1 - How We Met

7.1K 164 24
                                    

I tweaked the storyline :)

I'm back! I'm editing TSD at binago ko ang kaunti pero ganon pa rin ang flow ng story. I will update pero my main focus is The Most Beautiful Thing. Read it if you have time!

---------

Chapter 1
How We Met

"Eyn, pang-ilan mo na to ah? This is your 16th try," sabi ni Cara sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at patuloy na nag-fifill up ng form. I'm almost done!

"Eyn, are you sure about this?" bulong niya sa tenga ko. Muli, hindi ko ito pinansin at nag-patuloy lang.

"Shhhh," tanging sagot ko.

"Hay naku! Bahala ka na, Eyn! Sinasabi ko sayo after ng elections ay iiyak ka nanaman saakin ng one week!"

Tinignan ko siya ng masama. "Bakit ba sobrang nega mo ha? Think positive!" Sabi ko at pinirmahan na ang form. I scanned it ulit to check if may nakalimutan man ako.

"Anong positive ka diyan? Pang-ilang beses mo na to sinubukan tumakbo for Student Council President! Since grade one tayo, lagi nalang tayo nandito. At kahit isa, hindi kapa nanalo!"

Hindi ko siya pinansin at lumapit na ako sa student na naka-assign to handle all the forms para sa mga tatakbong student council. Kinuha niya ito at umalis na kami pag-tapos.

"Baka sakali ngayon, manalo na," sabi ko kay Cara habang nag-lalakad kami papuntang canteen. Wala na talaga akong pinangarap pa simula ng bata ako. Gusto ko lang maging President ng student council.

Bumuntong hininga siya. "Sige, supportahan nalang kita. Ano pabang magagawa ko?"

Two months from now, elections na ng bagong student council. At ako, gusto ko muli subukan tumakbo as President.

Inakbayan ko ang bestfriend ko habang nag-lalakad kami. "Thank you, number one fan. I love you."

"Sabihin mo, one and only fan! Dalawa lang ata kami nag-vote sayo last year!" natatawang sabi niya. Hinampas ko naman siya.

Alam ko naman ang rason kung bakit hindi ako nananalo kahit na ang tagal ko ng tumatakbo at ang tagal ko na rin dito sa Saavedra University. Una, hindi ako kilala dito dahil hindi naman ako kasama sa social circle ng mga sikat at magaganda. Tanging si Cara lang ang kaibigan ko pati na rin ang mga kaklase ko.

Pangalawa, madalas lagi nanalo si Sofia Erin Villamonte. She got the looks, the body and also the brains. Plus, volleyball varsity siya right after being a dancer. Siya na lahat! If only ganon din ka-ganda ang loob niya, I would definitely like her. Pero hindi eh, kasi masama ugali niya and kami lang mga hindi sikat ang nakakita nun.

"Training ka ngayon?" Tanong sakin ni Cara pagka-pasok namin ng comfort room. Uwian na and may training ako ngayon sa Dance. Iyon lang ang talent ko.

"Oo, need eh."

Tinignan niya ako at binigyan ng nakaka-lokong ngiti. "Ang sabihin mo, gusto mo lang maka-sama ang boyfriend mo!"

Binato ko agad siya ng damit at inirapan. "Shh! Wag ka maingay! Baka may maka-rinig sayo diyan."

"Ano naman ngayon? Para malaman na ng lahat tapos maging proud na siya sayo! Bakit ka ba niya tinatago?!"

Napa-buntong hininga ako. Tama si Cara at alam ko naman yun deep inside. Gusto ko rin ipag-sigawan na niya ako at wag na itago pa. I want him to show me off and be proud of me. Kaso that won't happen and I know it. Hindi na ako aasa kasi if umasa ako, baka ma-disappoint lang ako.

"Hindi siya ganon, Car. Ayoko mag-expect ng mataas sakanya dapat I should be happy sa anong nabibigay niya."

Ethan Felix Gonzalez is my boyfriend, pero ako at si Cara lang nakaka-alam. We date, we text and we call pero sobrang dalang lang namin mag-kita. Sa school never rin dahil ayaw niya. Kasama ko siya sa dance team and sikat siya.

The Sweetheart DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon