Chapter 20

1.6K 26 0
                                    

TINIGNAN ko ng masama si Rex, it's been one week since the engagement party and start that day bihira nalang din umuwi si Clark, ewan ko kung anong nangyari sa taong yun.

Andito nga pala ako ngayon sa bar ni Andrew, hindi naman ako iinom namiss ko lang sila lalo na si Rex..

"O.A mo, trip-trip lang naman eh" naglalaro kasi kami ng spin the bottle, 'Drink or Dare' ang trip nila ngayon, kung hindi kaya ang dare sa drink ka babasagsak at hindi lang yun, kailangan maglalagay ng chips sa neck or wherever na gusto mo sa nagdare sayo at dahil apat lang kami ako ang nag dare kay Rex, simpleng dare lang naman yun, mag ala macho dancer siya sa gitna ng misa namin pero dahil hindi siya lasing ayaw niya.

"Oo na, saan ba?" tanong ko , tinuro niya ang pisngi ko, hinayaan ko na siya, wala namang malisya eh magkakaibigan lang kami.. Tuloy-tuloy lang ang laro namin kapag drinks naman juice lang ang sa akin, patay ako ni Clark kung uuwi ako ng lasing, pero ang tanong... uuwi ba siya sa akin ngayon? Ewan ko ba sa taong yun, akala ko okay na kami yun pala hindi pa talaga.

"I like you Zandra.." napatingin ako kay Rex.. Seriously?

"Lasing ka na Rex" sila namang tatlo ang lasing talaga eh, Si Andrew at Chryl? Ayon bagsak na.

"Yes, lasing ako pero toto ang sinasabi ko, ngayon ko lang to inamin kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sanihin sayo.. I like you Zandra, noon palang" magsasalita na sana ako pero pagtingin ko sa kanya. Ayon tulog na.. Napakamot nalang ako sa batok ko. Hindi kasi ako pwedeng umalis kahit na si Andrew ang may-ari nito, baka magtampo to sa akin... but wait..

Rex said he likes me? ARGH!! NO WAY!

KINABUKASAN...

Nagpaalam na ako kayla Andrew at Chryl, dito na kami sa bark nakatulog, si Rex? Ayon tulog parin kakausapin ko nalang siya mamaya, kailangan ko pang umuwi sa bahay dahil pag tingin ko sa phone ko kaninan, tadtad ng miscalls nina mommy kath, daddy Fred, Jeca, Erick and of course Clark at hindi lang yun, pati sa text tinadtad ako? himala nga at tinawagan ako ni Clark, akala ko pa naman busy ang taong yun.

Pero kahit ganun, lagot parin ako nito pagnakauwi na ako sa bahay, tsaka bakit kasalanan ko ba na naiinip na ako sa bahay? Si Mommy at Daddy kasi nag trip to Europe hindi ko naman alam na umuwi na pala sila. Tapos si Jeca at Erick nasa sarili nilang bahay.

Pagdating ko, agad na sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Clark, natakot ako syempre't first time kong makita na ganto kasama ang tingin niya sa akin.

Agad naman akong nilapitan ni Mommy Kath at niyakap ng mahigpit.

"Saan ka ba galing ha? Alalang-alala ako sayo, akala namin kung napano kana" mag sasalita pa sana ako pero hinigit na ako ni Clark papunta sa kwarto namin at padabog na binitiwan ako.

"A-ano ba Clark, ang sakit" sabi ko at hinawakan ang wrist na sa tingin ko magkakapasa talaga. Tsk.

"HINDI MO BA ALAM NA ALALANG-ALALA AKO SAYO?! NI HINDI KO ALAM KUNG SAAN KA NAGPUNTA!! TINAWAGAN KO NA SI CHRYL, REX AT ANDREW PERO HALOS SILA HINDI SINASAGOT ANG TAWAG KO!! DAMN ZANDRA, SAAN KA BA GALING?" hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako, ngayon niya lang ako sinigawan, nakakatakot siya.

"DAMN ZANDRA!!!! ANSWER ME!! HINDI MO BA ALAM NA DUMAGDAG KALANG SA PROBLEMA KO DAHIL SA GINAWA MO KAGABI" and that's it, napatayo na ako, naiinis ako sa kanya, how could he?

"OKAY FINE!! SORRY HA?! SINO BA NAMAN KASI ANG NAGSABI SAYONG MAG-AALALA KA SA AKIN? AT KUNG DAGDAG PROBLEMA AKO, THEN OKAY! I CAN LIVE WQITHOUT YOU CLARK.." tumayo na ako at tinignan siya ulit.

"Just to tell you Clark, hindi ko sinabi sayong, panagutan mo ako.. I can live with my own Clark.. Kung gusto mong umatras ako sa kasal na 'to just tell me, gagawin ko, mabawasan lang yang problema mo" aalis na sana ako pero hinawakan niya lang ako sa braso.

"Please Clark, let me go" sabi ko pa. Hindi ko siya tinignan, natatakot ako sa mga mata niya. Parang bang anytime pwede niya akong saktan nalang. At hindi ako makakapayag nun. I can live with my own lalo na ngayong... May company pa pala na pagmamay-ari ko.

"Zandra.. Please.." tinignan ko siya, wala na ang galit sa mukha niya, he's calm now. Pero kahit naiinis ako sa kanya, mahal ko naman siya.

"S-sorry Zandra, I-i didn't meant to say that sorry talaga.. Please forgive me" marahas na tinaggal ko ang kamay ko.

"Bahala ka" sabi ko at umalis na.

Naiinis na talaga ako sa kanya.

I Love You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon