Si Isha po?"

" Naglayas si Ate Isha, Ate. Hindi parin siya umuuwi dito." maang na napatingin siya sa ina.

" Mom totoo ba? Kailan pa? Bakit hindi n'yo manlang po sinabi sa'kin?" wala siyang kaalam alam.

" Anak mag lilimang buwan na, nag aalala na nga ako sa kapatid mong iyon." agad kong nilapitan si Mommy na naguumpisa ng umiyak. " Napagalitan lang naman siya ng Daddy mo dahil hindi niya sinabi sa amin na nagpalit siya ng kurso, buong akala ng Daddy mo sinunod niya ang napag usapan nila na Business Management din ang kukunin niya para pagkagraduate niya papasok din siya ng kompanya."

" Bakit Mom? Anong kurso ang kinuha niya? " tanong niya sa ina.

" Gusto niya palang maging Doktor anak. Pero kilala mo naman ang Daddy mo, napagsabihan siya." pati ang kapatid niya ay gusto din manduhan ng Daddy niya.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now