CHAPTER 6

15 0 0
                                    

               TRAINING

 
             ALEC'S POV

    Nandito ako ngayon sa condominium na napili ko makailan lang. Okay naman ang unit na narentahan ko. Dito lang naman ako magsisimulang mag-ayos ng mga armas na kakailanganin para sa proteksyong maibibigay ko kay Patrick. Alam kong anytime susugod sila. Nong isang araw pa ako nagpatawag ng urgent meeting sa G's. May mga mafia bosses din ang nagsidalo at nakibahagi.

     Bukas ko na lang sila sasabihan.

        Abalang-abala ako sa pag-aadjust ng telescope ng sniper at hinahanda ko rin ang mga bala at ibang baril na gagamitin sa labanan incase na mangyari man.

       May mga daggers at kunai rin, tear gas at mga exploding devices. Hindi ko noon agad nasabi ang nakita ko dahil alam kong iba magdesisyon si Patrick, nakakabobo, padalos-dalos. Ako lang kasi yung may matinong pag-iisip sa decision-making. Tatlong araw na pala akong absent sa school dahil sa paghahandang ginawa ko. Mabuti naman, hindi nila ako inistorbo. Hindi nila ako hinanap pa.

    

          

              JIEL'S POV

"Kuya, saan to? Bongga ah?"- tanong at puri ko agad sa kanya pagkatapos bumaba sa kotse nya. Tumambad kasi kami sa harapan ng isang malaking mansyon.

"Ito yung sinasabi ko sa iyo noon kaso di ka nakikinig. Tsk. headquarters namin to, still sa part pa rin ng lugar natin. Welcome to Deltix's HeadQuarters. Dito napupunta yung pundo namin sa mga gangfights. Halika ka na nga!"- paliwanag nya sabay higit sa braso ko papuntang gate. May kung anong card ang iniswipe nya sa gate at idiniin ang thumb sa may device na di ko alam kung ano tawag basta ang alam ko lang parang password ang card na yun at yung finger prints nya wherein, di ka makakapasok ng basta-basta kung walang ganun at pag di nagmatch ang finger prints mo sa device na yun. Automatic na bumukas ang gate kaya pumasok kami. Nang makapasok ay nagkusang magsirado ito.

   " Kuya, ang astig! Ngayon pa lang ako nakikita nyan. Ang galing parang magic. Gusto ko din ng ganyan"-mangha kong usal sa kanya

       Kita ko namang napailing na lang si kuya Jake habang nakatanaw sa pintuan na hawak pa rin ang braso ko.

  "Bakit kuya?"

  "Nandito pala ang mga ugok. Tsk. Pasaway talaga"- kuya

    Nakita ko yung mga gangmates ni kuya. Aish.... Mga nakahalf-naked pa. Diyos ko! Maiilang ako nito panigurado.

      Nang pumunta na kami ni kuya sa harapan nila agad nyang binatukan yung isa nyang kamiyembro

  " awts... Grabi naman to makabatok. Ang sakit wolf kung alam mo lang!"- reklamo nya

         Wolf? Bakit wolf yung tawag nya kay kuya? Baka endearment nila? Haha. Ang pangit ng wolf.

"Bakit nga pala kayo nandito? At teka bakit nandito kayo sa labas tsaka nakashorts lang. May babae siguro kayong kasama noh?! Tell me Ash!"- inis na tanong neto sa kaniya.
       
  " Easy wolf, we're here dahil wala kaming pasok at walang kaming dinalang chicks. Di ba ikaw mismo ang nagsabing pwede kami pumasok dito pag walang klase? We didn't break your rules... I guess, ikaw mismo ang bumali sa rules mo wolf"- Ash sabay ngisi at tingin sa'kin... So ako ang dahilan? Tsk.

  "He is my sis ash, chicks ang pinagbabawal ko. By the way, ngayon ko na sya itetrain. Kulang pa ang fighting skills nya. Self-defense lang kasi ang alam nya. I think she is now ready to handle fights... Nagmamaang-maangan kasi na marunong daw sya sa pakikipaglabanan. Tsk. Ang hina naman." - kuya at nagsitawanan naman sila

My Bossy SenpaiWhere stories live. Discover now