Part 12

31.8K 905 14
                                    

MATINIS na hagikgik ng isang batang babae ang gumising kay Choi. Hindi siya kumilos sa pagkakahiga at tumitig lang sa kisame. Patunay ang hagikgik na iyon na hindi panaginip lamang ang mga nangyari nang mga nakaraang araw. Talagang sumulpot sa buhay ni Choi ang anak na hindi niya alam na mayroon pala siya. And now, he had no choice but to keep her. At least, hanggang sa makita niya si Sheila. Kailangan nilang mag-usap ng babaeng iyon sa ayaw at sa gusto nito. Kailangang masiguro ni Choi na kukunin uli ni Sheila ang bata dahil sa totoo lang, hindi niya kayang karguhin nang matagal si Maja.

"Teka lang, huwag kang malikot nababasa rin ako."

Napabangon si Choi nang marinig ang natatawang tinig na iyon ng isang babae. Maiksing panahon pa lang silang nagkakakilala ngunit agad niyang nakilala ang nagmamay-ari niyon—si Lorie. Napalingon si Choi sa relong nasa bedside table niya. Alas-nuwebe pa lang ng umaga. Sanay si Choi na tulog pa nang ganoong oras dahil palaging hapon nagsisimula ang araw niya, maliban na lang kung may morning appointment siya.

Lalong lumakas ang hagikgik na nahaluan na ng tawa ni Lorie. Somehow, the sound they were making was quite enticing. Tuluyan nang bumangon si Choi at isinuot ang roba niya. Inayos na niya kahapon ang guest room para maging silid ni Maja kaya nagawa na niyang matulog na gaya ng nakasanayan niya—with nothing on.

Lumabas si Choi ng silid at hinanap ang pinanggagalingan ng tawanan. Agad siyang napatingin sa nakabukas na pinto ng guest room. Walang pag-aalinlangang pumasok roon si Choi at sinundan ang pinanggagalingan ng mga tinig. Nakarating siya sa bahagyang nakaawang na pinto ng banyo.

Hindi alam ni Choi kung ano ang unang pagtutuunan ng pansin. Si Maja na nakalublob sa bathtub habang humahagikgik na naglalaro ng bula o si Lorie na nakatuwad sa direksiyon niya habang abala sa pagpapaligo sa bata. Tila may sariling isip ang mga mata ni Choi na mas pinili ang huli. His gaze slid down from her shoulders, patungo sa makurbang katawan ng dalaga na ngayon lang niya natitigan nang malinaw dahil basa na rin si Lorie at humakab sa katawan ang suot nito. Palaging maluwag na blouse ang suot ni Lorie kaya hindi niya iyon napansin. His eyes went down to her round backside and lingered there as he felt his body tense with the gush of arousal.

Napaungol si Choi sa isip, napaderetso ng tayo at mabilis na inalis ang tingin kay Lorie. Itinutok na lang niya ang tingin sa bata na mukhang mas naunang mapansin ang presensiya niya kaysa kay Lorie. Lumawak ang ngiti ni Maja habang nakatingin sa kanya. "Daddy!" patiling bulalas ng bata.

Nabigla si Choi sa ginawang pagtawag sa kanya ni Maja. May init na bigla siyang naramdaman nang nginitian siya ng bata. Iba iyon sa alinsangang naramdaman ni Choi kani-kanina lang para sa babaeng ngayon ay lumingon na rin sa kanya. Muling bumalik kay Lorie ang mga mata niya. Napalunok si Choi nang agad na mapansing may nag-iba sa hitsura ng babae. Ah, it was her hair. Tuwid na tuwid na iyon at makintab. Nakalugay rin iyon at nakabagsak hanggang balikat ni Lorie na noon lang niya nakitang ginawa ng babae. Sa ilang beses na nakita ni Choi si Lorie ay palaging nakapusod ang buhok nito. And, was it only him or her brows were now properly shaped and trimmed? Or was it the fact that her wet blouse clung to her body, revealing her full breasts and curves?

Nagsalubong ang mga kilay ni Choi at hindi naiwasang murahin ang sarili sa isip. Seriously, he should have followed JT's suggestion to get laid. Masyado na yata siyang matagal na walang sexual activity kaya kahit ang isang babaeng halata namang walang interes sa kanya at hindi rin naman niya pag-iinteresan sa mas normal na pagkakataon ay nagpapaalerto sa kanya.

"Good morning, Sir," nakangiting bati ni Lorie sa kanya. May kung ano sa matamis na ngiti at masiglang bati ng dalaga na nagdulot ng kung anong pagkakagulo sa sikmura ni Choi. Kung bakit at kung ano iyon ay hindi alam ni Choi.

"'Morning," sabi rin ni Maja.

Kumunot ang noo ni Choi at pilit kinalma ang sarili. Nakahinga siya nang maluwag nang magtagumpay siya. "Masyado yata kayong masigla? Especially that brat na kahapon lang ay mas malakas pa sa alarm clock ang pag-iyak na nagpagising sa akin," wika ni Choi sa halip na gumanti ng bati.

