"Wait lang Baby, hinay-hinay lang nahihilo pa ako eh." Bigla naman siyang lumapit agad sakin, hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Ha? Bakit anong nangyari sa'yo? Gusto mong umuwi para makapagpahinga? Sorry Baby." napangiti naman ako at hinawakan ko siya sa pisngi.
"Okay na ako Lucas, nakapag-pahinga na ako sa loob, hinay-hinay ka lang, kasi baka mahilo nanaman ako." Ngumiti naman siya at inakbayan ako at naglakad ng sobrang bagal. Minsan talaga ang sweet ni Lucas, pero minsan ay OA din kung mag-isip.
"Baby, hindi ako imbalido, kaya kong sumakay sa kotse." Ngumiti ako sa kanya at lumipat na siya sa driver's side para buksan ang kotse. Sumakay na rin naman ako pagkatapos.
Nag-drive siya, pero hindi papunta sa restobar, at bigla siyang pumasok sa parking ng mall. "Baby anong ginagawa natin dito?" Ngumiti lang siya at hindi ako sinagot. Bumaba na kami ng sasakyan at inakbayan niya ako muli.
Maya-maya pa ay dinala niya ako sa restobar kung saan niya ako niligtas noon. "Baby Naalala mo pa 'to?" Ngumiti si Lucas at niyaya akong pumasok sa loob, agad naman kaming sinalubong ng may-ari ng restobar ganun pa rin ang itsura niya, parang walang pinagbago.
"Oh Lucky, at kasama mo pala ang girlfriend mo, hindi pa rin kayo kasal? Ang tagal niyo na ah." Nahiya naman ako bigla sa sinabi ng may-ari samin, at parang sinenyasan ni Lucas ang may-ari, pero baka imahinasyon ko lang at binalewala ko na. Dinala naman niya kami ni Lucas sa isang table at naupong magkatapat.
"Naalala mo ba kung anong araw ngayon Baby?" Nagtaka naman ako kung anong araw ang sinasabi niya, hindi ko naman maalala kung anong araw ngayon.
"Nitong araw na 'to six years ago, nandoon ka sa bench na yon." Tinuro niya yung bench sa hindi kalayuan. "At nandoon naman ako sa stage na yan kumakanta. Nakalimutan mo na?"
"Ah, yung araw kung kealan kita nakilala talaga?" Pagbibiro ko sa kanya, pero mukhang hindi niya ito nagustuhan.
"Hindi, ito yung araw ng pinaka-una nating date. Pa'no mo naman nakalimutan yun." nanlumo naman siya bigla, ako naman naguilty sa ginawa ko at hinawakan ko ang kamay niya na nasa tapat ko, hinawakan ko ng mahigpit.
"Syempre naalala ko, Paano ko makakalimutan yun? nung sumigaw ka pa nga ng 'Hoy! Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?!' Tapos nung kumanta pa tayo nang makasama sa stage na yan. Yung araw na unang beses mo akong nakita na umiyak. Yung araw na nahiya ako kasi kumulo yung tiyan ko nung tinanong mo kung gutom ako, syempre namanLucas, paano ko naman makakalimutan?" Sa wakas ay bumalik ang ngiti niya sa mukha niyang hindi ako magsasawang tignan.
"Wag kang madaya, naatat tuloy akong sabihin sa'yo." Nagpapa-cute nanaman siya, at 'di mapakali.
"Ano ba kasi yung gusto mong sabihin?" Kasi ako may gusto rin akong sabihin sa'yo.
"Mamaya na, kumain muna tayo okay?" Ngumiti siya muli. dumating naman ang may-ari na personal na nagdala samin ng order namin.
"Thank you po." Sabi ko sa kanya.
"Nako wala yun, ako naman pumilit kay Lucky na bisitahin ako dito eh, pa'no lagi na lang din siyang busy sa sarili niyang restobar." Ngiting sinabi ng may-ari samin at iniwan na kami, pero bago siya umalis ay may binulong siya kay Lucas.
Habang kumakain kaming dalawa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na i-open up ang topic tungkol sa baby. "Lucas may gusto din sana akong sabihin sa'yo." Nagtataka naman si Lucas, at bakas sa mukha niya ang pagka-curious sa bigla kong sinabi.
"Ano naman yun Baby?" Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Pwede sabay na lang tayo mamaya?" Tinitigan niya muna ako ng matagal, siguro ay hinuhulaan niya kung ano ang sasabihin ko.
ESTÁS LEYENDO
Outbox (ONE-SHOT)
RomanceMay mga bagay na hindi ko kayang sabihin. Natatakot akong malaman mo, pero mukhang huli na pala ako. Sa pagkakataong ito hindi ito natapos sa "Sent to Outbox" - Outbox © By: Seydeefied 2014
Outbox Special Chapter: Towards Happily Ever After
Comenzar desde el principio
