“Are you sure?” tanong niya. Wala na akong natapos na salita. Putol ng putol si Mikael e.

“Yeah.” I nodded.

Nakatingin lang siya sa akin… “I’m fine, Mikael… okay lang naman sa akin na mag-cab. Less hassle din sa driver—“

“What if something happens to you? Paano kung pinag-interesan ka nung driver? Paano kung—“

“Hey, I’m fine… I’m okay.” I smiled to him. He sighed. “You know how busy I am, right?” tanong niya sa akin. I nodded. 

“I’ll not be able to stay with you all the time, but could you please take care of yourself, Mika? Do it for me. Alagaan mo ang sarili mo para sa akin.”

“Hindi ko naman sinasadya ‘yung nangyari. Gusto kitang puntahan kagabi, that’s why I sneaked out to get on my car… kaso, bumangga ako sa gate.” Napayuko ako. ‘yung Porsche kasi nagmamadali e. bumangga tuloy ako.

“You don’t know how to drive, Mika…”

“Natry ko namang magdrive nung nasa Korea ako e,” katwiran ko. “Nag-try. Pero hindi ka marunong mag-drive. Tingin mo ba makakarating ka mula sa bahay niyo papunta sa bahay ko ng hindi ka nadidisgrasya?” napahawak siya sa noo niya.

“Sorry na… hindi naman siguro natin pag-aawayan ang kotse ko diba?”

“I’m not mad because of your car, Mika. I don’t give a damn about it. I’m mad because you’re being reckless again.” Naiinis na tinalikuran niya ako.

“Mikael…” hinabol ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Sumunod lang ako sakanya. Halatang masama ang loob niya habang pumipili siya ng mga bibilhin niya. Hindi ako makakuha ng chocolate! Siya kasi ang nagtutulak nung cart tapos naka-poker face siya kaya hindi ako makahirit.

“Kausapin mo naman ako…” I told him habang naglalakad kami. Hindi niya ako pinansin.

I sighed. Napadpad na naman kami sa fruit stand.

“May fruits na ah?” takang tanong ko.

“Wala pang strawberries.” Kumuha siya ng strawberries tapos nilagay sa cart. Napangiti naman ako. Kahit na naiinis siya… may care pa din siya.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now