11.Date with Xiumin

387 57 13
                                    

Wush! I’m back again xD Isa nanaman po itong nakakakilig na chapter so mag ingat na po kayo sa langgam na tatabi sa inyo xD.

--

Makalipas ang isang linggo magaling na rin si Xiumin. Pero ang loko nagpapa akay pa rin siya sa akin at ako naman tong si hindi mauto ay hinahayaan ko lang siya, syempre noh baka mamaya mang asar nanaman tong si Kai.

At ngayon andito siya sa kwarto namin ni Baekhyun nang-gugulo

“Soeun wag kang makulit” sabi niya kinukulit ko kasi habang naglalaro sa phone ko paano ba naman kasi nabeat na niya yung score ko sa Flappy Bird xD

Alam niyo naman ako hindi ako nagpapatalo xD

“Ang daya mo” sabi ko at tinatry kong kunin yung phone ko sa kanya –kundi lang to gwapo baka mamaya natulak ko na to sa baba ng kama xD

“Wag kang makulit pag tayo nalaglag ditong dalawa” sabi niya at nag focus ulit sa paglalaro –daya talaga neto kahit kalian xD

“Baekhyun oppa oh” pag sumbong ko kay Baekhyun

“Alam niyo para kayong mag couple ang cute niyong panoorin” sabi ni Baekhyun at nag fanboy na rin –grabe talaga ang virus ni Kai xD

“Oh ayan 97 yung score ko talunin mo yan ah” sabi niya sa akin at pinat ako sa ulo ko –ay grabe hanggang 10 nga lang yung score ko eh xD

“Ang daya” sabi ko at nag pout, nag focus na lang ako sa paglalaro –Kailangan kong mabeat si Xiumin sa high score niya T___________T

“Kaya mo yan” sabi niya at humiga –yabang talaga neto kahit kalian xD

“Yabang mo talaga” hinding nakatingin na sabi ko sa kanya –mahirap na noh baka matalo pa ako eh xD

Tumawa lang ang loko

“Kaya mo yan Jagiya” pag cheer niya sa akin at nag wink

“Aish natalo ako” sabi ko at hinampas siya sa braso –nakakainis 49 lang yung score ko T__T

“Ok lang yan” sabay himas niya ng braso niya kung saan ko siya hinampas. Namula ata XD

“Ang sweet niyo talaga” singit ni Baekhyun habang kinikilig.

“Ganun talaga” sabi ni Xiumin kay Baekhyun –ang lakas talaga ng virus nung apat na bakla xDD pati si Baekhyun nahawa na xD

“Tara date tayo” sabay hila ni Xiumin sa akin palabas ng kwarto –oh nice xD

So ayun nga bumaba kami ng hagdan, nagpaalam siya kay Suho at Kyungsoo and after that sinabihan niya ako na magbihis

“Halika dito aayusan kita ng kaunti” sabi ni Baekhyun at pinaupo ako sa harap ng salamin

“Kaya mo ba?” tanong ko sa kanya –mahirap na noh baka mamaya gawin akong clown neto xD pero mat tiwala naman ako kay Baekhyun

“Oo naman ako pa” sagot niya –tiwala naman ako kay Baekhyun eh haha xD. So ayun nilagyan niya lang ako ng light make up at eyeliner.

Pagkatapos sabay kaming bumaba ni Baekhyun. Oh em gee bakit ba ang gwapo ni Xiumin? T__________________T

Bias wrecker ka talaga kahit kailan.  xD

“Let’s go” salubong ni Xiumin sa akin at hinawakan yung kamay ko. Oh em gee gusto ko ng mahimatay ngayon. xD K.dot!

“Good luck sa inyo ahihihi” malanding sabi ni Baekhyun sa amin –shems bagay sa kanya xD haha

“Ingatan mo yan ha” bilin ni Kai sa kanya –at yung isa nagtatampo nanaman and nagseselos kasi naunahan nanaman siya ni Xiumin

“Oo naman” sabi ni Xiumin sabay tap sa balikat ni Kai

So ito na nga pumunta kami ng park. Kung saan ako dinala ni Chanyeol noon.Pero sa ibang pwesto naman. Naupo kami sa ilalim ng puno sabi ni Xiumin papanoorin daw naming lumubog yung araw.

“Ilang minutes na lang” sabi niya –totoo nga ilang minutes na lang me is excited xD

Naramdaman ko na hinawakan ni Xiumin yung kamay ko. >////< Tumingin ako sa kanya at siya naman nakatingin sa may ulap. Oh bish kinikilig ako xD

Natapos na namin panoorin ang paglubog ng araw ng yayain niya akong kumain.

--

Nakarating kami ng restaurant nag order na siya kaagad. Nagkwentuhan lang kami ng mga random stuff. And then balik nanaman sa park.

“Shooting star oh tara let’s make a wish” excited niyang sabi sa akin

Kaya ako pumikit at nag wish “Sana mahanap ko na ang real love life ko” sabi ko sa isip ko at ng pagdilat ko nakatingin sa akin si Xiumin habang nakangiti

“Di ka nag wish?” tanong ko sa kanya

“Bakit pa ako mag wiwish kung ang wish ko ay nakakasama ko na” sagot niya sa akin sabay higa sa damuhan

Luh agad naman namula yung mukha ko sa sinabi niya. Leshe ka talaga Xiumin kahit kailan xD

>////////////////////<

“Namumula ka” sabi niya sabay hawak sa mukha ko –ikaw kasi eh ang lakas mong magpakilig >//<

Nilapit ni Xiumin yung mukha at pinikit niya yung mata niya so ganun din ako maya maya naramdaman ko na yung lips niya sa akin pagsabay nun ang mga fireworks

>///////////////////< -ganito yung mukha namin ni Xiumin oh

“Tara na” pag yaya ni Xiumin sa akin at tinulungan akong tumayo

“Gabi na masyado” sabi ko

Sabay na kami pumunta sa van

“Ladies first” sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto

“Thanks” sabi ko –umupo naman siya sa tabi ko. Ok nagwawala nanaman tong feels ko xD

“Welcome” sabi niya at nag aegyo sa akin –waaahhh! Ang kyut niya talaga! Bias Wrecker ka talaga Xiumin kahit kailan xD

Tahimik lang kami sa loob ng van. Napaka AWKWARD nanaman ng atmosphere namin >//< Ish naalala ko tuloy yung kiniss ako ni Xiumin >////////////////<

Naramdaman ko na hinawakan ni Xiumin ang kamay ko at pinatong yung ulo niya sa balikat ko nung pagtingin ko nakatulog na siya.

--

“Soeun” pag gising sa akin ni Xiumin –ano ba yan? Natutulog yung tao eh -___- nakaka asar ang ganda ganda na ng panaginip ko eh xD

“Ano ba yun?” tanong ko sa kanya at kinusot kusot yung mata ko –kasi naman eh panira si Xiumin ng tulog

“Andito na tayo” sagot niya habang pinaglalaruan yung buhok ko –and oo nga andito na pala kami sa labas ng bahay

Nauna ng lumabas si Xiumin at inalalayan ako pagbaba ng van sabay na rin kaming pumasok sa loob ng bahay.

And tulog na silang lahat

“Good Night” sabi niya sa akin sabay halik sa forehead ko.

“Good Night din” sabi ko at kiniss ko siya sa cheek

Pumasok na ako ng kwarto ganun din naman siya. Nung pagpasok ko ng kwarto himbing na himbing matulog si Baekhyun.

So ako pumunta na ng banyo para magbihis, mag toothbrush at mag hilamos.

--

Vote, Comment and Be a FAN

[Exo FF] 12 Handsome BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon