Chapter 2 - May Lahi

7.7K 284 12
                                    

"Ako po sir!"
Taas ng kamay ng isang dalagita.
Nakapako ang ngiting mapang akit.

Oh come on!!!

Ito si Christine, 21 years old na ito at ang pinaka vocal sa pagkaka gusto sakin.
Isa ito sa mga nagpapadala ng chocolates, lunch at kung anu-ano pang regalo na hindi ko naman tinatanggap.

Dalaga na ang itsura ni Christine, may shape ang katawan at makinis ang balat. Mukha itong mayaman dahil medyo may manners at taste din ito sa damit.

Ngunit bilang isang guro, bawal na bawal na kami ay magkaroon ng intimate relationship sa mga estudyante. Ayoko makulong no!

"Sir payag ka na ah, maganda doon samin."
She sounded flirting. Siguro kung hindi ako teacher o hindi ko estudyante itong si Christine eh pinatos ko na ito. Palay na lumalapit sa manok eh.

Hindi na dapat aabutan ng K-12 itong si Christine kaya lang ayun dito, mas gusto nyang mag senior high school na lang kesa mag college, kaya ayun sa Grade 11 sya naka enroll.

"Hmmm key." Maiksi kong sagot.

Natapos ang subject ko na puro debate ng mga estudyante ang diskusyon, kung anong pagkain ang dadalhin, magkano ang contribution, etc. Hindi naman ako nakialam, kaya na nila yun.

Papalabas na akong classroom ng hinabol ako ni Christine.

"Sir pogi wait lang!"

"Yes ma'am?" Sabi ko kay Christine, sinadya kong tawagin syang ganun upang ipahiwatig na dapat propesyonal ang usapang iyon.

Hindi iyon nakuha ng dalagita.

"Sir pag ka graduate ko liligawan kita ah!"humagikhik ito.

There are times na gusto ko nang kagatin ang mga indecent prosals ni Christine, ano magagawa ko, lalaki ako, single, si Christine maganda, makinis.
Ngunit nanaig ang aking delikadeza.

"Pag aaral muna ang isipin wag muna yan ah."
I sounded very old. Hirap mag pretend.

"Sir hindi ako makapag aral ng maayos kasi iniisip kita pag gabi." Dugtong nito, himig biro ngunit alam ko totoo yun.

"Mas maganda kung yung mga lessons ko ang iniisip mo." Ang hirap mag bait-baitan!

"Si sir talaga ang KJ! Hmp!" Sabay itong nag walk out.

Napabuntong hininga ako. Sabagay, mas ok na siguro yun kesa sa mag drugs o mag adik tong batang to. Ang hirap talaga maging gwapo naks! Ha ha ha.

Iiling iling na lang akong bumalik sa faculty room.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong paaralan. Our school is the typical public government high school na mapapanood sa mga documentaries sa I-witness. Yung mga estudyanteng mahihirap, naglalakad ng ilang metro makapag aral lang, yung mga estudyanteng salat at mukha ng kahirapan.

Kaya ko ipinabuti ang pagtuturo, dahil ang mga estudyante ngang ito ay malaki ang sakripisyo makapasok lang, dapat gawin ko ng maayos ang trabaho ko.

"Sir, congrats ulit ah, naku granslam ang klase mo ah halos lahat atang contest napanalunan.!" Bungad sakin ni Ma'am June, isa sa mga co-teachers ko.

"Salamat ma'am, magagaling naman kasi talaga yan kailangan lang ng konteng bola."

"Hay naku ang klase ko lahat na klaseng bola binigay ko na, keso de bola, hamon de bola, ayun ligwak padin, an tatamad dyos ko!"

Natawa ako sa isip. Itong si Ma'am June ang isa sa pinakatamad na teacher na nakilala ko. Lunes wala pa ito at Byernes wala na ito. So bale 3 days lang sya sa school. Tapos pag present naman sya, papakopyahin nya lang sa notebook ang nakasulat sa libro. Diba ang galing!

"Hays, kaya nga ako napilitang sumama sa outing ng mga yan kasi baka mawala ang momentum pag tinaggihan ko eh."

"Oh kelan nga pala ang outing nyo?"

"Ngayon sabado na."

"Saan?"
Habang pumapapak ito ng maruya.

"Kina Christine."
I said casually.

"Arwwkkkk" napitingin ako kay Ma'am June habang niluliwa nito ang kinakain. Nabilaukan ito ng konte.

"Dyos ko sir bakit ka pumayag na doon?" She was worried at may bahid ng takot ang tinig.

"Ano bang masama kung dun kina Christine."

Lumapit ito sa akin at bumulong.

"Bali-balita sa sitio nila na may lahi daw silang aswang!"

Nagsitayuan ang aking balahibo.

Hindi ako takot sa mga ganung urban legend. Mahilig nga ako manood ng Shake Rattle and Roll at Aswang Chronicles eh. Katunayan, Jeepers creepers ang paborito kong pelikula.

Ang nakapagpatayo ng aking balahibo ay ang pagkakasabi ni Ma'aam June. Parang may pinaghuhugutang pangyayari.

"Hala ka ma'mm bad yan ah. Saka uso pa ba ang aswang aswang na yan?"

"Bali balita lang naman, di naman ako sure kung totoo." Biglang bawi nito.

"Langyaka tinakot mo ako tapos babawi ka ng ganyan."

"Sorry, nainggit lang ako eh ang klase ko walang ganyan."

"Eh di sumama ka."

"Sira, para sainyo yan, eepal lang ako dun. Saka wala ako subject sa kanila maiilang lang sakin mga yun."

Napaisip ako, kung totoo yung bali balita, aba napagandang aswang naman itong si Christine. So kung aswang sya, papayag akong magpa aswang sa kanya. Kahit lapain nya pa ako ok lang! Yeah pare yeah!

Mabilis kong iwinaksi ang kamanyakang iyon.

"Teacher ka Eli, teacher ka wag mong kalimutan yan!" Bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka sir?"

"Ah wala mam, sabi ko bibili rin ako ng maruya!"

Agad akong lumabas ng room at nagtungo sa canteen, hindi padin mawala wala ang sinabi ni Ma'am June.

Kung totoo man yun, adventure to! Bring it on!

Si Teacher at Ang Aswang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon