"Fine! Sungit. Sabihin mo na lang sakin kung ano yung napifeel mo everytime he's around?"

Tiningnan ko muna siya ng masama pero hindi siya natinag kaya napapikit na lang ako. Saglit munang katahimik bago ako nakapagdesisyon na magsalita. Tutal, nabuking na rin naman ako, itotodo ko na.

"Para akong palaging aatakihin sa puso," umpisa ko.

Narinig ko na naman siyang umirit, nakakaririndi! Kaya hindi ko na tinuloy pero hinampas niya ko sa braso at pwersahang pinatuloy yung kwento. Tsk.

"Gusto kitang sabunutan"

"Ako? Why me?" kunot noong tanong ni Yanna.

Tumingin ako sa kanya ng walang ekspresyon. "Tanungin mo sarili mo," sagot ko saka pumikit ulit.

I heard her laughed. Baliw na talaga tong isang to. Hindi na 'ko magugulat isang araw, sa mental hospital ko na to bibisitahin kasama yung jowa niya.

"Nainis ka sakin kasi akala mo talaga nagswitch na 'ko ng OTP?" tuwang-tuwa na tanong nito. "Now I get it kaya pala lagi kang nagwowalk out!"

"Manahimik ka na nga!" saway ko.

"No! I won't shut up. Ano pa? I want to know everything Pam!"

"Tss. Wala na!"

"Hindi ako naniniwala. Hhm, hulaan ko.. Gusto mo ring sabunutan si Ashley, right?"

Hindi ako sumagot. Obviously, gustong gusto ko kaya nga mas pinipili ko na lang na lumayo kesa manakit. Hindi ako napatol sa babae.
"Silence means yes! And eto pa. Gusto mo ring saktan si Trystan kasi akala mo member siya ng mga lalaking paasa at two-timer!"

Tumpak. Tsk! Isang malaking paasa  naman talaga ang lalaking yun kaya kahit alam ko na ang lahat, gusto ko pa rin siyang saktan. Nakakagigil!

"Silence means yes again! Best friend, it's confirmed. You really like him!" announced nito na para bang hindi ko alam.

Kung alam niya lang, baka hindi lang ganyan reaksyon niya.

Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Bahala siya diyan basta ako, medyo gumaan na yung pakiramdam ko kasi nashare ko na yung deepest and darkest secret ko kahit slight lang sa katotohanan.

Nahiga na rin siya sa tabi ko at tahimik lang kami hanggang sa magsalita ulit siya.

"Hindi talaga kaya ng bibig mong hindi bubuka no?" sarcastic na tanong ko.

Hinampas niya ko sa braso kaya sinamaan ko siyang tingin.

"Do you think magiging friends kayo ni Ashley?" tanong nito.

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi sumagi sa isip ko yun dahil wala naman akong balak magwelcome ng bagong kaibigan. Masakit na nga sa ulo yung apat, iisipin ko pa bang magdagdag? No, thanks.

"Hindi ko na kailangan ng bago," diretsong sagot ko.

"Who knows?"

Umiling ako. Sabagay, yung tatlong mokong nga pinagpilitan sarili nila e. Pero duda ako kay Ashley.

"What if, sabihin ko sayong.. same kayo ng slight lang?"

Napatingin ako bigla sa kanya ng nagtataka. "Imposible. Hindi ako naniniwala," sabi ko.

Nginitian niya ko. "It's true! I've talked to her many times na and I was really surprised na hindi talaga siya ganun kamaldita. She's more like a serious type or she'd just changed. I don't know"

Umiling ako. Hindi ko naman siya kilala kaya ayoko na lang ako magreact. Hindi naman ako judgemental, medyo lang. Saka wala din naman akong alam sa totoong relasyon nila. Kainis lang, ang lakas magdemand ng hampaslupang apa na yun pero hindi naman siya nagpapaliwanag! Tss.

Good To YouWhere stories live. Discover now