Gospel Reflection - We Move Forward!

14 0 0
                                    

Lahat tayo'y may problema. Matakot ka kapag wala kang problema. Baka baliw ka na. O baka parang patay ka na.

Bahagi ng buhay natin ang mga pagsubok. Sa pamamagitan ng mga ito, nagiging matibay tayo sa buhay. Natututo tayong magtiis. Nagagawa nating makihati sa paghihirap na dinanas ni Hesus sa Kanyang pasyon para sa ating kaligtasan.

Pumapasok tayo ngayon sa isang bagong simula sa ating kalendaryong liturhikal. Ito'y isang bagong simula para sa mga Katoliko. Para sa ating mga Pilipinong Katoliko, inuumpisahan natin ang Taon ng Kleriko at mga Relihiyoso.

Maririnig natin sa mga simbahan ang ating kapanabikan sa pagdating ni Hesus. "Halina, Hesus, halina!" ang maririnig nating inaawit ng choirsa ating mga misa. 

Pinaghahandaan natin ang Pasko ng Pagsilang, ang pagdiriwang ng unang pagdating ng Salitang nagkatawang-tao. Gayundin naman, kinapapanabikan din natin ang muling pagbalik ng ating Panginoon sa huling araw. Habang nasa isip natin ang dalawang pangyayaring ito, pagnilayan natin sa ating mga sarili ang pag-ibig ng Diyos. Mag-focustayo kay Hesus na nagkaloob sa atin ng Kanyang selfless love.

Ipinapaalala sa atin ng ating Ebanghelyo ngayong Linggo na maging laging handa. Babalik si Hesus sa oras at araw na hindi natin inaasahan. 

Ito ang bagong simula. Iwanan na natin ang dati nating buhay ng kasalanan. We move forward. Tandaan nating minsang hinubad ng Salita ang lahat ng kaluwalhatian upang makipamayan sa mga katulad nating makasalanan. Isinilang si Kristo sa isang sabsaban. Isang abang pook para sa mga hayop. Ginawa Niya ang lahat ng ito para sa atin.

Nariyan pa rin ang problema. Imbis na panghinaan tayo ng loob. Tandaan nating lagi na kasama natin ang Diyos. Na hindi tayo nag-iisa sa ating pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

Sa Pangalan ni Hesus, kaya natin ang lahat ng ito. Kaya, keep moving forward. Kalimutan ang lumang makasalanang buhay. Maghanda sa pagdating ng ating Panginoon!

( Ito ay mula sa Katolikong blog na Sa Isa Pang Sulyap - http://saisapangsulyap.blogspot.com )

Unang Linggo ng Adbiyento - 03 Disyembre 2017Where stories live. Discover now