(Wew. Nice joke. Anyway!)

Kaye pouted. "Akala ko nakalimot na ang isa d'yan."

Tumikhim siya. "Paano. . .Paano makakalimutan kung kahit saan, may guesting?"

"Ay, ganon? Napilitan?" Natawa si Kaye. "Pinipilit talaga mag-guest sa lahat para makita mo."

"Effective naman."

"Mukha nga, titig na titig ka sa mukha ko, eh. Na-miss mo?"

"Excuse me? Hi—"

Tumango si Kaye patungo sa direksyon ng cardboard face ni Kaye na kanina pa tinititigan ni Rayne. Sa totoo lang, hindi na malaman ni Rayne kung saan ba siya titingin. Sa malaking cardboard face ni Kaye na nakangiti sa kanya? O sa malapit na mukha ng real life Kaye na kaunti na lang, ay magpapa-heart attack sa kanya?!

"Baka kumindat 'yan sa 'yo, ah. Ingat lang."

"Kanina ko pa nga hinihintay. Naiinip na nga ako, ayaw pa rin kumindat."

"Pagpasensyahan mo, mana sa may ari ng mukha. Shy type."

"Shy type?" pagtataka ni Rayne, nilingon si Kaye. ('Yong totoo.)

Kumindat ito nang magtama ang paningin, pilyang kumagat labi pa.

Teka. Nalusaw ata siya saglit. Teka.

Wait (!!!)

"Seriously, Rayne. . ."

Kilala pa rin siya ni Kaye. Shit.

Kalma lang (!!!) 

"It's good to see you again."

Ang genuine ng ngiti ni Kaye, gusto na lang umiyak ni Rayne bigla kahit hindi niya alam kung bakit.

"Same," aniya.

"Same na ano?"

"It's good to see me," natatawang ani Rayne, natawa rin si Kaye. "Good to see you too, Kaye. Congrats din sa Kaye Pop, your first ever major solo concert. Oh, ayan. Kumpleto."

Ngumiti si Kaye, labas ngipin, parang sa cardboard face.

Putek, gwapo.

"Mukha ngang pinaghandaan mo, eh." Tiningnan siya ni Kaye mula sa ulo papuntang paa at paangat ulit. "Para kanino ba 'yang pag-aayos mong 'yan? White hair, light make up, white dress. . . nagulat pa ako n'ong lumapit ka, akala ko kung sinong Dyo—"

"Hindi para sa 'yo."

"Ouch. Hinay." Natawa si Kaye, nagpanggap na nasaktan at napahawak sa dibdib. "Ang diretso naman n'on sa puso ko."

Tumawa si Rayne. "May shooting talaga kami sa internship hanggang ngayon pero nag-half day ako. Priority kita, eh," nangingiting aniya. Sinisiko-siko si Kaye kahit hiyang-hiya na talaga.

"Gusto ko 'yan." Binunggo nito ang balikat niya gamit ang sariling balikat. "Kilig ako d'on."

May mga parte talagang pagkababaeng hindi nawawala kay Kaye kahit gaano pa kamukhang lalaki sa pisikal na anyo. 

Cute.

Cute?!

(Anuna, Rayne???)

"Gusto mo na 'yon?" Lumawak ang ngiti ni Rayne.

"Gustong-gusto ko," natatawa nitong ani. "Gustong-gusto ko talaga 'yon."

"Gustong-gusto mo na babagsak ako sa internship, gan'on?"

"Ay." Tumawa si Kaye, tinakpan ang bibig. Putek, sabi nang wag magpa-gwapo. . . "'Yong priority naman."

"Huwag mo na masyadong isipin, Kaye. . ." (Wow, saan nakakuha ng lakas ng loob sabihin ulit ang name niya? Wow?) "Baka kiligin ka masyado n'yan, hindi ka na makauwi."

Love Songs for No OneOnde histórias criam vida. Descubra agora