“What happened to you?!” He asked her, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, hindi na siya magtataka sa reaction nito, malayo siya sa Spencer na ayos na ayos palagi. Now, no makeup on at kahapon pa siya huling naligo, alam niyang magulo din ang buhok niyang hanggang balikat. Alam niya ring namumula ang mga mata at ilong niya dahil sa sobrang sipon at ubo, naka ubos na nga siya ng dalawang box ng tissue bukod pa don, she’s wearing an oversized shirt, her undies underneath of course and socks.

She stretched her arm towards her then pouts. She jumps on him, at wala na itong nagawa kundi ang ipaikot sa kanya ang mga braso nito.

“Carry me, napapagod akong maglakad.” She told him.

“I don’t have time for your games Spencer, may importante pa akong aasikasuhin.”

“I’m not playing games with you, masama ang pakiramdam ko since last night kaya hayaan mo na akong ganito, okay?”  

She heard him sigh, binuhat siya nito papunta sa kwarto at ihinaga siya sa kama.

“Amoy pawis ka, maligo ka mamaya.”

“Ayokong maligo, ayokong mabasa.” Nagkumot siya at tumalikod dito. “Anyway, could you please cook me something na madaling kainin James? Kahapon pa ako huling kumain.”

“Bakit kasi ngayon ka lang tumawag?” Nakasigaw ito sa kanya, parang ang init ng ulo nito.

“Well, hindi ko naman inaasahan na hanggang ngayon ay masama padin ang pakiramdam ko.” Hindi ito sumagot, pagpaling niya dito ay wala na ito sa kwarto niya, nakabukas ang pintuan at natatanaw niya ito na nasa kusina niya.

“He looks nice in my kitchen, even nicer if he’s naked.” Nag kibit balikat siya bago humatsing ng malakas.

“Urgh!! I hate being sick!”                       

-

Makalipas ang tatlumpong minuto ay pumasok si James sa kwarto niya na may dalang breakfast in bed tray. Gatas at lugaw pati na gamot lamang ang laman niyon.

“Breakfast in bed, thank you James.”

“Yeah, don’t mention it, just eat, para makainom ka ng gamot.”

“No James, I really appreciate it, thank you.” She smiled weakly at him, para kasing lalong sumama ang pakiramdam niya, siguro ay dahil nagugutom na nga siya.

“Yeah okay.”

“James, Samahan mo muna ako.” Lalabas na sana si James pero muli niya itong tinawag, tinapik niya ang kama para paupuin ito doon.

He sighs again.

“Fine, pero pagkakain mo ay aalis na ako, I really need to deal with something very important.” Naupo ito sa tabi niya at ngumiti siya, nagsimula na din siyang kumain.

I've never been this nasty 2 (JAMES FRANCESCO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon