SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYE

403 6 8
                                    

". . . mahal pa rin kita."

Yan ang una kong sinabi sa kanya bago pa niya ako tuluyang iwan. Hindi ko naman siya masisisi kung makikipaghiwalay siya sa akin. Hindi ko naman hawak ang mundo eh. Hindi ko naman mapipigil ang pag-ikot nito. Hindi rin naman ako martir o tanga para sabihin sa kanya na huwag niya akong iwan. Dahil ang totoo, lahat ng tao, balang araw, iiwan at iiwan ka rin ng mag-isa, kahit sabihin pa nila na hindi nila sinasadya o kung anuman ang maging dahilang nila para iwan ka. Yun ang bagay na hinding-hindi mo kayang panghawakan habang buhay. Kasi alam nating lahat, balang araw mamamatay rin tayo. Kaya naman, naiintindihan ko at nirerespto ko ang naging desisyon niya kahit pa alam kong masasaktan ako.

---::---

Ang pangalan ko nga pala ay Celestine Madrigal. Tin, para sa pamilya't kaibigan ko at Celestine naman para sa taong mahal ko. Labing-walong taong gulang na ako at nag-aaral sa isang normal na paaralan. Hindi naman kame mayaman at hindi naman mahirap. Sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita ng mga magulang ko.

Isa akong Performing Arts Student, at bukod pa dun ay isa rin akong part-time singer sa isang five-star restaurant. Kung saan nagkalapit ang landas namin ni Paolo Kurtin Ledesma, Kurt o Kurtin sa pamilya't kaibigan niya, at Paolo naman para sa akin. Siya ang taong mahal ko. Pamilya nila ang may-ari ng pinagta-trabahuhan ko. Kung ikukumpara sa akin, walang-wala ko. Mayaman siya, gwapo, matalino, matangkad, mabait, at higit sa lahat mapagmahal.

Sa tanan ng buhay ko, siya lang ang nakilala ko na ganun ang ugali. Ang alam ko kasi 'pag mayaman ay snobspoiled, masama ang ugali, at mayabang. Pero, mali pala ako. Hindi pala lahat ng mayaman ganoon.

Nag-aaral rin siya sa kapareho kong paaralan. Labing-walong taong gulang ring tulad ko, at isang Culinary Student.

*FLASHBACK*

"Hay naku naman si Mama, hindi ako ginising." nagmamadali na akong magbihis kasi mahuhuli na ako sa interview ko.

Buntis kasi si Mama at kabuwanan na rin niya, kaya medyo gipit kame. Pinagpahinga muna siya ng doktor niya mga dalawang buwan, kung hindi baka may mangyayaring masama sa kanya pati na rin sa magiging kapatid ko. Si Papa naman, wala dito. Nagta-trabaho siya sa ibang bansa bilang mekaniko. Kada-buwan lang siya kung magpadala, kaya naman naisipan kong tumulong na lang sa pamilya ko kahit papaano.

Para hindi ako maging pabigat, naghanap ako ng trabaho habang nag-aaral ako. Habang kumakain kame ni Mama ng agahan dalawang araw ang nakakaraan ay may nabasa ako sa dyaryong hawak-hawak ni Mama.

Nabasa ko na kailangan ng mga singer sa bagong tayong restaurant. Mabuti na lang at malapit lang sa lugar namin ang restaurant na iyon. Kaya naman agad kong sinabihan si Mama at sa kabutihang palad, pinayagan ako.

Agad akong pumunta sa address na nakalagay sa dyaryo at nagtanong ako agad sa guard. Pinaliwanag naman niya kung ano ang mga dapat kong dalhin at bumalik na lang bukas para sa interview ko.

Kaya naman heto ako't nagmamadali ng pumunta sa restaurant. Kung ginising lang sana ako ni Mama, hindi na ako tatakbo at hihingal ng ganito.

Pagdating ko sa destinasyon ko napansin ata ni manong guard ang itsura ko.

"Hindi ka pa naman latehija." tuwang sabi ni Manong.

Ngumiti na lang ako sa kanya at pinagbukas na niya ang glass door. Ang ganda talaga sa loob, parang palasyo. Lahat nga ata ng mga bagay na mahahawakan o maaapakan ko ay babasagin. Kaya naman sobrang ingat ko.

SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon