Ayoko nang ganitong feeling, ayoko nang maramdaman ang sakit na naramdaman ko nang dahil sa kaparehong tao.

Sa mabigat na paa ay dumiretso na ako sa kuwarto ko, hindi na nga ako nakapagpalit nang pambahay at basta na lang dumapa sa kama at natulog, hoping na sa pagtulog ko man lang na iyon ay makalimutan ko man lang ang sakit na nasa puso ko.

"Shit bakit kasi ang hina hina mo Dustin!" galit na galit ako sa sarili ko letting myself be affected by Jonathan.

Naramdaman ko na ang pamimigat nang talukap nang mga mata ko at hinayaan kong tangayin ako nang karimlan.

 "Don't ever think na ginagawa ko ang bagay na ito nang dahil sa iyo."

"Shit lang talaga oh, hanggang panaginip ba guguluhin ako nang taong iyon." sinabi ko sa sarili ko nang magising ako nang umagang iyon.

Hindi ko talaga mapapatawad si Marvin kung siya ba talaga ang may pakana kung bakit nawala ang passport ko at hindi natuloy sa flight ko, I tried to call him pero hindi ko naman macontact so wala akong choice kung hindi ang mag stay sa lugar na ito.

Pero aminin ko man o hindi I feel at ease sa bahay na ito dahil dito ko talaga naramdaman ang maging parte nang isang totoong pamilya, Marvin and Tita Anita showed that to me and treated me as one of their family member at kahit kailan hinding hindi ako magsasawa na magpasalamat sa kanila.

I can still remember the time that I got here two years ago at sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong iexpect sa una naming pagkikita nang half brother ko, matagal ko na kasi siyang gustong makita eversince my dad told me about him at dahil hindi naman kami gaanong close ni Maggie since masyado siyang maarte ay talagang ginusto kong makilala ito at hindi naman ako nadissapoint dahil sobrang bait pa ni Marvin at katulad ko din siyang bisexual what ar the odds right, at masaya ako dahil natagpuan niya ang taong mamahalin ni at magmamahal sa kanya habang buhay, at least he have his own happy ending unlike me na parang wala nang pag-asa sa love love na yan.

Kumain na muna ako nang agahan nang umagang iyon bago ako magsimulang maglakad lakad, may nadaanan kasi akong gym kahapon nang paparating ako at since walking distance lang naman ay naisipan kong mag enroll para maging fit pa din ako.

Dala dala ko ang varsity bag na nabili ko kung saan nakalagay ang gagamitin ko sa paggigym ko, towel, extra shirt , bottled water at kung ano ano pa.

"Good morning, ako iyong kahapon na nagpamember mag start na sana ako kung puwede?" nakangiti kong sinabi sa nagbabantay nang naturang gym.

"Ah ganoon ba sige pakilog na lang iyong name mo dito." sabay abot sa akin nang blue log book.

"Sure." I said then wrote my name on it at matapos non ay dumiretso na ako sa locker room kung san ko nilagak ang dala dala ko, dahil medyo maaga pa ay wala pang masyadong tao may dalawang lalaki lang na magkasamang nag gigym at agad gumana ang gay radar ko nang makarating na ako kung saan ang mga equipment kasi ba naman naging automatic ang mga mata nila sa pagtitig sa akin ni pinagkibit balikat ko lang.

Nag streching muna ako and did some warm-up bago nagsimulang magbuhat nang mga weights, eversince na bumalik kasi ako sa Canada ay nagfocus na ako sa pagiging fit not because gusto kong maging kaakit akit sa ibang tao since hindi ko na naman kailangan iyon, I'm already gorgeous for crying out loud.

Habang busying busy ako sa pagbubuhat ay namalayan ko na lamang na may katabi na pala ako, nakakairita lang kasi kung kailan gusto mong magsolo doon naman may dadating na istorbo, why do I need to be so gorgeous!

"Hi there cutie." nakangiti nitong sinabi habang patuloy na nakatingin sa akin, gusto ko ngang sabihin dito na wipe his saliva for crying out loud.

"Hi." maikli kong sinabi dito still busy with what I'm doing and I'm just hoping na magets nito na hindi ako interesado and to just go away.

"Mag-isa ka lang?" tanong nito na para bang hindi nito nakita na mag-isa lang ako pumasok.

"Ano ba talagang gusto mo?" medyo naiirita na kasi ako kasi patuloy ito sa pang-iistorbo sa akin at gusto ko na sanang mapailing nang makita kong nagbago ang itsura nito from a smiling face sa mukha nang isang manyak na tao.

"Wow mukhang ayaw mong mag-aksaya nang oras, want to get out of this place and do something erotic." he said while touching may arm.

Nginitian ko ito nang sobrang tamis na piling ko magkakatooth decay at ang loko dalang dala naman ang masyadong asaness sa mga nangyayari.

"So tara na." aya nito sa akin na parang hindi makapaghintay na matikman ang delicious body ko as if naman papatikim ko sa kanya hello virgin pa kaya ako.

"Sige una ka na, magkita tayo sa 7 Eleven after thirty minutes." nakangiti kong sinabi dito at ang loko nagmamadaling umalis hindi man lang nakapagpalit nang damit.

Napapailing na lang ako at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko matapos ang fifteen minutes ay minabuti ko nang umalis sa naturang gym na iyon ngunit laking gulat ko nang bigla kong makasalubong si Jonathan na papasok naman sa gym, kita ko din ang pagkagulat sa mukha nito nang makita ako ngunit agad din nitong naitago.

"Ikaw?" naiilang kong sinabi dito.

"Ako nga and remember what I told you last night Dustin, you're my responsibility and I am hoping na magiging responsable ka at susunod sa gusto ko." malamig nitong sinabi na agad akong nimalapasan at nagpatuloy na sa pagpasok sa gym.

Naiwan naman akong natutulala sa sobrang lamig na pakikitungo nito sa akin, at unti unti ay nakaramdaman ako ng galit sa kinikilos nito at biglang lumabas ang rebel side ko na hindi ko alam na meron pala ako.

"You want me to be responsible and just follow what you want Jonathan? FAT CHANCE! I will show you the rebel side of Dustin Wills." asar na asar kong sinabi sa sarili ko.

Learn To Love Again (Boyxboy)Where stories live. Discover now