The Death Numbers

73 18 1
                                        

Deus

Nagsimula lang naman ang istorya nung pumasok kami sa aming paaralan. Ang paaralan na hindi mo aakalaing may magkakabahid ng dugo. Kung titignan palang ang itsura nito sa labas eh maaakit na agad ang atensyon mo. Maski bawat estudyante ay mga mukhang inosente at walang kamalay malay sa mundo.

Akala namin...magiging simpleng araw lamang ito. Ngunit mali kami, dahil ang araw na ito ang pinakatatatak sa aming mga isipan. Na para bang never mo itong makakalimutan.

Sa loob ng labing tatlong oras sa loob ng paaralang ito , sa loob ng aming classroom. Ang labing tatlong oras na kahit kailan man ay hinding hindi ko makakalimutan.

Labing tatlo. 13.

Sa loob ng 13 hours.

Marami akong dapat pansinin.

Kahit maliliit na bagay man yan.

Hindi pa rin dapat pinapalampas.

Maging mga ballpen man yan.

Maging isang chalk man lang yan.

Kahit lesson nyo pa yan.

Oras.

At maging ang mga simpleng numero.

Dahil malay mo, may ibig sabihin ang mga numerong ito.

Hindi emergency contact.

Hindi winning number sa lotto.

At lalong hindi sagot sa test sa Math.

Dahil ang mga numerong ito ang naglalaman ng mga pangalan ng bawat estudyante sa Class D.

------------------------------------------
Hope you enjoy guys!
Please support my new Thriller Story!!

Saranghaee


The Death NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon