" Anong ginagawa mo dito?"

" I'm going with you." sagot nito sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito. Wala siyang panahon makipabangayan dito.

Hindi siya nagaksaya ng oras, umuwi lang siya ng bahay para kunin ang sasakyan, naiinis man siya sa kakabuntot ni Olivia ay hindi na lamang niya pinansin maging ang pagsama nito papunta kina Chloe.

" Chloe! " kinalampag niya ang bakal na gate ng mga ito sabay sunod sunod na  pindot ng doorbell.

" Calm down Z, baka mamya makasohan kadin ng trespassing. " sinamaan niya si Olivia ng tingin na agad namang natuptop ang bibig.

" Kuya Z." si Isha ang nagbukas ng gate nila. Namumula ang mga mata nito.

" Ang Ate mo Isha? Gusto ko siya makausap." umiling ito.

" Wala siya dito Kuya, hindi mo na siya maabutan baka nakaalis na siya sakay ng eroplano papuntang States." parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito. " Sinubukan ko siyang pigilan pero ikaw ang iniisip niya, ipapakulong ka nila Daddy at ayaw niyang mangyari yon."

" Hinayaan niya nalang sana na kasuhan nila ako, kakayanin ko ang kahit ano para sa kanya. Isa pa pwede naman niyang sabihin na hindi ko siya kinidnap."

" Kuya ginawa ni Ate ang lahat ng to para sayo, nakipagkasundo siya kay Daddy kapalit ng kalayaan mo. Umalis na kayo Kuya, pauwi na sila Dad baka maabutan ka niya dito."

Nataranta si Isha ng may dumating na sasakyan. To late it's her Mom and Dad.

" Ang lakas ng loob mong magpakita dito." pumagitna si Isha sa kanila. Pinipigilan naman ng Mommy nito ang asawa. " Wala ka ng magagawa Mondejo, kung ano sayo umuwi kana. "

" Sige na Zaide umuwi kana. Nakapagdesisyon na si Chloe at ginawa niya yon para sayo." si Tita Trisha.

Ganoon na lang yon. Nagdesisyon ito para sa kanilang dalawa? Paano naman siya? Wala bang halaga dito ang opinyon niya?

" I want to talk to her.  Please Tita hayaan n'yo akong makausap siya."

" She's with her husband, papunta na sila ng States at wala ka ng magagawa. Now leave! " madilim ang anyong sagot ni Xander sa kanya.

Husband? Kasal na ito kay Ethan?

" Anong kasalanan ko sa inyo Sir? Para kamuhian n'yo ako ng ganito? Hindi naman tayo ganito dati dahil kung natatandaan ninyo pormal akong nagpaalam sa inyo para ligawan si Chloe, mahal ko ang anak ninyo at alam n'yong mahal niya din ako." hindi ko siya maintindihan.

" Chloe made her choice kaya tanggapin mo nalang yon." sagot nito sa kanya saka pumasok na ang mga ito ng bahay nila, nagpaiwan si Isha.

" At choice niya na iwan ako? " hinawakan ni Olivia ang balikat niya.

" I'm sorry Kuya!" umiiyak na pumasok nadin si Isha sa bahay nila.

" Akala ko ba mahal niya ako Olivia? Ano yon joke lang lahat?" nakuyom niya ang kamao. Walang imik na bumalik siya ng sasakyan, inantay niyang makapasok si Olivia saka pinaharorot ito paalis sa lugar na iyon.

Umuwi sila ng bahay niya, nakaabang ang nagaalalang mukha ng Mommy niya.

Inakay siya nito papasok ng bahay. Pinakilala niya dito si Olivia. Pagkatapos ng hapunan ay nag usap silang mag ina. Nagpapahinga na si Olivia sa isa sa mga guestroom nila.

" Iniwan niya na naman ako Mom, sa pangalawang pagkakataon ay iniwan niya na naman ako." noong una ay nakipaghiwalay ito sa kanya ngayon  ay tuluyan na itong lumayo.

" Anak, ginawa mo naman ang lahat ng makakaya mo, panahon na siguro para tanggapin mo ang naging desisyon niya."

" I could have given her everything and more Mom but she didn’t even give me a chance para gawin yon. Basta nalang niya ako iniwan." nasasaktan siya dahil mahal na mahal niya ito. " Pero kung ito ang gusto niya bahala na siya, one day, someone is going to feel for me the way I felt for her and she'll  be nothing more than a distant memory. " nagpaalam siya sa ina na lumabas kasama ang mga kaibigan.

" Ano ng plano mo Bro, sinundan mo ba sa States?" tanong ng pinsan niyang si Chester.

" Ang tanong may Visa ka ba Bro? " biro ni Jarred sa kanya.

" Wala na akong magagawa kung ito ang gusto niya. She's married anyway, pumayag siyang magpakasal sa gagong yon. Ang tanga ko naman kung hahabulin ko pa siya." umiinom sila ng mga kaibigan sa isang Bar.

" Alam mo Bro baka kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin kasi wala tayong Visa." dagdag ni Jarred na binatokan ng pinsan niya.

" Nakisali ka pa. Bakit sino bang  nang iwan sayo Jarred?" tukso ni Dustin dito.

" Joke lang, nakikihugot lang kay Zaide." sagot nito.

" Marami pa namang iba d'yan Zaide pare. Makakamove on ka din." si Dustin ulit.

Naparami ang inom niya at hinayaan naman siya ng mga kaibigan. Nangako siya sa sarili na iyon na ang huling beses na magpapa apekto siya kay Chloe. Kakalimutan niya na ito.

Binuhos niya ang oras sa trabaho, sa pagpapalago ng kompanyang iniwan sa kanya ng ama.

Akala niya nakamove on na siya pero sinong niloko niya after five months natagpuan niya ang sariling nakatanaw sa babaeng laman parin ng puso niya.

Agad siyang nagpabook ng flight at pinuntahan ito sa address nito sa States ng mahanap ito ng hinire niyang private investigator.

Nakaupo ito sa may garden at nagbabasa ng libro, lalapitan niya sana ito ng biglang lumabas ng bahay ang lalaking pinili nito. Chloe smiled upon seeing him, may pinag usapan ang mga ito.

Nakita niya kung paano nito alalayan si  Chloe, higit na umagaw ng atensiyon niya ang maumbok nitong tiyan. She's pregnant.

Nakuyom niya ang kamao ng lumuhod si Ethan at hinalikan nito ang tiyan ni Chloe. They are both smiling.

Doon niya narealize na siya nalang ang umaasa na possible pang maging sila. Masaya na ito sa piling ng iba at magkakaanak na. But he's thankful na sinundan niya ito, dahil iyon ang nagpagising sa kanya sa kahibangan.

Isang malaking kasinungalingan para sa kanya ang mga sinabi ni Chloe na mahal siya nito. At yon ang tinatak niya sa isip niya at maging sa puso niya.



Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now