Bahagyang natawa si Lorie at bumalik ang tingin sa batang halatang tuwang-tuwa sa bath tub. "Umiiyak siya noon kasi nga hindi siya kumportable dahil basa siya noong naihi siya sa pagtulog at hindi agad napalitan ng damit."

"So she didn't wet the bed today?"

Tumingin uli sa kanya si Lorie at ngumiti nang mas maluwang. "Ang totoo naihi siya uli. Normal lang iyon sa edad niya. Kaya ngayong araw dapat mabilhan siya ng diapers na dapat mong isuot sa kanya sa gabi. Pagkatapos dapat bago siya matulog siguruhin mong nakapagbanyo siya," paliwanag ni Lorie. Nang hindi sumagot si Choi ay tumingin uli ang babae sa bata. "Okay, Maja, tama na 'yan. Magagalit si Daddy kapag nagtagal ka pa sa paliligo," kausap ni Lorie sa bata na agad namang tumayo upang mabanlawan ni Lorie at mabalot ng malaking tuwalya. Pagkatapos ay binuhat ng babae si Maja at tuluyan nang humarap kay Choi dahil nakaharang siya sa pinto.

"So, ikaw ang nagturo sa kanya na tawagin ako ng ganyan," puna ni Choi sa halip na bigyang-pansin ang kakaibang pakiramdam sa sikmura niya sa paraan ng pagkakasabi ni Lorie niyon sa bata. It was as if.... they were a couple or something. Itinutok ni Choi ang buong atensiyon kay Lorie kaysa sa naglalaro sa isip niya. Hindi niya matanggap na sumasagi sa isip niya ang bagay na iyon. She was just the babysitter for God's sake.

Nakita ni Choi na natigilan si Lorie at tumango. "Bakit ayaw mo ba ng ganoong tawag? Ano ba ang gusto mo, 'Papa?' Puwede ko pa siyang itama," sabi ng babae. Napatitig siya rito. Bahagyang namilog ang mga mata ni Lorie. "O ayaw mong tawagin ka niya ng kahit na ano? Hindi mo ba tanggap na anak mo siya? Hindi ko alam ang sitwasyon ninyo ng ina ng batang ito pero wala siyang kinalaman doon. Isa pa, kung hindi pa sapat sa 'yo ang birth certificate at sulat para maniwala kang anak mo siya, titigan mo siya. Magkamukhang-magkamukha kaya kayo," litanya ni Lorie.

Naningkit ang mga mata ni Choi at napaismid. "You talk too much for a babysitter," inis na sagot niya at tumalikod na.

Inis pa ring lumabas si Choi ng guest room at hinayaan na lamang ang dalawa roon. Walang alam si Lorie tungkol sa kanya at lalong hindi siya nito maiintindihan. For heaven's sake, he was just twenty-eight. He was rich, good-looking, and a certified bachelor at wala pa siyang balak mabago iyon. Masaya si Choi sa kalayaan niya. Masaya siya sa lifestyle niya. Ang bata ay bunga lamang ng kapusukan at katangahan niya nang ipagkatiwala niya sa isang babae ang pag-iingat. Wala pa sa isip ni Choi ang magkaroon ng anak sa edad niya. It didn't fit him, much less his lifestyle. Isa pa ay malaking eskandalo kapag lumabas ang pagkakaroon niya ng anak. Lagot si Choi sa mga magulang niya kapag nangyari iyon.

So he only had one choice. Kailangan ibalik ni Choi kay Sheila si Maja bago pa madiskubre ng media ang bata at bago pa dumating ang mga magulang niya mula sa bakasyon ng mga ito. He knew he was never going to be a good father to Maja. Kaya mas mabuti pa na kay Sheila na lang si Maja. Hindi papayag si Choi na ibato sa kanya ni Sheila ang responsibilidad na kung tutuusin ay ang babae naman talaga ang may kasalanan.

Na-distract uli si Choi nang marinig ang hagikgik ni Maja. Muling napabalik ang tingin niya sa dalawang babae. He felt the familiar tug in his gut as he stared at them. Sa pagkakataong iyon ay mas matagal na nanatili ang mga mata niya kay Lorie na may masuyong ngiti habang binibihisan si Maja. Mas magiging mabuti ang kalagayan ng bata kung mapupunta sa isang gaya ni Lorie na maalaga, at hindi si Choi iyon. The tug become stronger and he had to shake his head to shake it off.

"Mamaya bibilhan kita ng diapers para hindi mo na nababasa ang bedsheet. Magagalit na ang daddy mo kapag pumanghi dito," kausap ni Lorie sa bata.

Natigilan si Choi at saglit na napaisip, pagkatapos ay mabilis na bumalik sa silid niya at nagbihis.

The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTERWhere stories live. Discover now