*** Czarina Messurection’s Point of View ***
(Hoy babae, ilang weeks ka ng hinahanap sakin ni Joseph. Ano bang problema niyo?) tanong sa akin ni Ital sa phone.
“So? Nagmisscall ka ng napakadami para lang itanong yan. Jusko Ital ha!” nayayamot kong tugon sa kanya.
“Gumising ako para icall back yung mga tawag mo para lang dun?! Punyeta ka ha!” nanggagalit kong sermon.
(Sorry na! Galit ka agad!) sigaw niya din.
(Kayong dalawa kasi eh! Ayaw magpansinan tapos ako ng ako tatanungan nyo. Magkita na nga lang kayo.) sermon niya naman sakin.
“Ayaw nga. Busy nga, ilang bes ko nang tinatry. Bahala ka jan. Tutulog na lang ako.”
(Sus! Sabi niya ikaw tong di namamansin eh.) pagdadahilan niya naman.
“Eh! Tigilan. Wala na yung time sa bonding. Nako, tutulog na nga talaga ako. Bye.” Sagot ko sa kanya at binaba ang phone. Tumagilid ako sa kama at niyakap ang isa kong unan.
Simula kasi ng maging sila, grabe na sa time sched si Seph. Kung nabawasan ang quality time namin nung nililigawan niya pa lang si Camille. Lalong wala na nung naging sila.
Ilang bes ko namang tinry na ‘istorbohin’ sya pero naman kasi laging “Busy ako.” “Ha? Next time na lang.” “Sus, wag na! Gala pa ko.” Oh? Sino pa naman magkakainteres yakaging gumala yan.
Nakakainis lang kasi eh.
“Cza! Baba na jan.” Siga ni momsy sa baba, napakamot ako ng ulo ko. Ano ba? Kung kelan patulog na eh! Kainis! Tinignan ko ang orasan ko, 6 pm pa lang naman ah! Sabado din naman ngayon, kaya anong problema nya?
“Bakit po?” tamad na tamad kong sagot sa kanya.
“Mag-ayos ka na!” sigaw niya pabalik. Humikab lang ako at nagkamot ng ulo. Ano nanaman yan? Piste.
Nagkamot ulit ako ng ulo ko, antok na antok na talaga ako. Ulit, basta may momentum yun eh! Basta antok ako. Yun yon. Hindi ko pinakinggan si Momsy. Tulog na be, okay lang yan. Pumikit na ako.
“Czarina!”
“Hay! Punyatera, peste!” inis na inis kong sabi sabay umupo sa kama.
“Best. Bangon bangon din.” Pangungulit sakin ni Seph?
“Oh? Bat andito ka?” pagmamataray ko sa kanya at bumalik sa pagkakahiga.
“Kase nga, ligo ka na. Dali!” pangungulit niya ulit at kinalog ako.
“Oo na! Baba.” Irap ko sa kanya.
Agad naman siyang bumaba kaya nag-ayos na ako. Tumayo na ako sa kama at niligpit ang pinagtulugan ko. Kumuha na ako ng towel at pumasok sa banyo. Naligo na din syempre ako at nagdamit. Alangan.
“Hoy bata ka! Ano bat mukha kang basura?” tanong sakin ni Momsy.
“Ha?” tinignan ko ang suot ko. Sando at pajama.
“Bat?” tanong ko naman sa kanya at pumunta ng kusina.
“Hapunan momsy?” tanong ko sa kanya.
“Sa labas nga tayo kakain kaya pinagbibihis kita! Hay! Itong batang to talaga! Lakad suot ng dress.” Nagkamot naman ako ng ulo ko. At least! Gala!
Labag man sa loob ko, nagdress na ako. Simple lang namang above the knee white dress para malinis tignan. Pinartneran ko na rin ng doll shoes. Baduy ba? Eh! Ayoko ngang matisod.
Bumaba naman ako at pumalakpak si momsy. Nagkamot naman ako ng ulo.
“Much better. Tara na, nag-iintay na sina Mamita mo.” Nauna naman akong lumabas kesa sa kanya.
YOU ARE READING
Ice Turning Water
Teen FictionDo Best friend bullshit story always come in a happy ending?
