Chapter 6 (Revised)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pake ko?" Tanong ko at tinaasan ng kilay.

"Nice to meet you! Idol kita!" Sabi naman nitong babae. Psh.

"I don't care." Sabi ko. Buti nalang nakita ko si Luke.

"Lucas Hambog! Hintay!" Sigaw ko at mas binilisan niya yung lakad. Aba't!

"Hoy Gago! Wag mong bilisan!" Sigaw ko at tumakbo na. Bahala sila Venice at Sapphire dun.

"Bakit ba?" Tanong niya at huminto. Nabangga ko tuloy yung likod niya.

"Lanjo! Aray ko naman. Wala lang." Sagot ko habang hawak yung ilong ko. Baka napango ako. Tsk.

"Wag mo nga akong sundan." Sabi niya.

"Di kita sinusundan tanga! Sasabayan mo ko." Sabi ko at nauna na sakanya.

"Tinatayo mo dyan? Tara na! Gutom na ako!" Sabi ko sakanya ng mapansin kong di siya sumusunod.

"Aish!" Sabi niya at sumunod na.

"Bakit parang bumait ka ata?" Tanong niya habang nakapila kami. Oo nga no?

"Ewan ko." Sabi ko.

"Lasagna at Strawberry Milkshake." Sabi ko dun sa crew at nagbayad na.

"Meal 1." Sabi naman ni Luke.

"Tara." Aya niya kaya sumunod nalang ako sakanya.

"Bakit tayo andito?" Tanong ko. Nasa table kasi kami ng barkada niya.

"Oy. Mga gunggong. Si Kathleen makikiupo satin." Sabi niya at nagsiayos naman ng mga upo sila.

"Hello Kathleen! I'm Clyde." Pakilala ng isang lalaking brown ang buhok at naka-eyeglasses. Bagay sakanya ang nerdy look.

"Lorenzo nga pala. Renzo nalang." Pakilala naman nitong jet black ang buhok tapos parang boy-next-door ang look.

"And I'm Dev. Hi beautiful lady." Pakilala naman nitong may dark brown na hair and halatang casanova.

"Short for Devil. Hahaha!" Sagot naman nitong si Luke. What?

"Devil is your name?" Tanong ko at nagnod naman siya.

"Awesome. Mukha ka bang devil nung bata?" Sabi ko at tumawa.

"Mean." Bulong niya. Actually kaklase ko silang lahat pero ngayon ko lang nalaman names nila. Sorry naman.

"So, what brings you here?" Tanong ni Clyde.

"Correction, who. And it's Lucas. Obviously." Sagot ko at sumubo ng lasagna.

"Yieee. Binata na si Lucas." Sabi ni Renzo. Hahaha.

"Manahimik ka nga gago." Sabi naman nitong katabi ko.

"Chill bro. Hahaha." Sabi ni Dev.

"Bakit di mo kasabay yung best friend mo?" Tanong ni Clyde.

"Self- proclaimed best friend. Well, ayoko eh. Pake mo?" Sagot ko sakanya.

"Hahaha. Mataray ka nga talaga." Sabi naman niya.

"Ngayon mo lang nalaman?" Sagot ko sakanya ag umirap.

"Bagay kayo ni Lucas. Parehas pikon. Haha." Sabi ni Dev.

"Tao kami. Wag kang tanga." Sagot ko sakanya.

"Wag niyo ngang guluhin si Kathleen." Sabi ni Luke.

"Knight in shining armor? Hahaha." Asar ni Renzo.

"Pag di ka nanahimik. Kokotongan kita." Sabi ko sakanya kaya nanahimik naman siya. Takot pala sila eh.

"Una na ako." Sabi ko at tumayo na.

"Ahh. Sige. Ingat Kathleen." Sabi ni Dev kaya napataas ang kilay ko.

"Baka madulas ka sa puso ni Luke. Hahahaa." Dagdag ni Renzo kaya ayun binatukan ko parehas.

"Amazona pala ang future gf mo dre." Sabi ni Clyde kaya ayun, nabatukan ko rin.

"Umalis ka na nga." Sabi ni Lucas. Aba!

"Aba't. Kapal ng mukha nito." Bulong ko at umalis na. Sakto namang dating ni Director Hubert.

"Ms. Logan, can I talk to you in my office?" Tanong niya. Ano na naman ang ginawa ko?

"Yes sir." Sagot ko at sumunod sakanya.

"Sit down." Sabi niya kaya naupo naman agad ako.

"Thank you po. Bakit niyo po pala ako pinatawag?" Tanong ko. Di kaya nakita niya na ako ang naglagay ng saging sa harap ng office ni Mrs. Gomez?!

"I've heard na marami ka nang cases sa guidance. And sadly to say, maaari kang masuspend sa next offense mo." Sabi niya. Suspension lang pala eh!

"But after your second suspension at nagkaron ka pa ulit ng offense. We can't do anything but to expel you in this school. I hope na ititigil mo na yung mga offense na ginagawa mo dahil sayang ang katalinuhan mo." Dagdag niya pa.

"That's all?" Tanong ko.

"Yes. Thank you." Sabi niya kaya tumayo na ako at lumabas. Kapag na-expel ako, siguradong sa U.S. ang bagsak ko.

"Hoy!"

"Ay palakang panget!" Putek! Sino ba yung nanggulat?!

"Lucas Kurt Jaime!" Sigaw ko.

"Yes, Joyce Kathleen Logan?" Sagot naman niya. Leshe.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko at naglakad na pabalik sa classroom.

"Wala lang. Tulala ka kasi kanina eh. Ano sabi sayo ni Director Hubert?" Tanong niya. Hmm.

"Maeexpel na daw ako." Sabi ko.

"Nice!" Sabi niya at ngumiti ng malapad. Leshe.

"Gago. Joke lang." Sabi ko at binatukan siya.

"Sayang." Bulong niya. Aba!

"Anong sayang?! Sapatusin kita jan eh." Sabi ko sakanya.

"Joke lang! Pero ano ba talaga sabi sayo?" Tanong niya.

"Masusupend daw ako sa next offense ko. At after my second suspension, maaari daw akong ma-expel." Sabi ko.

"Ahh. So magpapakabait ka na?" Tanong niya.

"Depende." Sagot ko at nagkibit balikat nalang. Makapunta na nga sa room.

The Mean GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon