CHAPTER 7;

17 0 0
                                    

"Let's cheers for the birthday girl!" Masayang sigaw ni Ford sunod ang sabay-sabay naming pagkanta ng happy birthday para Kay Bea.

Sa The Great Resort namin ginanap ang kaarawan ni Bea..

Masaya ang boong barkada dahil kompleto ang lahat.

Yes. Even my damn husband is here.

Magkatabi kami ngayon, at kahit sa mga kaibigan ko na nagsasaya ako nakatingin nararamdaman ko ang mga titig nito sakin.

"Guys,I have a good news" nangingibabaw ang excitement sa boses ni Bea.
Maging kami ay na-iexcite narin sa ibabalita niya.

"Extended pa ang bakasyon ko dito ng tatlong araw so it means, extended din ang celebration natin para sa birthday ko!"

"Woooohh! Masaya to!" Tuwang-tuwang tugon ni Clark.

"At ibig sabihin din nito, maipagdiriwang natin ang birthday mo sa mismong araw nito!" Saad naman ni Lyn.

"So does it mean that we're gonna have fun for 3 days?" Excited ding saad ni Loren gamit ang maarteng boses nito.

"Hmmm, and I'm asking you to stay here for 3 days" nakangiti paring tugon ni Bea.

Teka?

Pano yung susuotin namin..

"But Bea, pano yung damit-"
"Ops,alam ko na yan Trix.. Nagwoworry kayo kasi wala kayong mga dalang damit diba?,wag nyo ng problemahin yan,ako ng bahala jan"

"Ayun oh! Kaya kita mahal e" natawa na lang kami sa naging tugon dito ni Joren, boyfriend ni Bea.

"Sus! Ang sabihin mo Joren, tuwang-tuwa ka lang kasi makakasama mo pa si Bea ng matagal" tawanan na naman ang lahat sa sinabi ni Lian.

"Please lang guys,don't say no kasi hindi ko lang naman to ginagawa just to celebrate my birthday. I really want us to be together again,yung kompleto tayong lahat. Tulad ng dati,kasi alam ko naman ang iba satin sobrang busy na.. Hindi na makapunta kapag may gala ang barkada, kaya naisipan ko to.. And I'm very sorry kung nabigla ko kayo. Natakot lang ako na baka kapag sinabi kong 3days tayo dito. Hindi kayo pumayag."

Natahimik ang lahat sa puno ng tampong saad ni Bea.

Oo nga,masyado na kaming busy na kailangan pang pilitin ang iba para makompleto ang lahat.

"Arg, I hate you na Bea. We're here nga to have fun not to have drama eh" umiiyak na si Loren sabay tayo nito at niyakap si Bea.

Lumapit din kaming lahat dito ..

"Group hug!!!!" Sigaw ni Joren.

"I really love you guys.. Para ko na kayong mga kapatid e. Masakit sakin ang makitang nasasaktan kayo. I swear, pag may masamang nangyari sa isa sainyo.. hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sakin." Saaming magkakaibigan si Bea talaga ang masyadong emosyonal. Kaya kapag ito na ang nagsalita,lahat kami natatahimik.

Pero ganun paman siya din ang dahilan kung bakit kami nagkakasama-sama.

Dahil sa pagiging emosyonal niya natutunan din naming pahalagahan ang nararamdaman ng bawat isa.

"Stop the drama na nga birthday girl.. Nakakainis naman to eh."  May halong inis nang tugon ni Loren.

Si Loren naman ang kabaliktaran ni Bea, ayaw na ayaw niya kasi ang kadramahan.

Loren is the 'easy-go-lucky person' saaming magkakaibigan.

"Babe,hayaan mo na..birthday niya naman eh" Irap na lamang ang naging tugon ni Loren sa biro ni Clark.

"Oh enough the drama na..woooooohhhhh happy birthday babyyyyyyyyyy!!!!" Natawa na lang ang lahat sa kakulitan ni Joren.

"Alam mo Bea natatakot na talaga ako para jan sa boyfriend mo eh." Isang nagtatakang tingin ang ipinukol namin kay Lyn.

