Ah, gusto ko sana kaya lang kailangan ko na din umalis. May aasikasuhin din kasi ako eh" sabi ni Yosh
Ako din, kahit mahilig ako kumain di din ako makakasama. May iba na kasi akong kasama eh. Nakapag-promise na din ako sa kanila. Sorry. Sa susunod na lang, Xandra ha? Di ko kasi alam eh" sabi ni Yohann. At ngumiti na lang ako sa kanila. Pero bigla ako napatingin kay Xander na di mapakali kaya tinanong ko siya kung anong problema.
Ha? Ano kasi hindi ako makakasama kasi ano. Tsk. May pupuntahan akong importante. Oo, tama may importante akong gagawin. Sorry ha? Babawi na lang ako sayo. Promise" sabi niya. Pero mag sasalita palang sana ako at sasabihin kong naiintindihan ko pero may biglang dumating na kilalang kilala ko. Tsk.
Xander, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Kailangan na natin umalis" sabi nung babae atsaka pinulupot yung braso niya sa braso ni Xander -_- At yung magaling na Xander? Ayun mukhang gulat na gulat. Tss.
Ah, mukhang importante nga ang gagawin mo Xander. Sige na mauna na kayo ng kasama mo. Hindi naman kasi importante yung pag cecelebrate ng birthday ko eh. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka sasama samin" sabi ko habang nakangiti ng peke. Oo, naiinis ako sa kanya. Inis na inis. Kaya tinawag ko na siyang Xander kasi naiinis talaga ako -_-
Xandra, mag eexplain ako. Tsk. Mali yang iniisip mo. Hindi ganun yun. Tsk. Teka, Xandra! " sigaw niya sakin. Kasi habang nag sasalita siya nilayasan ko na siya. Wala ako sa mood makinig sa paliwanag niya ngaun. Bahala siya sa buhay niya -_-
Habang nag lalakad kami walang nag sasalita samin. Halata siguro nila na wala ako sa mood. Tsk. Epal kasi si Xander. Sana di na lang siya nga pakita sakin kung ganun lang pala mangyayare ngaun. Tsk.
Saan niyo gusto kumain? Hindi ko alam kung saan tayo pwede kumain eh" sabi ko kela Kuya Xannon
Akala ko ba sa shakey's tayo Xandra? Yun sabi mo sakin eh. " sabi ni Yumi
Sabagay. So, dun na lang tayo? May pizza at pasta naman dun eh. Tara na. Pampawala din ng inis yun. " sabi ko habang nag lalakad papunta sa shakey's.
Selos? Napaghahalataan ka, Xandra. Tsktsk" sabi ni Kuya Xannon
Che. Tigilan mo ako. Tsk." sabi ko atsaka ko kinausap yung waiter sa shakey's. Ang daming tao ngaun -_- Mukhang wala pa kaming makukuha agad na mauupuan.
Ah, miss may vacant ba or madami na ba nag pareserve? " sabi ko dun sa babae na nakatayo sa labas. Mukhang siya kasi yung kumakausap sa mga customer kaya siya kinausap ko.
Hindi po. Kayo po yung una. Mag hihintay po ba kayo?" sabi nung babae
Ah, yes."
Name niyo po? "
Chapter 14
Start from the beginning
