Chapter 35: Monthsary

Magsimula sa umpisa
                                    

Ibinaba ko na iyong bag ko at umupo sa upuan ko. Ayoko sanang sabihin kay Kaylee ang problema ko kaya lang baka sasabog ako pag hindi ko pa naipapalabas ang hinanakit ko.

“Kaylee ano kasi..” pagsisismula ko

“May problema kayo ni Xander?” tanong ni Kaylee

“Ang totoo niyan Kaylee hindi ko alam kung may problema ba kami o wala, pero kasi, espesyal ang araw namin ngayon. Isang buwan na ang lumipas simula nong sinagot ko siya kaya lang parang hindi niya naalala.”

“Monthsary niyo? Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sorry Louise.”

Kahit nga si Kaylee na babae, nakalimutan na monthsary namin ni Xander pano pa kaya si Xander? First boyfriend ko si Xander kaya hindi ko alam kung hindi ba talaga uso ang mga monthsary para sa mga lalaki.

“Okay lang. OA lang talaga ako, akala ko kasi magiging espesyal ang araw na’to para sa amin ni Xander.”

“Ano ka ba Louise, hindi pa naman tapos ang araw noh. Hindi mo alam, baka may sorpresa pala sa’yo si Xander mamaya.” Sabi ni Kaylee

“Ayokong mag expect Kaylee baka wala naman masasaktan lang ako.”

Dumating nadin naman iyong professor namin kaya hindi na kami nag-usap pa ulit ni Kaylee.

Mabilis na tumakbo ang oras, hindi ko namalayan na uwian nap ala namin. Kinuha ko iyong cellphone sa bag ko para tignan kung may message ako pero wala parin talaga. Sinimulan na akong kabahan, hindi ko alam kung galit ba sa’kin si Xander o talagang nakalimutan niya lang talaga ang araw namin.

“Okay ka lang?” tanong ni Kaylee sa’kin habang inaayos ang mga gamit niya sa bag.

“Kaylee, hindi parin nagtetext sa’kin si Xander, tawagan ko na kaya?”

“Baka naman busy. Hindi natin alam.”

“Kaya nga eh. Hindi ko alam kaya kinakabahan ako, baka mamaya may nangyari nang masama sa kanya.”


Sabay na kaming tumayo ni Kaylee at tinungo ang pinto ng classroom namin.

“Ano sa tingin mo Kaylee? Tawagan ko na si Xander?”

Hindi ko na hinintay ang suhestyon ni Kaylee at hinahanap na ang pangalan ni Xander sa phonebook ko at tinawagan siya.

*Riing* *Riing*

Mas lalao akong kinabahan dahil ring lang ng ring ang cellphone ni Xander. Hindi niya ito sinasagot.

Xander, nasan ka na ba?

 

“Kaylee, hindi sinagot ni Xander ang tawag ko.” sabi k okay Kaylee.

“Hindi ko na kailangang sagutin ang tawag mo Mushroom, andito na ako.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon