" Leave the name of the baby to Chloe, Gabriella, siya naman ang ina. Mag anak kana din tapos pangalanan mo ng Gabriella, yon nga lang wala ka nga palang boyfriend  kasi walang nakakatagal sayo kasi spoiled brat ka." inirapan ni Elle si Ethan.

" Sad to say babalik na kami ng Manila bukas guy's, hindi na namin mahihintay na lumabas si Baby, may mga meeting akong naka line up while Sab is needed sa launching ng bagong product ng company nila. You see Ethan, may negosyo akong pinapalago kaya wala akong panahon magka lovelife." umalis nalang ang mga ito na masama parin ang loob ni Elle sa asawa niya. Napadalaw ang ang mga ito dahil may business conference na pinuntahan dito sa California.

" Mukhang nainis sayo si Elle, inasar mo naman kasi, alam mo namang balat sibuyas yon." tumawa lang si Ethan sa sinabi niya.

Napangiwi siya ng makaramdam ng paghilab ng tiyan. Anytime ay pwede siyang magsilang, wala pa ang due date niya pero baka daw mapaaga ang panganganak niya sabi ng OB niya. Hinaplos haplos niya ang tiyan niya.

" What's wrong Chloe? Manganganak ka na ba? Tatawagan ko na ba sila Mommy?" nataranta na ito.

" Ethan relax, ako ang manganganak hindi ikaw." but she felt the pain again..

Her water bag broke kaya lalong nagpanic si Ethan.

" Tawagan mo na sila Mommy and get the baby bag. Ahhh! Ethan umayos ka! " nasa kabilang bahay lang ang mga magulang nito. Si Ethan ang may gusto na bumukod sila pero siya ang nakiusap na kung maari  ay huwag lumayo ang mga ito.

Mabilis naman dumating ang mga inlaws niya para alalayan siya papunta ng sasakyan. Malapit lang naman ang Hospital sa lugar nila.

Napawi ang lahat ng hirap niya sa paglalabor ng marinig ang iyak ng anak. Her new hope para maging masaya. May dahilan na siya para mangarap muli.

Agad niyang hinanap ang anak ng magising siya. Hawak ito ng Mama ni Ethan.

" She's Beautiful Chloe."  pinagmasdan niya ang anak ng mailapag ito sa tabi niya ng Mommy Angela niya.

" Hi baby, nagkita na rin tayo anak." hinagkan niya ito sa noo. Hindi niya napigilang maluha. " Mommy's so happy to see you."

Maging si Ethan ay naluluhang nakatingin sa kanila. Alam niyang masaya din ito sa pagdating ng munting angel sa buhay nila.

" Gusto mo ba siya hawakan?" tumango naman ito, ikinabit nito ang mask saka nag alcohol sa kamay kahit hindi naman kailangan.

" Hi baby.." ingat na ingat ito sa paghawak at ngayon ay lumuluha na.

" Ang ganda ganda niya Chloe. Salamat sa pagtupad sa pangarap kong maging ama." naiyak na din siya. Pati ang mother in law niya ay luhaan. Naguumpisa na ding umiyak ang anak niya.

" Nagugutom na siguro yan Chloe. Iiwanan ka muna namin, pupuntahan lang namin ni Ethan si Dr. Steve." lumabas na ang mga ito ng kwarto niya.

" Nagugutom kana ba baby? Bakit parang mas kamukha mo ang ama mo anak?  Si Mommy ang nagdala sayo ng 9 months tapos siya ang magiging kamukha mo? Hustisya.." parang tangang kinakausap niya ang anak.

Hindi maipagkakailang nakuha nito ang hugis ng mukha ng ama, ilong, mata pati ang kilay, labi lang yata ang nakuha sa kanya.

Hinahawakan niya ang maliliit nitong kamay para ibalik ang natangal na mittens. " Pangako ni Mommy na aalagaan kitang mabuti at pakamamahalin, walang sino man ang pwedeng manakit sayo anak. Sana lumaki kang may mabuting puso na handang umunawa sa lahat."

                           ~ ♡ ~

Dinalaw sila ng Mama Choleen niya ng magtatatlong buwan ang anak niya at nanatili ito ng ilang araw sa kanila. Tuwang tuwa ito sa anak niya.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon