Mahal...
Mga katagang kailangan mong masaktan...
Mga katagang talagang masasaktan ka...
Mga katagang kahit pinipilit mong maging masaya'y sobrang sakit na...
Mga katagang ibinigay at ipinaramdam ko sayo...
Na sinayang mo...
Kasi niloko moko...
Akala ko mahal moko...
Pero akala ko lang pala yun...
Kasi mas mahal mo sya kaysa sakin...
Sabi mo sakin mahal moko...
Nangako ka na hindi ako iiwan...
Pero nasan ka ngayon?...
Ikaw ang unang nang iwan...
Sabi mo hindi mo ako sasaktan...
Anong ginawa mo?...
Sinaktan moko...
Sabi mo hindi mo kaya pag wala ako kasi ako na ang mundo mo...
Pero ngayon may bago ka nang mundo... Pero hindi ako...
Ipinangako mo sakin na mamahalin mo ako...
Pero anong ginawa mo?...
Sinaktan mo ako...
Sabi mo ako lang wala nang iba?...
Pero may iba ka na ngayon...
Nakakaloko...
Kasi yung mga sinabi at ipinangako mo naglaho na parang bula...
Parang ikaw...
Naglaho...
Ni hindi ko nga alam kung minahal mo ba talaga ako...
Kasi ako?...
Minahal kita nang todo...
Kaya iniyakan kita nang todo...
Halos hindi ko na mapigilan ang luha ko...
Hikbi ako nang hikbi noon...
Nakaupo sa isang tabi habang patuloy na umiiyak...
Hanggang sa may tumabi sakin at binigyan ako ng panyo...
Kinuha ko 'yon at pinunas sa luha ko...
Pinigilan ko ang luha at paghikbi ko hanggat kaya ko...
Yun ang panahon na dumating sya sa buhay ko...
Dumating sya para baguhin ako...
Dumating sya para pakawalan ako sa madilim na kulungan ng nakaraan na yon...
Dumating sya para iahon ako sa tubig na galing sa mga mata ko...
Dumating sya para buuin ang puso kong wasak na wasak...
Dumating sya para buuin muli ako...
Dumating sya para mahalin ako...
Mahal...
Sa Pangalawang pagkakataon, nagmahal nanaman ako...
Sa pangalawang pagkakataon nagkakulay ulit ang mundo kong walang kakulay kulay at kabuhay buhay...
Sa pangalawang pagkakataon... Heto nanaman ako umaasang hindi nya ako iiwan at sasaktan...
Aasa na naman ako sa mga pangakong mamahalin mo ako habang buhay...
Aasa nanaman ako sa mga pangakong lagi nalang napapako...
Aasa nanaman ako...
Lagi nalang ako...
Pero tiniis ko...
Pinaniwala ko ang sarili ko na hindi moko iiwan...
Na hindi moko sasaktan...
Na hindi mo gagawin sakin ang ginawa nyang pang iiwan...
Na mamahalin mo ako kagaya ng pangako mong habang buhay...
Pero tinupad mo ang pangako mo...
Minahal mo ako nang todo...
Hindi mo ako iniwan...
Hindi mo ako sinaktan...
Hindi mo pinako ang mga pangako mo...
At tinupad mo na mamahalin mo ako habang buhay...
Hanggang sa dumating tayo sa puntong sabay tayong nawala sa mundo...
Sabay tayong umakyat sa langit nang nakangiti...
Magkahawak nang kamay habang naglalakad sa gitna nang daan papunta sa langit...
Sabay tayong nawala sa mundo...
Pero masaya tayong nagpaalam sa lahat...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank you po sa lahat nang nagbasa! Hope you like it!😊
