Epilogue (Lakas maka-fairytale! :P)

370 8 8
                                    

Epilogue

Ano bang pinaka awkward na pwedeng mangyari sakin ngayon para mapansin ni Kuya Yance?

a.       Madapa una mukha? (Bura, bura. Masyadong masakit yun at masisira ang cuteness ko pag nangyari yun)

b.      Madulas na plakda sa sahig? (Ouch. Masakit yun. Baka mabalian pa ko ng buto sa likod.)

c.       ……

Naramdaman kong may pumatong na kamay sa ibabaw ng ulo ko sabay gulo ng buhok ko. “Goodmorning cute.” Boses ng isang gwapong anghel ang bumalot sa pandinig ko.

Tumingala ako para makita ang napakagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Si boy katawan na nakangiti sakin. Nasa langit na po ba ako?

“G-good. M-morning. B-boy katawan. Este Kuya Yance.” Mautal utal na sabi ko.

Tinaasan niya ko ng isang kilay na parang may mali sa sinabi ko tsaka ko lang naalala na Yance na lang pala dapat. Hindi nga pala nagkakalayo ang edad namin.

“Y-yance. Tama. Goodmorning Yance.” Pagtatama ko sa sinabi ko kanina.

“Papasok ka na ba?” Tara sabay na tayo.” Yaya niya sakin.

Para akong napako ng ilang saglit sa kinatatayuan ko bago tumingin sa paligid para I-check kung ako nga ba yung inaaya ni Yance. Gosh. Yance. Yance. Yance. Napakabago sa pandinig ko na tawagin siyang Yance lang. Parang may something na intimate sa pangalan niya pag binabanggit ko. >////<

Kisses ano ba! Tigil! Kung ano anong iniisip mo!

“S-sure.” Sagot ko at naglakad na kami sa hallway ng school ng MAGKASABAY! MAGKASABAY inuulit ko! NASA TABI AKO NI YANCE! SA TABI NIYA! >//////<

Kalma kisses. Kalma. Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang pag pintig. Ang lapit ko sa kanya. Sa dating lalaking pinapangarap ko lang.

Mwehehe. Ate Thalia, I’m sawree. But this time it’s just me and Yance.

Napatawa ako ng mahina sa naiisip ko. Alam ko mukha akong assumera pero parang may gusto na sakin si boy katawan. Kasi naman diba? Bakit niya ko papansinin? Atska yung sinabi niyang special ako sa kanya? *sigh* my favorite word ever.

“May nakakatawa ba?” narinig kong tanong niya sakin.

Napakagat ako sa labi para pigilan ang tuwang nararamdaman ko. “W-wala.” Nahihiyang sabi ko sa kanya.

Tumango-tango siya habang naka-smirk na parang hindi siya naniniwala sa naging sagot ko.

“W-wala talaga. Promise. Hindi ko iniisip na nakakatuwa na kasama kita ngayon. Na binati mo ko ng Goodmorning. Na malapit ka sakin. Na sinabayan mo ko para ihatid sa room. Na… na…” napanganga ako ng ma-realize ko lahat ng sinabi ko.

Shet Kisses! Anong naisip mo! Ang daldal mo talaga!!! Waahhhhhhh!

Agad kong tinakpan ng dalawang kamay ko ang bibig kong magpapahamak sakin ng di oras. Napakunot ako ng noo. Gusto kong tuktukan ang ulo ko para magising gising man lang ako sa kahibangang pinasok ko.

Narinig kong napatawa si Yance tapos ang mga sumunod na nangyari ay X-rated. Censored. Pinnngggg. Ang mga susunod na pangyayari ay may temang hindi angkop sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ang kailangan.

Oo na nag-over react lang!

Eh ano ba yung HINALIKAN lang ako ni Yance  sa noo? Psh. Halik lang yun! HALIK!

HALIK KISSES!

HALIK GALING KAY YANCE!

HINALIKAN AKO NI YANCE!

I'm in-LIKE to a gangster (fan fiction of WMGMHM)Where stories live. Discover now