Chapter 17 : Ewan Feelings

33 1 0
                                    

Chapter 17

Ewan Feelings

Hindi ko alam pero bigla nalang akong tumalikod at mabilis na naglakad palabas…tama nga kaya yung iniisip ko? W-wesley likes Maylee? Gah! Bakit parang bigla akong naiinis na ewan?! Ano naman ngayon kung gusto niya si Maylee? Ano naman pake ko diba?! Napahinto ako sa paglalakad pababa ng hagdan…

Ano nga bang paki ko? At bakit hindi ako mapakali?! Nalaman ko lang naman na gusto niya si Maylee? Bakit ba lahat nalang ng nalalaman ko about sa kanya at lahat nalang ng sinasabi niya parang ang big deal sakin?! Sumandal ako dun sa wall at pinikit ko ang mga mata ko…anong bang nangyayari sakin? Hindi naman ako dating ganto…ako yung taong walang pakialam sa paligid niya…walang paki sa iba…pero bakit ngayon feeling ko apektadong apektado ako? c'mon Jun! hindi na ata ikaw yan?! Aish! Nakakainis bakit ba ako nagkaka-ganto?! Huminga ako ng malalim at iminulat ang mga mata ko tsaka na ko naglakad uli pababa…medyo sumama yung pakiramdam ko...kulang lang ata yung tulog ko kaya masyado na kong naapektuhan ng paligid ko…pupunta nalang ako ng clinic para matulog…

Nagdirediretso na ko papuntang clinic..pagbukas ko ng pinto…puno lahat ng bed..lahat may nakahiga! Aish! Andami naman atang masama ang pakiramdam ngayon?! Tsk!

"oh? May balak ka nanamang matulog dito?"

Napalingon ako nung namalayan kong dumating na si Uncle…

"kung makapag-sabi ka ng 'nanaman' kala mo naman lagi ako ditong natutulog?!"

"tsk! Tsk! wala kang ginawa dito sa school kundi matulog ng matulog! Ewan ko ba kung bakit ka pa pumapasa sa sistema mong yan?" sabi niya at naupo na siya dun sa upuan niya…tss! Ano bang akala niya sakin? Oo tamad ako pero may utak naman ako kahit papano no?

"tss! Napaka supportive mong uncle!" I said in sarcastic tone..

"just stating the fact JD"

"whatever! Maka-alis na nga!" inirapan ko lang siya tapos tumalikod na para buksan yung pinto…

"nakita kita kaninang bumaba ng hagdan galing rooftop"

Napalingon uli ako sa kanya…

"so?"

"nagtaka lang kasi ako sa expression mo kanina…you look so uneasy…once in a blue moon lang kita makitang ganun? May nangyari ba?"

Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang siya…tama si Uncle,hindi niya ako madalas na nakikitaan ng ganung expression dahil wala naman ako halos pakialam sa mga bagay bagay sa paligid ko…kahit ako nagtataka..these days kasi feeling ko madalas na kong hindi mapakali? Aish! Naiinis nanaman ako!

"so, I guess meron nga? Wanna have a talk about it?" gusto ko na sanang lumabas ng clinic pero hindi ko halos namalayan na naglakad na pala ako palapit kay uncle at naupo sa harap niya..weird?  "tell me?" gusto kong magsalita at sabihin lahat ng nararamdaman ko pero hindi ko man lang magawang maibuka yung bibig ko…parang may part kasi ng sarili ko na nagsasabi na 'you don’t care for anything,so,no need to talk about it'   seryoso lang akong nakatinggin sa kanya…

Enchanted (♥ On Hold ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon