2 - Cheating

6.5K 177 54
                                    

Chapter 2

Cheating

Nang mag-uwian, kinuha ko na agad ang mga gamit ko at pinasok ito sa bag sa pag-mamadali. My whole body hurts from the training, at ang braso ko naman ay sumasakit sa pag hulog ko kanina. My arms are throbbing in pain, but I don't know why ang bigat ng pakiramdam ko. Naiiyak at nasasaktan ako pero ayoko iyon ipakita kay Ethan.

Besides, wala naman siyang paki-alam.

"Uwi kana?" Tanong ni Stacey, one of my friends dito. "Sabay kana samin!"

Lumapit naman sila Ian at Troy. "Onga, Eyn! Saka parang hindi ikaw yung Eyn na kilala namin pag andito ka sa training. Nag-iiba itchura mo, nawawala ang nerd side!"

Siniko naman ni Stacey si Troy. Ngumiti naman ako at bahagyang yumuko. Natawa sila.

"Eyn, tumakbo ka daw for President sa council?" Tanong ni Ian. Hinanap ng mata ko si Ethan bago ako mag-paalam umalis at nakita kong nag-tetext siya. After niya mag-text ay pinasok ito sa bulsa niya at naupo. Kinausap siya ni coach.

"Ah, oo eh. Gusto ko kasi talaga yung position na yun," sabi ko sakanila.

"Sige, vote ka namin! Basta dapat maganda projects mo ah?" sabi nila. Ngumiti naman ako at um-oo.

"Sige, una na ako." sabi ko sakanila. Lumabas ako at agad na kinuha ang phone ko. No new messages ang naka-lagay. Pero nag-tetext si Ethan.. may iba siyang katext?

I'm overthinking! Baka katext lang niya ang mom niya or dad, or ang kapatid niya! Oo, he may not be proud of our relationship but ang sabi niya kaya ganoon ay ayaw niyang may nakeelam sa relationship namin. Gusto niya kami lang ang involved. Ethan is a good person, he won't cheat on me.

Besides, kaya ko naman pang-hawakan ang private relationship namin. Nasaktan lang naman ako sakanya kanina kasi hindi manlang nakita sa mukha niya ang pagiging concerned.

Tinali ko nalang ang buhok ko habang patuloy na nag-lalakad. The sun was setting pero medyo maliwanag pa rin sa hallway. Wala na ring tao dito sa university.

Dadaan ako sa locker ko dahil kukunin ko ang books ko since may quiz kami bukas sa Bio. Pag-dating ko sa 3rd floor hallway, kung saan andon ang locker ko ay nakita kong naka-upo si Adam Saavedra malapit dito. He's looking at the sunset na kitang kita sa 3rd floor hallway. Bukas kasi ang vicinity at medyo mataas na ang building.

I looked at him as I walked. He has brown hair na nakataas. It looks clean though even if it's messy. Since naka-side view siya, I could see his pointed nose from here. He's wearing a dark blue hoodie and black adidas pants with white kicks. He's tall and for sure if lumapit ako sakanya, hanggang elbows lang niya ako.

Narating ko ang locker ko which means asa likod ko lang siya. Hindi ko siya pinansin at binuksan na ang locker ko.

"Football girl?" nagulat ako ng bigla siyang nag-salita sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na inayos ang gamit ko.

"You're such a snob."

Hindi ko pa rin siya pinansin. Sinarado ko na ang locker ko at nag-simula maglakad papalayo sakanya.

Napa-tigil ako ng bigla niya akong hawakan sa pulso. Inagaw ko agad ang kamay ko sakanya.

"Ano ba!" Sabi ko sakanya. Tinignan ko siya at nakita kong naka-ngisi ito.

"Chill! I just want to ask something!" Sabi niya at nag-taas ng kamay. Inirapan ko naman siya.

"What do you like about sunsets?"

"What?"

Tumingin siya sa araw na ngayon ay unti unti ng lumulubog. "What do you like about sunsets, football girl?" Ulit niya.

The Sweetheart DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon