Save Me 1

1 0 0
                                        

Legend :
Bold Letters- kapag si Author.
Italic- kapag nakaraan ng MC (Main Char)
Normal letters - Present yan.
NORMAL LETTERS NA NAKA CAPSLOCK- NAGSISIGAWAN 😂😂
----------------------------------------------------------
So Uhmmm, No to Plagiarism. Kapag perfectionist ka 'wag mo na ituloy, may Wrong Grammar dito, baka pati spelling meron rin eh. D man po ito kagandahan pero sana ma-appreciate niyo po :D. Please do support my Other story too.

----------------------------------------------------------
3rd Person's POV

"STELLA!! PAHINGE NGA NG PERA!!! WALA NG PANGGASTOS ANG MGA KAPATID MO", sigaw ng Mama niya.

"Ma, hindi pa po ako sumusweldo. Wala po akong maibibigay. Pasensya na", sagot naman ni Stella.

"ANONG WALA?! PARANG NUNG ISANG ARAW LANG NAKIKITA KO NA PUNONG-PUNO YANG WALLET MO NG PERA?! TAPOS SASABIHIN MO UBOS NA?! ANG SABIHIN MO AYAW MO LANG BIGYAN ANG BUNSO MONG KAPATID NG PERA",sigaw sa kaniya.

"Ma wala na po talaga. Binayadan ko po kasi yung utang ko. Tsaka binigyan ko rin naman po kayo.", pagdadahilan ni Stella.

"Oh?! ANO NAMAN ANG PINAPALABAS MO?! NA AKO ANG MAGBIGAY NG PERA SA KAPATID MO?-"

"Ma, hindi po sa ganu-"

"UMALIS KA NA AT MAG-TRABAHO! YAN NA NGA LANG GINAGAW MO, BA'T DI MO PA MAGAWA! MGA WALANG KWENTA", kasabay noon ay ang pagtulak sa kaniya papunta sa pinto para paalisin.

Araw-araw gabi-gabi ganyan na ata ang routine ng Mama ni Stella. Ang sigawan siya para humingi ng pera sa kaniya bago umalis papuntang trabaho niya.

Siya si Stella Tolentino. Call center agent sa gabi, waitress sa umaga.

Halos lahat na ata ng trabaho pinasukan na niya para lang may maipangkayod siya sa buong pamilya niya.

Kaso kahit ata ilang trabaho ang pasukan niya, hindi magkakasya ang sweldo niya. Paano ba naman mga magulang niya, kapatid at pati pamangkin niya sa kanya umaasa.


Ang masaklap puro sila tamad. Mama niya sugarol, Papa niya sabongero. Kapatid niya mga walang trabaho, ang alam lang ay gumawa ng bata, mga pamangkin naman niya ay kung hindi sanggol ay nasa grade 1 palang.

Halos pumuti na nga lahat ng buhok niya sa sobrang stress.


Habang nag-aabang si Stella ng Jeep, may napatawag sa kaniya.

Stella's POV

*Phone Rings*

*Get's Phone*

Ahh, si Abby.

"Abby, napatawag ka?", pambungad ko sa kaniya.

"Itatanong ko sana kung... maganda pa ako. Hahhahahahaha, de charr lang."

"Seryoso kasi. Baka walang kwenta lang tong sasabihin mo papasok pa ako sa Cafe."

"Gusto mo ba trabaho? Maging Babysitter? You know extra extra sideline achuchu, you want?"

"Tuwing Saturday lang ako pwede dahil yun ang day off ko. Kailan ba kailangan?", kasabay nun ay ang pagdating ng jeep. Kaya sumakay na ako. "Abby mamaya nalang ulit, nakasakay na ako eh. Baka may you know." Sabi ko sa kaniya.


"Oo na baka may magnanakaw pa diyan. O cge text kita mamaya ah, for more details. Lol hahahahaha-" at pinindot ko na ang end call.


Makaka extra na naman ako. Dadami na naman ulit si Jun, may bago na naman akong pamangkin *Facepalm*
25 palang ako halos 20 na ang pamangkin ko. Dagdag pakain na naman, dagdag kayod pa. Mga walang ibang ginawa kundi gumawa ng bata, puro sila sarap. Nakaka punyeta.

Dumukot na ako ng barya sa bulsa ko para makapagbayad, kung pwede nga lang sanag mag 1 2 3 ako gagawin ko eh, kaso baka mahuli pa ako mahirap na.

"********* Cafe nga po", sabi ko sabay abot ng bayad kaso hindi ata ako napapansin ni kuya. 2 lang kaming nakasakay ngayon dito sa jeep.


Mukhang bingi naman si Kuya, kaya ako nalang ang lumapit sa driver at nag-bayad.

"Manong , bayad po", sabay ang pag-abot ng bayad sa kaniya.

Babalik na sana ako nang-

"Miss pa-abot nga ng bayad," sabi ni Kuya na kanina ko pinag-aabutan.

Ay, ang galing. Kaninang ako nagpapaabot, di niya ako pinapansin tapos ngayon...


Pero dahil mabait ako inabot ko na. Pagkatapos ay bumalik na ako sa pwesto ko, di ko hihintayin sukli nun noh? Ano siya sinuswerte?

"Salamat Miss," sabi ni Kuya.

Inirapan ko nalang siya pagkatagilid niya. Sarap upakan ng mga gantobg tao ... ang kaso di ko kayabg manapak.


-----------------------------------------------------------

Nandito na ako sa Cafe. Buti nalang at malapit ito. Di ko na kailangang maglakad lakad ng ilang minuto.

*Bell rings as she Enters*

"Good Morning,"bati ko sa mga co-workers ko.

" Morning "

"Good Morning"


"Walang Good sa Morning"

At kung ano-ano pa ang isinagot nila sa akin. Pagkatapos nun ay pumunta ba ako sa may locker para ilagay ang mga gamit ko para makapagsimula na ako sa pagtratrabaho.

Ako si Stella Tolentino, 25 years old, ang Bread Winner sa pamilya namin, pero hindi halata, Graduated pero ganto ang trabaho. Maitim na buhok na halos puro puti na rin na hanggang bewang. D ko alam kung maganda ako, d na ako tumitingin sa salamin dahil wala na rin akong oras-

"Stella, we need a hand here!", sigaw ng kasamahan ko.

At pagkasabi niya noon, ay lumabas na ako para harapin ang mga customer. Isang araw na naman ng labanan.

-----------------------------------------------------------

Vote. Follow . Add . Share






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Save MeStories to obsess over. Discover now