The Revelation

5.3K 91 1
                                    

Sandy was still waiting for terrence to come home. Mag eeleven na pero wala pa rin ito samantalang ang paalam nito kanina ay sandali lamang ito, nag aalala tuloy si Sandy. Baka kung ano na nangyari dun, asan na ba siya? Gabing-gabi na. Palakad-lakad ito sa verandah at panay ang tawag niya sa cellphone nito pero laging out of coverage.

"Sandy anak, magtigil ka nga sa kakaikot aba'y ako ang nahihilo sayo eh," sabi ni manang rosing ang kasama niya sa verandah habang hinihintay si Terrence.

"Paxenxa na po, paano po eh nag aalala na ko kay Terrence. Ang paalam niya po kasi ay saglit lang siya," mababakas ang pag aalala sa mukha nito.

"Kuu, baka natraffic lang yun o di kaya ay may kakilala na inaya kumain."

"Edi sana ho tumawag o nagtext man lang siya para hindi ho ako mag alala."

"Wag ka na mag alala, kilala ko si terrence kaya niya ang sarili niya. Ang mabuti pa ay dun ka nalang sa salas mag-antay, manuod ka para naman malibang ka, hindi mo namamalayan nakauwi na pala siya."

"Sige ho," 

Pumunta ng salas sina Sandy at Manang rosing. Doon ay nagkwentuhan sila at nanuod ng palabas sa telebisyon. Maya-maya pa'y tumunog ang celphone nito.

"Oh terrence nasaan kana? Bakit ang tagal mo? Nag aalala na kami sayo ay hindi pala...ako lang pala," sunod sunod na tanong nito.

"Huwag mo na kung hintayin Sandy, matulog kana--sige ibaba ko na,"

"Ay tek---" hindi na natuloy pa ni Sandy ang balak sabihin dahil naputol na agad ang linya. "Ba't binaba niya agad?"

"Baka naman may kausap siyang tauhan sandy," sagot ni Manang rosing.

"Nang ganitong oras ho?"

"Eh anong malay mo."

"Hindi man lang binanggit yung tungkol sa ibibigay niya sakin."

"Baka naman gusto ka niyang isurpresa!"

"Ganoon po ba yun?"

" Anong malay natin pakulo lang pala yun ni Terrence, pero ang totoo may binabalak pala siya sayo."

Napaisip si Sandy. Oo nga nuh baka nga may surprise siya sakin bukas. Ayyy exciting, my god baka di na ko makatulog. "Ah sige ho, manang rosing matulog na ho tayo baka nga ho may surprise siya sakin bukas."

Excited na umakyat si Sandy sa kwarto at nahiga. Samantalang si Terrence naman ay nasa isang hotel at may kinakausap na isang lalaki at nasa tabi nito ang isang magandang babae. 11o'clock na at sigurado akong nag alala ng husto si Sandy dahil ang sabi ko sakanya saglit lang ako kaya nga nag excuse muna ako sa kausap ko at tinawagan siya.

"It's getting late sa tingin ko kailangan na nating magpahinga, pag isipan mo ng mabuti or maybe we can discuss it with your family so we can do much better. What do you think Terrence?" tanong ng kausap ni Terrence, medyo nagulat pa siya nang magsalita ito.

Arrogant Boss Sweet HusbandWhere stories live. Discover now