"Omg she's so panget"
Sanay na ako sa katagang yan. Pano ba naman tuwing papasok ako laging ako ang napapansin ni Kiray, kilala niyo na ba siya? Siya lang naman yung insecure sa beauty ko. Char hihi.
"Hello Philippines, hello world. Good morni---" hindi na natapos ang sinasabi ko ng biglang sumigaw si nanay.
"Feeling toni gonazaga teh? Nasa pbb? Hoy ikaw bata ka! May nalalaman ka pang good morning eh malelate ka nanaman sa eskwela!" Hay nako sanay na ako dyan kay nanay. Sweet nu? Hihihi.
"Nay, may tanong ako sa'yo" sabi ko kay nanay.
"Ano nanaman? Kung bakit di ka crush ng crush mo?" Kahit kelan talaga basag trip to si nanay.
"Hindi nay. Panira naman ng moment, wag na nga" kunyare nagtatampo ako hihi para may dagdag baon.
"Ay. Nagtampo ang gaga, sige na makikinig na ako." Makikinig din pala tong si nanay umaarte pa.
"Nay alam mo ba ang sagot kapag pinagsama kame ng umaga?" Hmmm gets kaya ni inay? Pero ok na yan. Keri na to malay mo magets.
"Ano? Di ko getchi." Sabe na nga ba eh. Kaloka naman to nakakatanggal beauty. Woooo keep calm and maganda ako. Char hihihi.
"Umaga + ako = MAGANDA UMAGA" Gets na kaya? Sana.
"Maganda nasan?" Si nanay naman oh nasa harap na niya eh.
"Edi nasa harap nyo nay. Ang tunay na maganda ay nasa harap niyo!"
"Harap? Wala ka namang hinaharap ah?" Nay naman hindi hinaharap. Nakakaloka naman.
"Nanay naman oh. Wag kang insecure sa prettyness ko. Haters gonna hate" hater ko yan si nanay porket inggit sa beauty ko.
"Haters ka dyan. Feeling famous?" Ha? Pano naging updated to si nanay? Emegerd.
"Nay, san mo naman nalaman yan? Gumaganern?" Daming kasing alam ni nanay nalilito na ang cute na utak ko.
Konsensya: cute ka dyan. Cute size lang pero di cute.
- ano daw? Di ko gets pero alam ko inaaway niya ako.
"Sa twitter. Niretweet kasi ni aling mameng kaya finavorite ko. Kisig nu? Harhar." Ano daw? Twitter? Diba kulay yellow yon? Si twitter bird. Char haha.
"Daming alam nay? Makapasok na nga baka nag aabang na mga fafa boys sa school. Hihihi" excited na ako baka pagkaguluhan ang beauty ko.
"Boys ka dyan, feeler ka talaga Tisay!" Sweet ba ni nanay? Ganyan talaga pag maganda anak. Alam niyo na hihi.
"K. bye" matrashtalk nga to si nanay. Kaloka naman kase.
- - - - - - - - - - - -
Here I come my school. Tama ba english ko? Dedma na lang, katunog naman hihi.
"Omg. The freak is here" sabi nung isda. Ay ewan basta muka syang isda.
"Wow. Ang ganda mo" sabi nung fafa hihi wait nga. Baka sabihin snobber porket maganda. Teka lang fafa.
"Thank you *wink*" yan napansin na sya ng dyosa. Char.
"Ganda mong sapakin" ay puta yon ha. Kala ko naman totoo na! Pasa much.
Lahat sila nakatingin sakin habang naglalakad ako. Omg tisay this is it. Chin up. Walk with confidence. Okay here we go.
Habang naglalakad ako nagpapalakpakan sila.
Omg is real? Is it real? Dan dan dan dalandan!
"Thank you guys! Thank you very much" syempre dapat humble diba? Hihi. Dagdag ganda points.
"Hoy umalis ka dyan gaga!" Sabi nung choserang froggy.
"Feeler!"dedma lang sya sa ganda ko.
Diretso lang ako sa paglalakad pero may pumatid saken. Hay nako isa nanamang insecure. Char.
Tatayo sana ako pero pagtayo ko biglang may sumampal saken.
"Aray ha! Dont touch my pretty face!" Sino ba kase tong papansin na to.
"Ay. Feeler? Di ka maganda tisay! Gumising ka sa katotohanan. Ako ang pinapalakpakan nila at hindi ikaw. Hays." Sabi ni k-k--kiray? Wait. Si Kiray? Yung mortal enemy ko sa pageant. Teka nga.
"Hoy. For your information, di ka maganda! Maputi ka lang! Gagang to." Oh ano? Palag? Sa fb ko nakuha yon hihi.
"Hoy tisay. Don't you dare making sabi sabi that to me!" Wow english. Kala niya papakabog ako? Di no! Tisay yata to.
"Hoy ka din. I dont care what they're going to say let the storm rage on...the cold never bothered me anyway!" Oh diba kala niya ha. Kambal ko yata si Queen Elsa.
Bagay diba Queen Elsa & Princess Tisay. Pak! Palong palo hihi.
*RINGGGGGGGGG*
Door bell? Barbel? Isabel? Basta School bell. Tumunog na. Hudyat na ba yon ng katapusan ng mundo? Chos lang.
Be right back sa mga fans ko dyan. Simula na ng klase. Makikita nila ang talino ng cute kong utak. Hihihi Fight tisay! Fight!
Konsensya: Asa naman tisay! Wala kang fans.
- Shatap. Mga insecure sa beautyness ko.
YOU ARE READING
OMG! She's so panget
HumorMaganda Masexy Habulin ng lalake Mayaman Matalino Maganda ulet Yan ang mga bagay na wala saken. Joke! Dyosa kase ako kaya spell P-E-R-F-E-C-T. Hihihihihi