"Hindi nagmamature e." Sabay-sabay kaming tumawa sa pang-aasar ni Lyn dito.

"Ahh ganun!!!!!"

Napailing na lamang kami, habang naghahabulan ang magpinsan.

*********

Pagkatapos ng asarang iyon ay napagdesisyunan naming mga babae na magluto ng iba't ibang putahe para sa pagsasalong gaganapin mamaya.

Habang kaming mga babae ay abala sa pagluluto..ang mga lalaki naman sa tabi ng swimming pool ay sinimulan na ang kasiyahan. May mga nag-aasaran, may mga umiinom, may nag uusap ng masinsinan at may naggigitara.

I really miss it. Eto yung mga panahong wala pa kaming masyadong inaalala.

Yung mga panahong Hindi pa kami natututong magseryoso sa buhay.

"Kamusta na kayo ni Nathan, Trix?" I suddenly stopped from reminiscing when Lyn interrupted it.

Napansin ko rin ang bahagyang paglingon nila Bea,Lian at Loren sakin.

Isang tipid na ngiti lamang ang naging tugon ko dito.

"Actually, kanina pa talaga ako may napapansin e." May halong pagdududang saad pa ni Lyn.

"Ano ba yon, Lyn?" Tanong ni Bea habang naghihiwa ng mga sangkap na gagamitin namin sa pagluto.

"Kasi kanina panay ang titig ni Nathan kay Trixie, eto namang si Trixie akala mo may sore eyes ang asawa at hindi ito magawang tingnan man lang." Puno parin ng pagtatakang tugon ni Lyn.

"Oo nga Trix, para talagang may nagbago sa asawa mo or should I say, sainyo. Ano ba kasi talagang nangyari?" Nalilitong tanong ni Bea.

Hindi ko alam kung pano ko sakanila ikukwento to.

Gayong kay Lian ko pa lamang nasasabi ang halikang nasaksihan ko nong isang gabi.

Ayokong magalit sila kay Nathan dahil sakin.

Masyado ko na silang nadadamay sa gulo namin ng asawa ko.

At maging ako ay nalilito narin sa mga kinikilos ngayon ni Nathan.

Gusto kong maging masaya, kasi parang bumabalik na yong dating Nathan na nakilala ko, pero may parte saking hindi sumasang-ayon dito .

"Ang gulo niyo Trix,kung dati halos lumuhod ka na sa harapan ni Nathan maibalik lang yung dati nyong pagsasama ngayon naman kung kailan parang nakikiayon na ang tadhana sa gusto mong mangyari noon, ikaw naman tong parang lumalayo na." Si Lyn na gulong-gulo na.

"I'm sorry kung nadadamay kayo sa problema naming mag-asawa."

"Trix,hindi ganun. Kung anong problema ng isa saatin problema na rin yun ng lahat.. Kaya dapat walang iwanan at higit sa lahat walang lihiman."

Dama ko ang sensiridad ni Bea.

Mula kay Bea ay inilipat ko ang tingin ko sa hinihiwang sibuyas.

Nararamdaman ko na ang pamamasa ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha..

Naiinis ako sa sarili ko.
Bakit kung kailan handa na kong patawarin ni Nathan saka naman ako nagkakaganito.

Bakit kung kailan lumalaban na sya saka ko naman mararamdaman ang unti-unting pagsuko.

Tanging singhot ko lamang ang maririnig, walang nagsasalita.

Gusto man nilang magtanong batid kong pinipigilan lang nila ito gayong nasa malapit lang ang mga lalake.

Ang hirap maging masaya kapag alam mong ang dami mo ng nadadamay na iba.

"I hate myself for doing this to you guys. Alam ko namang nahihirapan na kayo dahil sa away naming mag-asawa."

"Trix, we're so worried. Nandito lang kami para sayo okay?."
Si Loren gamit ang nag aalalang tono.

"Oo trix, hayaan mo't mamaya uupakan natin yan si Nathan" natawa nalang kami sa sinabi ni Lyn.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Giving UpWhere stories live. Discover now