Kaibigan

3K 49 1
                                    

Kaibigan

Nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan at napunta sa ligawan
Nahulog sa salitang 'tayo'
Nakulong sa 'selos'
Namatay sa 'hiwalayan'
Tinanggap sa salitang 'kaibigan'
Hindi natin naisip na umabot pa tayo sa pagiging mag-kaibigan pagkatapos nang mga nangyari sa'tin
Masakit na matanggap na hanggang magkaibigan na lang tayo
Pero wala nang mas sasakit sa nalaman kong may mahal ka nang iba
Pero ito. . .
Tinanggap ko
Tinanggap ko ang magiging kahihinatnan nang storya  nating 'to
Na ang dating 'tayo' ay bumagsak sa salitang 'bes'
Ang hirap tanggapin pero ito ako. .
Pinipilit ang sarili na lumayo. .
Pinipilit ang sarili na 'wag kang isipin
Mahirap kang kalimutan
Ang hirap mong tanggalin sa puso ko
Pero gagawin ko lahat nang makakaya ko para makalimutan ka't matanggal sa puso't isip ko
At sana. . .
Sana dumating 'yung araw na masabi ko sa sarili ko na
'Hindi nga talaga kami ang para sa isa't isa kaya nagyari 'to'
Na hindi 'ikaw' at 'ako' ang itinadhana
Na ang 'tayo' ay isang salita lang
Na dapat tanggapin natin na hanggang 'kaibigan' lang talaga
Sana maging masaya na tayo sa buhay natin
Sana makalimutan na ang lahat
Sana maging okay na ako


-----
Done!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon