CHAPTER SIXTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tigilan mo ako. Wala ako sa mood makipagbiruan."

"Sino ba'ng maysabi na nagbibiro ako?"

Kumuha ako ng isang butil na mani at binato ko siya. Iniwas ng gunggong ang ulo at sinalo iyon ng bunganga. Shoot! Lalong lumawak ang ngisi niya nang nginunguya na ang mani. Gusto ko siyang batukan. Pero natigil ako nang bigla na lang nagbukas ang front door at niluwa no'n ang kanina ko pa hinahanap. Nakalugay ang lampas balikat niyang buhok. Hindi tulad ng mga kababayan niya, maitim ang tuwid na tuwid niyang buhok. Pagkamano sa tiyahin, tumuloy na ito sa likuran ng cash register.

"Hoy! Matunaw ang puwet niya!"

Tiningnan ko nang masama si Akio. Lalo itong tumawa.

"Grabe ka kasi makatingin sa pang-upo ni Ferruru-sensei. Kulang na lang ay hubaran mo na ang tao. Itago mo naman nang kaunti ang pagnanasa mo!"

Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Sumigaw ang hudas. Napatingin sa amin si Filipa. Nang magtama ang aming mga mata, I felt weird. Bigla akong naalinsangan sa paligid. Dapat nga nilalamig ako dahil bumaba na ang temperatura. Halos nine degrees na lang kahit autumn pa lang. Tsaka ni hindi pa gumagamit ng heater sa loob ng mise si Chayong-san. Pwede pa raw kasing tiisin ang lamig.

"Daijoubu desu ka? (Okay lang ba kayo?)" tanong sa amin ng malanding babae. Iyong laging lapit nang lapit sa amin kahit na pinapakitaan ko ng hindi maganda.

"We're fine," sagot ko sa malamig na boses sabay sulyap kay Filipa. Busy na siya sa pakikipag-usap sa iba pang Pinay na nandoon. Nainis ako. Heto't kandahaba ang leeg ko sa katitingin sa kanya, ni hindi man lang ako pinapansin ng bwisit. Ang nakakainis pa, tinatakpan ng malanding babae ang line of vision ko. Hindi ko tuloy makitang mabuti ang letseng babeng iyon.

"O, sa'n ka pupunta?" tanong ni Akio. Bigla na lang kasi akong tumayo.

Hindi na ako sumagot. Dumeretso na ako sa CR. Biglang umiba ang timpla ko nang makapasok sa loob. Pakiramdam ko naligaw ako sa pambabaeng toilet. Paano ba naman, puro pink ang paligid at ang bango. Tsinek ko nga uli ang signage sa labas. Nasa tamang CR naman ako.

Naghuhugas na ako ng kamay sa lababo nang biglang may sumigaw. Paglingon ko nakita ko si Filipa. Tila kagagaling lang din sa isa sa mga cubicles doon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" naiinis niyang tanong sa akin.

"Alangan namang kumain. Ano kaya sa tingin mo?"

"In the ladies' room?!"

Nangunot ang noo ko. Ano ang pinagsasabi ng babaeng ito? Napatingingin ako sa kabuuan ng paligid. Bukod sa kulay rosas ang dingding, may kung anu-ano pang abubot na nakalagay sa dingding na pambabae. At nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng shelf na mayroong napkins at tampons. Bigla akong napalabas ng pintuan at tiningnan for the nth time ang signage na nakadikit sa tabi ng pintuan. Gano'n din ang ginawa ni Filipa kaya nagbanggaan ang mga katawan namin. Nasagi nang bahagya ng siko ko ang malambot niyang dibdib. Lalo akong nag-init. Pero bago ko mabigyang-pansin ang nararamdaman halos maiyak sa frustration si Filipa. Nang mapatingin ako sa sanhi ng inis niya napangiti ako.

"See? Ako ang tama. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo sa loob?" Nakahalukipkip na ako sa kanya ngayon. I was all smiles.

"O, ano'ng nangyayari rito?" tanong ni Chayong-san. Nasa harapan na namin ito. Narinig siguro ang sigaw ng maarte niyang pamangkin. Ang sama agad ng tingin niya sa akin. Pinagdudahan pa yata ako.

"Wala akong ginawa sa pamangkin n'yo. Siya nga sana ang may balak." Napamulagat sa narinig si Filipa. Pinandilatan niya ako.

"Dream on! Ang assuming nito!"

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon