CHPTR SEVEN

190 10 0
                                    

Dedicated kay @Pretty Mii sa fb dahil nagpost sya sa FB ko na mag-update daw ako 😊

Para sayo to ☺️

**

This is the most awaited POV ❤️

C Z A I ' s :

Hi readers ~ Ako nga pala si Czai. Well, siguro naman kilala nyo na ko? Okay so, ako nga pala si Czai de Vera Imperial. Siguro ay nakwento na ako sainyo ni Aena no? Pano ko nalaman? Ang daldal kaya nun. -_-

Dalawa lang kaming magkapatid ng kuya kong si Andrei Imperial. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ako nakatira sa simpleng apartment lang at hindi sa mga mamahaling condo eh kung tutuusin kahit bumili pa ako ng libong condo ay kaya ko. Well, ayoko kasing pinagkakaguluhan ng tao. Ayokong maging sikat, hassle yun. Isa yan sa dahilan kung bakit ayokong gamitin ang apelyidong Imperial. Kung hindi nyo naitatanong ay de Vera ang lagi kong gamit simula pa bata ako. I don't like money and fame. I just want a simple life, that's why dad and mom are so proud of me. Unlike Andrei, my brother, he enjoys fame and everything. Gusto nya sikat sya, kaya naman ang alam ng press, isa lang ang anak nila dad and mom. Not knowing I exist. Nung una ay ayaw pang pumayag nila mom sa gusto kong wag ipaalam ang existence ko sa mundo, pero kalaunan ay pumayag din sila.

Hinayaan nila akong mabuhay mag-isa. Basta daw hayaan ko silang subaybayan ako at bigyan ako ng ilang income. Hindi na ako tumanggi. Alam kong hirap din silang tanggapin ang kagustuhan ko.

Simula noong umalis ako sa bahay, nakilala ko si Tatay Ernesto, ang may-ari ng bahay na to. Nakilala ko sya dahil isa sya sa mga kasosyo ng magulang ko sa trabaho. Mayaman si Tatay Ernesto, pero gaya ko, ayaw din nya ng exposure gusto nya simpleng buhay lang. Alam nyang isa akong Imperial pero wala syang sinabihan kahit sino. Kaya naman malaki ang tiwala namin sa isa't isa at parang totoong tatay ko narin sya. He updates my parents about me. Hindi ko na sya pinipigilan. Ayos lang yun sakin.

Pinagmamasdan ko lang si Aena habang tulog. Gusto ko sana syang hawakan pero natatakot akong baka magising sya at kung ano pang isipin nyang ginagawa ko, iba pa man din mag-isip ang babaeng ito.

Nagulat ako ng biglang nag-ring ang phone nya. Pagtingin ko..

Mike calling..

At sino nanamang kupal na to na tumatawag pa?! Ha! Boyfriend nya kaya to?! Pangalan palang ang panget na! Mas maganda paring pakinggan ang Czai.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero sinagot ko yung tawag.

"Hello Aena? Are you coming?" Sabi nung bakulaw sa kabilang linya. Tss. Eto yata yung kausap nya kanina. Tsk!! Kaya sya naaksidente eh!

"Hindi sya pupunta. Sino ka ba?" Sabi kong wala manlang kaemo-emosyon.

"T-teka? This is not Aena? Ikaw dapat ang tanungin ko nyan. Sino ka? Bakit nasayo ang cellphone ni Aena?! Bakit mo sya kasama?!" Tss.

"Pwede ba! Isa isa lang, boyfriend ako ni Aena kaya wag mo syang yayaing lumabas! Hindi sya pwede okay?!" Yun lang ang sinabi ko at pinatay na yung cellphone nya. Tss! Tatawag tawag pa eh kitan-- SHET readers teka lang!! Boyfriend ba ang sinabi ko?! Sht sabihin nyo saking hindi ko sinabi yun! Nakoo yari ako neto kay Aena. Magagalit to panigurado!!

Kasi naman bakit hindi nyo ako pinigilan readers??? Alam nyo naman ang tao pag nagse-selo-- Erase erase!! Hindi ako nagseselos okay?!

Tandaan nyo yan, HINDI. AKO. NAGSESELOS. HINDI!!!

--

Maya maya pa ay nagising na si Aena. Nandito na ako nakahiga sa kama ko. I act like I didn't do anything. Kunwari wala akong ginawa.

Nakatingin lang ako sakanya. Bumagon sya..

"Okay ka na ba? Kaya mo ba?" I said. Kasi naman baka mamaya bigla nanaman syang matumba dyan. Wala pa mandin syang damit. (--.)

Tumingin sya sakin at ngumiti. "Okay na ko. Salamat ha."

*Lub dub Lub dub Lub dub*

Shet anong kabadingan to?! Oy puso tumahimik ka nga dyan baka marinig ka nya! Peste naman mukha akong tanga!!! Kinakausap ko puso ko? Sht ano pang mas malala sakin?

Dumiretso sya sa Cr at nagbihis, paglabas nya..

"Oh shoot si Mike!!!" Sabi nyang nagpa-panic. Mike? Yun ba yung kinausap ko kanina? Tsk yung kumag na yun!!!

"Oh bakit parang nagpa-panic ka dyan? Sino si Mike? Boyfriend mo?" Tanong ko na parang patay malisya pa.

"No hindi ko sya boyfriend."

"Buti naman." Sht! Mali! Dapat sa isip ko lang yun eh!

"What?" Buti di nya narinig.

"Wala wala."

"Nakita mo ba yung phone ko?" She asked. Teka san ko nga pala nilagay yun kanina?

"H-hindi eh."

"Ayun. Bakit nasayo?" Huh?! Ano daw? Nasakin?! Saan?!

Lumapit sya sakin at yumuko tapos parang may inaabot sa likod ko. Sobrang lapit na namin sa isa't isa, yung mukha nya napakalapit na sa mukha ko.

*gulp*

Nagkatitigan kami..

Titig...

Titig...

Shet baka hindi ako makapag-pigil at baka mahalikan ko sya. Tumingin sya sakin at...

*Prrrrrtttttt*

"Ang baho!!!" Sabi nya. Tangna naman bakit ngayon pa sumakit yung tyan ko.

Napakamot ako sa ulo ko at "He he. T-teka lang h-ha." Takte nakakahiya!!!

Tumakbo ako at dumiretso sa cr at naglabas ng sama ng loob ko.

Takte naman andun na eh!!! Kissing scene na yun eh!!! Kainis no!!! Sayang!

Di bale na, may next time pa naman eh :)

**

Bitin din ba kayo readers?? 😊

Vote and comment muna para sa next chapter ☺️

-MissyaraXoXo💋

My Ex Is My Roommate [ON-HOLD]Where stories live. Discover now