CHAPTER 23: Late Night Movie Watching

Magsimula sa umpisa
                                    

“Medyo gutom na ako, e. May pagkain ka ba dyan?” binigyan ako ng baso ng tubig ni Tyrone tapos naglakad palabas ng kitchen, sa way ng room niya.

“Maghanap ka na lang. I’ll go take a shower first.” Sabi niya. Automatically, napalunok ako nung ma-imagine ko si Tyrone habang…. Hihihi, nasa shower. Eneeebeeh!!!~ (*///////*) Wala akong ini-imagine na iba noh! Promise! Hindi ko naiisip yung katawan niya habang tumutulo ang patak ng tubig… asdfghjkl. OMAYGAD! Ano bang iniisip ko!!? Nababaliw na ako! (>////<)

At bago pa kung sana makarating ang wild imagination ko, (oo inaamin ko na, nag-iimagine ako, masisisi niyo ba ako? He’s Tyrone! Halerrr?) eh uminom ako ng tubig at pumunta sa refrigerator ni Tyrone. Tama, tama. Mag-hahanap ako ng pagkain! Lalala~

“Hmm… gusto ko bang mag-dinner? Kaya lang halos 11PM na, di na ako matutunawan…” kausap ko sarili ko habang dinismiss na ang idea na magluluto ako ng kahit anong madaling lutuin na ulam. Mukhang wala rin namang kanin dito e.

“Ito na nga lang…” sabi ko tapos isa-isang kinuha yung mga chips na nagustuhan ko sa fridge ni Tyrone. Ito rin yung mga dinala kong groceries for him last time.

Nilagay ko muna yung mga chips sa mesa tapos naglabas ng tatlong coke-in-cans at beer. Hehe. Binuhat ko na yung chips at sodas na halos maghulugan na sa braso ko. Dinala ko yun sa living room. Kinalat sa center table at hinanap yung remote control nung flat screen TV.

Nag-umpisa na akong maghanap ng magandang mapanuoran. I’m not interested sa mga late night telenovela shows kasi hindi ko naman nasubaybayan. Nilagpasan ko rin yung mga cartoons, etc. Nag-stay ako ng ilang minutes sa MYX channel kasi “Don’t Know What To Do” yung pinapatugtog nila. Haaaayyy~ Tyrone sang that to me the night we decided to go steady. Hihihihi.

“Yun sakto. Ano kayang next movie?” magpe-play pa lang ng bagong movie ang HBO kaya naman inabangan ko habang nagdadasal na sana maganda naman yung sunod na movie.

“Yesss!! It’s movie time!! (^__^)” excited kong sabi kasi dininig naman ang prayer ko. “The Vow” yung palabas, movie starring Channing Tatum and Rachel McAdams. This would be my second time to watch this movie.

“Parang ang saya mo ha?” lumabas na si Tyrone ng kwarto niya. Nakasuot na sya ng pantulog. Black pajama, black long sleeve. He’s currently drying his wet hair. Ang lamig lamig nga dito sa apartment niya, naligo pa talaga sya.

“Yup. Tyrone, samahan mo ako manuod, start pa lang!!” tapos hinila ko sya sa may couch, ako kasi nakaupo sa may lapag, may carpet naman so it’s okay. Binuksan ko yung unang chichirya na naabot ng kamay ko at tinuon na ang atensyon sa movie.

“Yan na yung kakainin mo? Pwede kitang ipagluto kung gutom ka.” Sabi ni Tyrone, nag-aalala yung boses niya. Patayo na dapat sya pero pinigilan ko sya.

“Di, wag na. Dito ka lang, nood tayong movie.” Sabi ko, my eyes still glued on the television. Wala naman syang nagawa kundi bumalik sa pwesto niya sa couch.

“Are you going to finish the movie then go home?” tanong ni Tyrone. He’s not into the movie yet… he sounds impatient.

“Yeah, I’m going to finish the movie. And no, I’m not going home.” I answered him, tuloy ang kain at panunuod. He instantly moved from his seat to look at me if I’m serious.

“Seryoso ka? You’re staying for the night?” tanong niya. His voice was low. Napatingin ako saglit sa kanya dahil dun. I grabbed the coke and gulped down, trying to shake the not-so-good thoughts na dala ni Tyrone.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon