Chapter 19 : A Kiss

Start from the beginning
                                    

"tss! Hindi kaya? Nagre-rent ka lang no?"

Talagang sumasagot pa siya ah?! Kung sabagay? Nagre-rent nga lang naman ako? Che! Kahit na?!

"lumabas ka na nga lang?!"

Hindi niya ako pinansin,isinalin niya lang yung shake sa baso..

"are you deaf?! Sabi ko lumabas ka na?!"

Kinuha niya yung baso tapos naglakad palapit sakin,ako naman si timang hindi makatingin ng diretso sa kanya?!

"oh?" inabot niya sakin yung baso at kinuha ko naman yun,unconsciously..kinuha niya na uli yung medium size na cloth bag pero iniwan niya yung plastic ng mangoes.. "hoy tora? Mag-lock ka nga ng pinto? Psh!"

Nalakad na siya palabas ng kitchen ako naman nakatitig lang dun sa baso ng mango shake na hawak ko? Bakit niya ba ginagawa 'to? Hindi ko siya maintindihan? kahit sarili ko nga hindi ko na maintindihan?

"sandali!"

Bigla nalang yan lumabas sa bibig ko tapos hinabol ko siya...naabutan ko siya na isasara na sana yung pinto

"s-sandali lang?"

Tumakbo ako palapit sa kanya...ibinukas niya naman uli yung pinto..

"hm?"

"a-ano?" aish! Bakit ko ba siya tinawag? Wala naman akong sasabihin? Ang baliw ko na din talaga?! Tsk! "k-kasi...ano.."

"ano?" Tinignan ko siya at ang mokong naka-ngiti! Haist! Pinagtri-tripan nanaman ako nito eh?! "ang tagal naman,bye" tumalikod na uli siya pero hinigit ko yung t-shirt niya kaya napa-atras siya! Tss! Sayted masyado?! "ano ba kasi yon?" nag-crossed arms pa siya! Tss!

"t-thanks?" napayuko ako..ang awkward naman?!

"eh? Hindi ko narinig?!"

"thanks." ulit ko ng hindi pa din nakatingin sa kanya..

"ang hina? Hindi talaga kita marinig?"

Tinignan ko uli siya at napakalwak nanaman ng ngiti niya! Shete! Pinagtri-tripan nanaman talaga ako nitong bakemono na 'to eh! Tinaasan ko siya ng kilay

"are you tripping me?!"

"sa hindi ko nga narinig e?" then he smirked!

"tss! Sabi ko? ikaw ay Ba.Ke.Mo.No! hahaha!"

"ahhh...so si Jun ay Su.Ko.Shi.To.Ra! Wahaha!"

( -___-+)

"aray!"

Hahaha! Sinipa ko lang naman yung legs niya! Sukoshi tora pala ah?!

"psh! Pikon! Nag-sisimula ka ng asaran tas maiinis ka?!"

"whatever!" tsaka ko pa siya inirapan

"tss! Bahala ka sa buhay mo! Maka-alis na nga!"

Hinawakan niya na uli yung doorknob at hindi ko nanaman namlayan na hinigit ko nanaman pala yung t-shirt niya?

"ano nanaman ba Tora? May balak ka bang punitin yung shirt ko? Tsk!... Oh? Ngingiti-ngiti ka dyan?"

Amp?! Nakangiti ba ko? Tss! Iniwas ko kaagad ang tinggin ko? Bakit ako nakangiti? At bakit ko nanaman ba siya hinila? Aish! Malapit ko na talagang isuko yung sarili ko sa mental!

"gawan mo ko ng lasagna."

Kumunot naman ang noo niya..kahit ako parang napapakunot ang noo ko dun sa sinabi ko? Malay ko ba? Bigla nalang yang lumabas sa bibig ko eh?

Enchanted (♥ On Hold ♥)Where stories live. Discover now