WARNING!!!
HUWAG NIYONG BABASAHIN KUNG BITTER KAYO. Capslock para dama. Hahahahaha. Pagpasensyahan niyo na rin ang kabaliwan ng inyong author. Ang ilang mga detalye sa istoryang ito ay base sa aking mga karanasan sa crush ko at sa mga naging crush ko.
Normal na yata sa mga Pilipino mapa-lalake man o babae ang magkaroon ng paghanga sa isang tao, magkaparehas man ng kasarian na tinatawag nating CRUSH.
"Crush ko si ganyan sa ganon at si ano" Yan ang madalas nating linya kapag kinukwento natin sa ating mga kaibigan ang ating mga crush.
Bakit nga ba tayo nagkakaroon ng Crush?
Ang Crush ay ang paghanga natin sa isang tao na sa tingin natin ay kakaiba sa mga taong nakapaligid sa atin. Mayroong kakaiba sa taong yoon kaya ka naa-attract sa kaniya.
Mayroon tayong kanya-kanyang taste sa isang lalake o babae. May iba ang gusto maputi, maiitim, matangkad, maliit, magaling kumanta, magaling sumayaw at marami pang iba.
Pero kung ako ang tatanungin ang gusto ko sa isang lalake ay mabait, responsable, singkit, magaling kumanta at sumayaw, at matalino. Kaya nga naging crush ko yung SSG President ng school namin eh kasi pasado siya sa standards ko.
Kaya naman samahan niyo ako sa mga kalokohan ko at kung paano ako napansin ng crush kong SSG President.
YOU ARE READING
Ang Crush kong SSG President
Teen FictionSamahan niyo ako sa nakakalokang love story ko at ng crush kong SSG President. Based on a true Story
