Chapter 5

274 8 0
                                    

Yunna’s POV

Dumaan kaming mall para makapagpalit ako ng damit. Pinili ko yung cute na dress may malaking ribbon sa likod tapos may kasama pang jacket, baka kasi lamigin ako medyo magagabi na. Siya lahat nagbayad tapos umalis na ulit kami este hinatak na naman niya ako.

After ng mahabang byahe eto kami ngayon.

Kadadarating lang namin ni Andrian sa isang nakapa-ingay na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako basta pagpasok namin dito, sinalubong agad siya ng madaming babae tapos natabunan na ako, madami na din kasing tao at medyo gabi na. Waaaaaaaa! Mawawala na ata ako tapos dito ako titira tapos alak nalang ang iinumin ko tapos madudurog na ang atay ko paano na ako niyan? TTOTT Ang ingay. Ang daming katawang gumigiling sa dance floor. Hindi kaya party to? Isang birthday party? ^O^ Sasali ako!!!!! Pumunta akong dance floor tapos sumayaw ako ng chicken dance. Ito kasi ang sinasayaw ko kapag may party sa bahay tapos tuwang tuwa sila at ang cute ko daw. Sayaw sayaw. Lalalala napatigil ako noong mapansin kong lahat sila nakatingin sa na para na akong nababaliw @____@

“Hahahahahahaha what do you think you are doing Miss?” Tanong ng isang lalaking hindi ko kilala. Mukha siyang pokemon na pinigilang mag-evolve.

“Bulag ka ba?” Nagtatakang tanong ko.

“No? Bakit?” nakangising sagot niya.

“Good” tapos sasayaw  nalang sana ulit ako ng biglang hinawakan niya ako sa braso.

“Ang bastos mo Miss ah.”

“………” Hindi ako nagsasalita nakatingin lang ako sa kanya hindi ko kasi alam kung bakit ako naging bastos. Nagtanong kasi siya kung ano ang ginagawa ko, malamang sumasayaw kaya tinanong ko siya kung bulag ba siya dahil baka hindi niya ako nakita. Anong bastos sa ginawa ko?

“Ayaw  mong sumagot? Maganda ka. Pwede kitang pangpainit ng gabi.” Sabay ngiting manyak. >O<

“ Kung pang painit lang pala ang gusto mo po kuya. Mag init kana lang po ng tubig tapos buhos mo po sayo.  Kung hindi ka pa kontento, bibilihan kita ng human size na oven at dun kita ipapasok paramatusta ka na po. Para mas magiging mainit ang gabi mo po. ” nakangiting sabi ko pero lalong nalukot ang mukha niya. katakot. Masama bang magsuggest? Ayaw kong ihawin niya ako o kaya gawing panggatong para lang uminit ang gabi niya. Mukha ba akong kahoy? Uling? nagulat ako noong bigla niya akong itulak. Napapikit nalang ako at hinihintay na bumagsak sa sahig pero ilang minute na akong nakapikit hindi pa rin ako bumabagsak. Hindi kaya tumigil ang oras? My gahd! Ano--

“What the fuck you’re doing to my date nigga?” Minulat ko ang mata ko at at.. at.. ang galing *O* sinalo niya ako tapos isang kamay lang ang gamit tapos ang isang kamay niya ay nasa collar ng pokemong hindi nagevolve. Nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa pokemon. Ang cool!!!!

“B-bastos yang kadate mo K-king e! T-tinatanong ng maayos, p-pabalang sumagot King!”Hala may sakit ata ang pokemon bakit siya nauutal.

“Who told you to answer my question?”

“P-pero kasalanan naman niya! Pwede bang bitiwan muna ako.”

“Are you instructing me for what the fuck I’m going to do right now?”

“N-no K-king I’m sorry just let me go.” Nauutal niya pa ding sabi tapos yumuko. Pero isang iglap nakita ko na siyang nakahiga sa sahig habang hawak hawak ang pumutok na labi. Ang galing! Magic! *O*

That Bitch Is My Property - ON HOLDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora