Bigla akong nailang pero hindi ko pinahalata. Malala na talaga ang tama ko sa isang to. Hindi naman ako marunong mailang kahit kanino dahil wala naman akong pakialam sa itsura ko at sa iniisip nila tungkpl sakin tapos ngayon dahil lang sa ngising aso ng isang hampaslupang apa, nagkakaganito na ko?! Hindi 'to maaari!

Kailangan kong bumalik sa dati. Ayoko nito. Nabasa ko na to sa mga libro e, ganitong ganito yun. Yun bang maiinlove yung babae tapos malalaman ni lalaki tapos liligawan, magiging sila pero sa huli magsasawa si lalaki kaya maghahanap ng iba, ang ending, iiyak si babae, hahabol, at magpapakatanga para lang bumalik si lalaki. Tapos babalik si lalaki para saktan ulit siya kasi nga hindi aiya makuntento and iikot lang ulit yung kwento. Tss.

Hindi mangyayari sakin yon.

"Anong iniisip mo?" biglang nagsalita si Cone kaya medyo nagulat ako.

Tinitigan ko siya ng matagal hanggang sa mapansin kong ang laki na naman ng ngiti niya na halos mapunit na yung labi niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin na parang wala lang. Kingina, masyado na yata akong obvious.

"Naiinlove ka na sakin no?" sabi nito. "Gwapo ko, right? At hindi lang yun.. May balls pa,” dagdag nito na mukhang tuwang-tuwa.

Sinamaan ko siya ng tingin nung bigla siyang tumawa ng malakas. Ang saya niya rin e. Ang sarap salaksakan ng tinidor sa lalamunan. Umiling na lang ako at inisip na hindi ko siya kilala at nakikishare lang siya ng table sakin.

Nakarating kami sa bahay na bwisit na bwisit ako dahil sa saraulo yung kasama ko. Hindi niya kasi ako tinantanan, lintik lang. Bakit ba sa dinami-rami ng lalaking magugustuhan ko, siya pa?! Isang hampaslupang apa na walang ginawa kundi inisin ako bawat segundo. Naniniwala na 'ko na love is blind. Nyemas.

"Pam!" sigaw ni Yanna na sumalubong samin.

Isa pa 'to. Nakakadrain talaga ng energy kapag kasama sila. Masyado silang hyper at pakielemero sa buhay ng may buhay. Napabuntong hininga na lang ako saka ko sila nilagpasan. Aakyat na sana ako ng hagdan nung may biglang humila sa braso ko at dinala ako sa sala.

"Ano ba?! Kanina ka pa ah!" I hissed.

"Hindi ka makakatakas, hindi pa tayo tapos," sabi ni Cone saka naupo sa tabi ko at hinawakan yung kamay ko at walang balak na pakawalan ako.

"Bitiwan mo 'ko!"

"Ayoko"

"Bitaw sabi!"

Tumingin siya sakin saka umiling at mas hinigpitan yung hawak sa kamay ko. Hahampasin ko na sana siya kaya lang biglang nagsalita si Yanna.

"Kayo na?!" excited na tanong nito at may pagningning pa ng mga mata.

I glared at her pero mas lalo lang lumaki yung ngiti niya at mas lalo akong nabadtrip. Balingbing din tong isang to e. Bakit siya natutuwa ngayon kung si Ashley yung gusto niya para sa pinsan niya?

"Explain," sabi ni Cone.

Kumunot yung noo ko at napalingon ako sa kanya. Seryoso na ngayon yung itsura niya at parang anytime, sasakalin niya si Yanna. Magpinsan nga sila, parehong may sira sa ulo.

"What are you talking about?" inosente tanong ni Yanna pero halatang nagpapatay malisya lang dahil sa abot tengang ngiti niya.

"You know what im talking about Yanna. Explain why did you fed her with lies?"

"Lies?" nagtatakang tanong ko habang tinuturo ko ang sarili ko.

Hindi ko sila maintindihan. Pinaka ayoko sa lahat yung nagsisinungaling kaya kung nabanggit niya yung 'lies', kailangan ko ng malaman kung ano yun.

Good To YouWhere stories live. Discover now