My Diary: Open it or else you're mine (one-shot)

1.1K 42 30
                                    

My Diary: Open it or else you’re mine

Being SINGLE is a choice, “DAW”

Nako! Hindi rin!

Minsan sadyang NO CHOICE lang talaga! (linya ng mga bitter)

Oo na! Minsan linya ko din yan no! Eh papaano ba naman, college na ako pero wala pa din akong boyfriend. Hanggang ngayon, iisang page pa din ang laman ng diary ko.

Dear Mr. Diary,

                This is my first entry… Kaya magpapakilala muna ako sa’yo para maging close tayo. Ako ang dyosang si Anna Maria Santos, ang pinakamagandang SINGLE at always AVAILABLE … since birth. NBSB ako pero maganda talaga ako. It’s not my choice to be single. Ahm.. maybe somehow kasi marami namang nanliligaw sa akin pero walang pumapasa sa standards ko. I mean, wala pang nakakapagpa-hyper ay Mr. Heartbeat… If you’re asking if I’m desperate to have a boyfriend… My answer is definitely YES! Hello? Ang ganda ko kaya! Sometimes, bitter ako makakita ng couple lalo na yung high school students pa lang. I’m not sure kung matatawa ako dahil masyado pa silang bata and puppy love lang ito, or maiinggit dahil buti pa sila na-experience na ang ma-inlove. Basta I just want you to know, Mr. Diary, na gusting gusto ko ng magkaboyfriend.

                                                                                All my love,

                                                                                Anna Maria Santos

P.S.  Susulat na lang ako ulit ditto kapag nagkaboyfriend na ako. Kaya kung gusto mong mapuno agad at hindi maluma nang walang kasulat-sulat ay ihanap mo na ako ng boyfriend. I supercalifragilisticespialidocious need a boyfriend. Xoxo

Nandito ako sa library ng East Scholastica University (ESU). I love reading books… Oh! Hindi po alamanacs or encyclopedias ang binabasa ko sa library kundi novels about love.

Dito ako napasok sa ESU… Why? Because of two reasons. First, ditto daw the best and Dental Medicine and second, to find my destiny. Yeah, ditto talaga ako nagpunta sa lugar na malayo sa amin kaya I’m living in a dormitory. Kasi, kung doon pa rin ako sa amin magco-college… Like hello? Sa 17 years of existence ko sa lugar naming eh wala akong nagging boyfriend kaya malay mo, nandito pala ang destiny ko.

Lagi kong dala si Mr. Diary… Girlscout ako eh. Kasi baka any moment ay dumating ang destiny ko. Nilabas ko na naman si Mr. Diary para makahinga. Matagal-tagal nap ala ang nakakalipas pero di pa rin nadadagdagan ang sulat. Binasa ko ulit yung sulat ko sa first page, then after, nilapag ko na sa table at nagpatuloy sa pagbabasa ng novel.

Favorite tamabayan ko itong library kasi bukod sa malamig, di ko na kailangang bumili ng book kasi updated ang library naming. Meron nga din ditto ng book series ng Hunger Games.

*Krrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

“Oops! Time nap ala! May klase pa ako!” Ahh..uhm! kung iniisip niyo na may bell pa sa college ay nagkakamali kayo. Hindi po bell ang tumunog kundi ang alarm ng cellphone ko. So ayun, dali-dali kong niligpit ang mga libro at ibinalik sa shelf… Ninja moves na ako papunta sa klase ko.

Natapos na din ang klase. Boring! Mas Masaya pang magbasa ng novels… Speaking of novels, hindi ko pa pala tapos basahin yung binabasa ko kaninang break. Babalik na lang ako sa library. Ayos-ayos muna ng gamit..

We-Wait!!!!

NASAN NA YUNG DIARY KO???

Halungkat ng bag! Aigooooo! Wala talaga ih!

My Diary: Open it or else you're mine (one-shot)Where stories live. Discover now