C C

2K 41 11
                                        

"Anne! Bilisan mo naman!" Sigaw ni Marvic habang patakbo sila patungo sa elevator.

"Teka lang!" Sinundan naman siya ni Anne.

Habang paakyat ang elevator ay kabadong kabado si Marvic. Napauna naman ni Anne yun kaya kInausap niya ito.

"Ayos ka lang? Kabadong kabado ka ha?" Umpisa niya

"Malamang galit na si Sir. Mapapagalitan na naman ako" sagot niya. Ng tumunog ang elevator lalong siyang kinabahan.

"Asan si Marvic?!!!" Bumungad kaagad sa kanila ang isang boses na galit na galit na.

"S-sir!" Tawag pansin niya. Inirapan naman siya ni Vhong, sign yun na sumunod siya sa loob.

"Dito ka lang ha. Kakausapin ko lang si Sir" tumango si Anne.


* * *

"Nasan na yung pinapahanap kong seretary? " kalmadong tanong ni Vhong habang nakatingin sa glass window ng opisina niya.

"Nasa labas na po. Napa-pirmahan ko na rin po yung kontrata" tugon ni Marvic.


"Papasukin mo na" tumango si Marvic at tinawag na si Anne.

"Goodluck" bulong sa kanya ni Marvic at lumabas na


"Ikaw ba ang kinuhang secretary ni Marvic?" Tanong niya.

"Opo." Humarap si Vhong kay Anne.

Pareho silang nagulat ng makita nilang ang isa't isa.

Nanigas naman sa kinatatayuan niya si Anne. Pero agad rin siyang naka-bawi.


"Ikaw?!"

"Ikaw?!"

Sabay nilang tanong sa isa't isa.

"Ayoko na. Hindi na ko na tatanggapin itong trabahong ito" sigaw ni Anne at akmang lalabas na.

"Tsk. Tanga ka ba?! Hindi ka pwede umalis dito! Pinirmahan mo yung kontrata at pagbinali mo yun, kakasuhan kita" naka-ngiti ngunit nagpipigil na galit ni Vhong. " saka, tatanggi ka pa ba?! 50k a month with Gsis PhilHealth, Sss at PAG-IBIG pa yun" pinagdiinan niya talaga ang salitan pag-ibig.


"Grrr! Fine! Nasan ang table ko?!" Iritable niyang tanong sa amo.

"Wow! Ikaw pa galit ha."sarcastic na saad ni Vhong.


"Hoy! Ferdi! Tinanong kita ng maayos" nagulat si Vhong sa binitawang salita ni Anne. Yun kasi ang tawag ni Anne sa kanya dati pag galit na ito sa kanya.

Maski si Anne ay nagulat rin sa sinabi niya. Napuyoko na lang siya.

"Tanungin ko si Marvic..get out" malamig na saad ni Vhong, sumunod na lang si Anne.

"Na-sample-na ka?" Tanong ni Marvic.

"Oo. Ba't di mo sinabi sa akin na si Vhong pala ang boss dito?" Naiinis na tanong niya kay Marvic

"Bakit? Anong masama don?" Nagtatakang tanong ni Marvic sa kaibigan.

"Nevermind. Nasan yung table ko?" Tinuro ni Marvic ang table niya. Katabi lang pala ng opisina ni Vhong, kitang kita pala niya si Vhong dahil puro salamin ang naka-paligid sa opisina ni Vhong.

My Ex Bride To BeWhere stories live. Discover now