Eh ganun kaya suot nung mga yun! Tagabukas sila ng lababo, taga bigay ng sabon.. Yung ganon?!

Eh malay ko ba? Lumabas din siya nun eh. Ewan. Basta. Nakita ko siya.. Yang prinsipe Enrique na yan. Turo niya sa tv. Matapos makwento ni DJ yun. Bigla na lang tumayo si Kath.

O Ate? San ka pupunta? Tanong ni Alexa kay Kath.

Lalabas lang.. At bigla siyang lumabas.

Oi, DJ?! Anong ginawa mo kay Kath Ha? Tanong ko kay Dj, mamaya kasi may sinabi siyang hindi maganda eh.

Wala akong ginagawa dun noh, nagsasalita nga ako dito. Di pala siya nakkinig. Nagulat na lang ako kasi bigla siyang tumayo.

Di nga? Baka naman ---

Kahit itanong mo pa sa kanya, sundan mo na nga yun baka mapano pa sa labas! Utos ni DJ.

Eh bakit di mo sundan? Singit naman na sagot ni Alexa. Kaw tong parang concern eh.

Hindi wah! Bahala nga kayo. Tumayo si DJ at akmang pupunta sa pintuan..

Di pala concern wa. Sabi ni Alexa. Pero di na pinansin ni Dj.

Anong problema ni DJ? Kala ko ba nagbago nay un? Bakit ang sunget pa din?! Tanong ko kay Alexa. Kame na lang dalawa natira dito eh.

Ewan ko ba kay Kuya, kay ate Kath lang ganyan yan.. Kibit balikat na sagot ni Alexa.

DJ’s POV

Sarap ng kwentuhan namin ni Kath eh. Kahit ano lang mashare namen.. Oi wag kayong malisyoso noh! Nagkkwentuhan lang kame. Walang masama dun, ok? Tapos nung pinakita lang yung prinsipe Enrique na nasa tv, bigla siyang natulala. Siguro nagkataong Enrique name nung mahal niya? Paano ko nalaman? Sinabi ni Alexa? Tanda nyo pa ba? Yun na.. Bigla na lang siyang lumabas, pinpasundan ko kay Julia, pero nagsalita yung matalino.. Kaysa maintriga pa ko. Lalabas na lang ako. Pero sa totoo lang, susundan ko siya.

Nasan na kaya yun? Paglabas ko kasi ng bahay, wala siya. Tiningnan ko sa paligid, pero wala. Naglakad ako ng konti, palabas ng eskinita. Nakita ko siyang nakaupo. Nilapitan ko siya..

Hindi.. hindi pwede to.. Sabi niya, di niya alam na nakalapit na ko sa kanya.

Kath? Napatingala siya. Nagulat ko ata. Bigla siyang tumayo.

Ka-kanina ka pa ba jan? Tanong niya.

Hindi naman. Ano bang nangyare? Bakit ka na lang lumabas? Tanong ko. Umupo ulit siya, tinabihan ko na lang siya ulit.

Wala. May naalala lang ako. Mahina niyang sagot.

Pwede mo namang ishare? Tanong ko. Bakit na lang ganun yung nararamdman ko? Sa dating matigas ang puso ko, bat ngayon napakalambot na sa ibang tao, lalo na kay Kath.

Wala talaga to DJ, siguro pagod lang.. Saka natutuwa kasi kong nagbabahagi ka na skin at gusto mo rin akong magbahagi sayo ng nararamdaman ko. Takte, biglang bilis ng tibok ng puso ko eh. Totoo ba tong ginagawa ko?

Ahh. Wala yun, nagbago na nga ako diba? Yun na lang nasabi ko. Ngumiti na lang siya. Tara na Kath, pasok na tayo. Mahamugan ka pa eh.

Aking PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon